Forever 3

22 3 0
                                    

Nagising nalang ako nang may marinig akong singhot ng singhot. Grabe naman 'yon. Hahawaan pa yata ako ng sipon.

Nakahiga ako ngayon. Hindi ko alam kung papaano ako nakarating dito basta ang alam ko, nahilo ako, natumba tapos pagkagising ko ito na. Nakahiga na ako.

Tinignan ko kung sino yung singhot ng singhot at nakita ko siya. Umiiyak? Natawa nalang ako at pinalo siya ng mahina sa braso niya.

"Tania!? Gising ka na!" bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Tawa lang ako ng tawa habang yakap niya ako.

Lakas din ng topak ni Tyler eh. Nahimatay lang naman ako. Hindi naman ako namatay. Ang OA niya. Nakakatawa lang. Ang cute niya tignan habang umiiyak siya. Nakayuko pa siya sa higaan na para bang patay na talaga ako. Droga pa.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ni Tyler nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. Sumisinghot siya habang sinasabi niya 'yon.

"Para ka kasing ewan eh. Hindi pa naman ako patay pero iniiyakan mo na 'ko." Nakangiti kong sabi.

"Akala ko kasi kung napaano ka na. Kinabahan tuloy ako sa 'yo." sabi niya. Bigla niya akong inabutan ng tubig na dapat bibilhin namin bago ako mahinatay.

"Salamat." sabi ko. Sa wakas tumigil din si Tyler sa pagsinghot.

"Kina-usap nga pala ako kanina nung teacher natin. Sabi niya, wag na daw nating ituloy yung paglilinis. Baka daw kasi ako naman ang mahimatay." sabi ni Tyler pagkatapos ay ngumiti.

Salamat naman. Kailangan ko lang palang mahimatay para hindi na kami maglinis.

"Mabuti naman. Siya nga pala, paano nga pala ako napunta dito sa clinic? Binuhat mo 'ko?" tanong ko.

"Hindi ko din alam kung sino ang nagdala sa 'yo dito. Nung nahimatay ka kasi, pinabantayan kita saglit kay Andrea na pagala-gala. Tapos nagmadali akong maghanap ng tutulong sa 'kin para magbuhat sa 'yo. Tapos nung nakahanap na 'ko ng tutulong sa 'kin, pagbalik ko wala ka na. Dumiretso ako sa clinic. Pagkapunta ko, nakita kita na nakahiga na dyan." Kwento niya.

Hala? Sino naman kaya ang magdadala sa 'kin dito? Hindi kaya si...

Hindi siya. Asa naman ako. As if may care siya sa 'kin. Saka bakit ako aasa? May gusto ba ako sa Mr. Sungit na James na 'yon? Adik rin ako eh.

"Tinanong ko na rin yung nurse pero hindi naman ako sinagot. Ang snob." dagdag pa ni Tyler. Natawa naman ako sa sinabi niya. Nakakatuwa lang na kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala ni Tyler-ay matagal na nga pala kaming magkaibigan. Ulyanin ko talaga.

Bago ako umalis, kina-usap ako nung nurse. Pina-una ko muna si Tyler kasi sabi ng nurse na kung pwedeng kaming dalawa lang ang mag-usap.

"Nurse Shara, salamat po pala sa pag-aalaga sa 'kin kanina." Masaya kong sambit.

"Walang ano man 'yon." Sabi niya pagkatapos ay ngumiti.

"Pero alam mo, ang swerte mo kasi sa lahat ng mga babaeng nagkakagusto at humahabol sa kanya, ikaw na hindi naman humahabol at nagpapapansin sa kanya ang nakakuha ng atensyon niya." Sabi ni Nurse Shara. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Anong sinasabi niya?

"Ha? Ano pong ibig niyong sabihin?" Nagtataka kong tanong. Out of this world ang mga pinagsasasabi ni Nurse Shara. O ako lang talaga 'tong out of this world?

Nag-smile lang siya sa 'kin at hindi sinagot ang tanong ko. Pabitin 'to si Nurse eh. Kung siya kaya ang ibitin ko? Ibitin ko siya sa puno ng mangga eh. Nang makita niya kung anong hinahanap niya.

May FOREVER ba?Where stories live. Discover now