Joke#41

19K 210 8
                                    

Pasahero


Pasahero: Manong di pa po ba tayo aalis?

Manong Driver: Mamaya na ho, wala pa kasing laman eh

Pasahero: ANONG TINGIN MO SA AKIN SABAW?!

WAHAHAHAHAH

- - - - - 

Balita KO

AMA: Anak balita ko bakla ka

Anak: Di po ako bakla! mga chismax lang yan galing sa mga chuvaness na walang magawa sa chenelyn nila! Mga chaka ever! ako?! baklush?! d-u-h!

Ama: Ganun ba? akala ko totoo ang churvah, okei, babush!

ngeek

- - - - - - 

Nadisgrasyang Hipon

Q: anong tawag sa naaksidenteng Hipon?

A: Accident Prawn.

- - - - - - -

Isang Bad News Lang Sana.

Tumunog ang telepono ng madaling araw.

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr.Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?"

"Um,napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

" Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yunga nanalo sa bird show?"

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris, sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yun. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"Eh, kumain po kasi ng bulok na karne"

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kaniya ng bulok na karne?"

"W-wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr. Arnaldo?"

"E, 'yun pong mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubig?!"

" Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasabi mo?"

"Yun pong halos tumupok sa bahay niyo, Tumumba po kasi 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy."

"ANO!? Puta-- E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan ah,Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po." 

"ANO?! Kaninong burol?!"

"Sa nanay niyo po,Sir. Bigla kasi siyang dumating dito nung isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na, akala ko po magnanakaw, kaya binaril ko po"

Naku po! patay!!

- - - - - 

Kasabihan para sa mga Beki

"Walang kaibi-kaibigan 'pag agawan ng jowa ang usapan"

"Sa hinaba-haba ng prusisyon, bading din pala ang magiging ka-relasyon"

"Walang matinong lalaki, sa malanding kumpare"

"Aanhin mo ang gwapo?, kung mas malandi pa ito sa'yo?"

- - - - - -

Aling Dionisia


Aling Dionisia: Doc gusto ko magpalagay ng breast!

Doc: Magpapa-sexy ka na?

Aling Dionisia: Breast sa ngepen ha?. Para umayos ang ngepen ko.

Jokes!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon