"Hi, ano'ng meron sa pabebe booth niyo?" tanong ni maine sa nagbabantay sa booth nang makalapit kami. Hawak niya pa rin 'yung kamay ko. I think she's not away na magkahawak-kamay pa pala kami.

And I don't think na gusto ko siyang bitawan.

Teka, ano ba 'tong iniisip ko? Weird.

"Kailangan niyo lang mag-pose with pabebe wave. Ten pesos po per photo." Paliwanag nu'ng babae sa booth. "And then kapag kayo ang may pinakamagandang shot sa buong university games, ipo-post ng Educ Circle ang photo niyo all over the campus."

Seriously? Baka magmukha pa 'kong wanted if ever na gawin nila 'yon.

"Picture tayo!" baling sa 'kin ni Maine. Nag-pretty eyes pa siya. "Sige na please? Five shots. Kahit ako na ang magbayad."

Natawa naman ako. Why is it so hard to resist her charm? "Sige na nga. Libre ko na. Baka umiyak ka pa eh."

"Yehey!" she shouted.

Pumwesto na kami du'n sa nagsisilbing studio ng booth at humarap sa photographer. Nakakatawa 'yung pagde-demo ng isang babae sa pabebe wave. Ayoko sanang gawin kaya lang hindi ko naman gustong maging KJ sa paningin ni Maine. She deserves to be happy even just for a short period of time.

Naki-pose na lang ako sa limang shots na 'yon. Pagkatapos naming makuha 'yung limang photos ay naglakad na ulit kaming dalawa.

"Ang gwapo mo rito oh," ani Maine habang iniisa-isang tingnan ang mga pictures. Na-focus ang attention niya sa sa limang photo. "You're so cute wtih your wacky shot."

Medyo yumuko ako para makita nang husto 'yung picture. Mas matangkad kasi ako kay Maine at ang rude ko naman kung aagawin ko 'yun sa kanya. "Saan?"

"Dito," sabi ni Maine sabay tingin sa 'kin.

Sabay kaming nagulat nang makita naming magkalapit na nang husto ang mga mukha namin. Napatitig siya sa 'kin at gano'n din ako. Napatigil pa kami sa paglalakad sa pathwalk ng school.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang nakatagong kalungkutan. Oo, masaya siya ngayong mga oras na 'to. Pero alam kong pag-uwi niya ay iiyak na naman siya o magmumukmok. Tatanungin niya na naman ang sarili niya kung saan siya nagkamali. I feel sorry for her. At hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay nasasaktan din ako para sa kanya.

"Ah... Uhm, tara na?" Maine uttered after five seconds. Para siyang natauhan sa eksenang 'yon at gano'n din naman ako.

"Y-Yeah, l-let's go," parang tangang yakad ko. Hindi ko naman ako 'yung tipo ng tao na nauutal pero what the heck! Ano'ng nangyayari sa 'kin?

Tahimik na kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isa pang booth. Nagbebenta sila ng mga kung anu-anong souvenirs. Lalagpasan sana ni Maine 'yung booth pero pinigilan ko siya.

"Wait, bili tayo," sabi ko habang nakatitig du'n sa bracelets and keychains na pwedeng ipa-personalize.

Narinig ko 'yung mahinang pagtawa niya. "Mahilig ka rin sa mga ganito? I thought you're..."

"Actually, wala akong hilig. Pero dahil kasama kita, gusto ko ng mga souvenirs para sa new found friend ko," sagot ko naman habang nakatitig sa kanya.

She widened her smile. "Salamat."

Namili kami ng mga bracelet. Pagkatapos ay pina-personalize namin 'yon. Ibinigay ko kay Maine ang bracelet na may nakasulat na "Tisoy" at sa 'kin naman napunta 'yung may nakalagay na "Meng." Ganu'n din 'yung ginawa namin sa keychains na hugis puso. Hindi dapat 'yon 'yung kukunin ko pero wala na kaming choice dahil wala nang ibang design ng keychain. Hindi namin mapigilan ang kakatawa nang tanungin pa kami ng nagtitinda kung "kami" ba.

Naglakad-lakad pa kami. Malaki ang university nina Maine. Much bigger than ours. Kung alam ko lang ay dito na rin dapat ako nag-enroll. Halos pareho lang din naman ang amount ng tuition at miscellaneous fees.

"Tisoy." Maine called me out the blue.

Napalingon ako sa kanya. Nandito na kami sa pinakadulong part ng school nila pero paikot iyon at ni hindi pa namin naiikot ang kalahati. And kahit pakiramdam ko, mahigit isang kilometro na ang inilakbay ng mga paa ko, hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagod. Ewan ko ba. Hindi naman ako sanay na lakad nang lakad pero nag-e-enjoy ako. Nagpahinga lang kami dahil iniisip ko na baka pagod na siya. Nakaupo na kami sa damuhan na sinapinan lang namin ng mga panyo namin.

"Yep?" tanong ko sa kanya. In just a snap, parang sanay na sanay na 'kong tinatawag niyang "Tisoy."

"Thank you."

"Para saan?" pagka-clarify ko kahit na may idea naman talaga ako kung para saan 'yon. As much as possible, I don't want to assume about anything.

"For dealing with my craziness. For being here with me today," she answered sincerely. "Kahit na may mga ginagawa ka. Kahit busy ka rin sa school and kahit hindi naman talaga tayo close, sinasamahan mo 'ko sa ganito. Ang bait mo. Sana lahat ng kilala ko, katulad mo."

Nakita ko na medyo nalungkot ang mukha niya. There she goes again, thinking about countless negativities in her life.

Ngumiti na lang ako bago ko siya kinurot sa ilong. "'Wag kang mag-drama. Hindi bagay."

Pinalo niya 'yung kamay ko. "Aray ko, naiinggit ka na naman sa ilong ko."

"In your dreams," tumatawa kong ganti bago ako tumayo at naglakad ng limang steps. And then I faced her again. "Tara na. Kalahati pa lang ng university niyo 'tong nalilibot natin."

She sticked her tongue out. "Ayoko nga."

"Bahal ka d'yan," nakangisi kong sagot bago ko siya tinalikuran. Naglakad ako nang tuloy-tuloy. Maya-maya, narinig ko na ang boses niya.

"Hoy lalaking maputla! Sandali lang!" sigaw niya habang tumatakbo palapit sa 'kin.

I stopped and looked back at her. "'Wag kang tumakbo. Mamaya sumakit na naman 'yang puso mo. Pasaway ka talaga."


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon