Chapter 13: Noticing me

Start from the beginning
                                    

Nagulat naman ako sa nakita ko…

“French doll…?” tinitigan ko pa masyado. “Si Misha ‘to?” tumango lang si Zed.

“Binihisan lang siya ni Mom ng ganiyan kasi may Children’s Party yung anak  ng kaibigan niya… Eh kailangan nakacostume, ang laki-laki na namin, napilit pa kami ni Mom na magcosplay para sa mga bata... Gusto niyo makita kung ano suot ko?” excited siyang naglabas ng isa pang picture sa wallet niya. At pinakita ito sa amin.

“Wala naman pinagbago yung itsura mo diyan. Ahahaha!” sabi ni Josh.

Paano, nakasuot siya ng outfit ng isang racer.

“Buang, tuloy mo na nga lang kwento mo Zed.” -Brix

“Haay. Ang sama niyo.” Nag-pout pa yung mokong na ‘to, kala mo cute. Binalik niya yung picture sa wallet niya. “When I confessed to her, she rejected me. Ang sakit nun! Dito oh.” Tinuro pa niya yung puso niya, muntanga… “Alam niyo kung sino dahilan?”  lumingon siya sa akin… “May nagugustuhan na raw siya nun… si Drex.”

May kumirot sa puso ko, at parang gusto ko na naman palandingin sa mukha ni Drex yung kamao ko.

Bago pa ako makapag-emote nagpatuloy na si Zed sa kwento niya.

“Pero siyempre kahit first love ko siya wala naman na akong feelings sa kaniya ngayon, para na lang siyang kapatid sa akin, promise… Eh ikaw Raizen? Sa tingin mo kapag nagpakipot ka pa sa sarili mo, at ayaw mong umamin na may gusto ka sa taong,  we all know kung sino…  sa tingin mo may mababago sa inyong dalawa?”

“Actually, wala akong balak na maging katulad mo nun.” Sabi ko, I already have an answer… ang kailangan na lang ay i-claim. I drink again. “Drex and I already talked.”

Mukhang nagulat naman silang tatlo.

“So? Anung napag-usapan niyo?” –Brix

“Wow gumaganyan ka na Master.” –Josh

“Mukha ngang nag-usap kayo kase dumudugo yang kamao mo.” Nakasmirk pa si Zed na pagkatapos ay uminom sa baso niya.

“He declared a war against me.” I looked at each one of them. “Sa tingin niyo papatalo ako?”

Binato nila ako ng throwpillow. Ouch. Gumanti ako syempre. Then nalugi ako nung dinaganan nila ako. ang bigat nitong mga ‘to! Nung naramdaman nilang medyo naaasar ako, tinigilan na nila.

“Back-up mo kami Master.” –Josh.

“Good luck, bro.” – Brix.

“Wag ka papatalo Rai. Ipaghiganti mo ako.” –Zed

 Natawa ako dun sa sinabi niya. E di bitter nga siya dahil kay Drex. Haha.

Salamat sa mga mokong na ‘to. Naging ok naman  ako agad.

*PRESENT*

Nasa live broadcast na kami ngayon.

At nagmamarch na yung bride ko papalapit sa akin. Nothing’s gonna hold me back now.

Token of Love ♥Where stories live. Discover now