Chapter 13: Noticing me

35 1 0
                                    

Chapter 13

*RAIZEN’S POV*

As she walks down the aisle, I can’t help but to fall inlove with her, with every step she takes.

Ay… Ang keso. =______=

Masisisi niyo ba ako? Eh kahit ako hindi makapaniwala na nawalan na ako ng tinik sa lalamunan nung sinabi mismo sa akin ni Misha na sumusuko na sa kaniya si Drex, kung pwede nga lang tumalon talon nung mga oras na ‘yun… Kaso bwisit na Josh, nauna pa sa ‘kin magyaya ng inuman. =_____=

Nasabi ko na sa mga kaibigan ko yung nangyari sa amin ni Drex sa carpark, dahil kay Zed na mapang-asar na tunay. Ganito yung nangyari…

*FLASHBACK*

Zed’s residence.

Pagkatapos ng confrontation namin ni Drex, di ako nagpakita kay Misha dahil sa dumudugo pa nga yung kamay ko. =______= buti na lang di ako nabalian ng buto at galos lang yung nakuha ko. Ang bakla nga kasi si Josh at Brix pa nag asikaso sa sugat ko, na kapwa pinagtatawanan ako. Kung di lang talaga makirot yung kamay ko nabatukan ko din ‘tong dalawa.

Pagkatapos ng trabaho, nagyaya ako kina Brix at Josh na bisitahin ‘tong mokong na si Zed, alam na nila ‘yung pakay ko. Madami kasing tumatakbo sa utak ko at gusto ko munang magpadistract sa kalokohan nitong mga mabubuti kong kaibigan.

Pagkadating namin, nakaready na yung mga bote ng mamahaling alak na ipinagmalaki pa ni Zed na mula pa daw sa Europe.

Naupo kami sa sofa at nagsimulang mag-usap.

“Rai, I can’t believe that you have her in your company… Mukhang pinagkakatiwalaan ka ng Éclair…” panimula ni Zed.

Kung pagkagulat na lang ang usapan, mas nagulat ako nung sinabi niyang magkakilala sila.

“Yeah… Kahit ako din naman. Pero astig ka rin eh no, Zed? Kilala mo pala yung si Misha?” sabay straight shot nung nasa baso ko. Masarap nga ‘tong alak na ‘to.

“Nagseselos ka na naman Master.” – Josh. Pinatigil naman siya ni Brix.

“Zed, paexplain naman oh. Mamaya kayong dalawa naman magbugbugan dito.” – Brix

Napabuntong hininga si Zed at nagsimula nang magkwento.

“She stayed to our resthouse in Europe. Sa France ‘yun, dun pa kami naka-base nun eh. My mom took a liking to her dahil ang cute ni Misha nun.” Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin. Natatawa lang yung dalawa pa naming kasama.”Pero siyempre pumayag ang parents niya na sa amin muna siya, kasi they will be away for about a week… Summit ata yung pupuntahan, something like that.” Uminom siya ng liquor na nasa baso niya. “Nagpa-practice na ako ng racecar nun, and she always cheer on me. Alam niyo yung parang love-at-first-sight? Ganun ako sa kaniya. Kaso ang nakakaasar lang nun, kuya pa rin ang tawag niya sa akin. Simple lang kasi siya mag-isip, and naïve.” Medyo natawa siya.

Biglang sumingit si Josh,

“May picture ka ba niya nun? Patingin-patingin!” Nag-abot si Zed ng picture mula sa wallet niya. Nagtago pa talaga siya nun ah.

“WOW…” sabay na sabi ni Josh at Brix.

Inabot nila sa akin yung picture, gusto ko rin naman makita kaya kinuha ko.

Token of Love ♥Where stories live. Discover now