CHAPTER 19 - Mikage Sou!!!

Start from the beginning
                                    

"Ewan ko sayo! Bumangon ka na nga dyan. Nagugutom na ko." Sabi ko sa kanya. Hahaha sya kasi nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba, basta lahat sya gumagawa. Ako? Walang ginagawa, feeling ko nga tumaba na ako eh, kain tulog lang ako dito. Hahaha, eh sya naman kasi may sabi na di ko kailangang kumilos dito eh.


"Eehh, ang aga pa eh, tulog muna tayo Boo." Reklamo nya sabay akap sa baywang ko at hinila ako pahiga. Alam nyo yung akward? Wala kaming relasyon, di kami friends pero kung makayakap sya parang wala lang. Grabe kinilabutan ata ako.

"Hoy manyak! Alisin mo nga yang kamay mo. Argg." Reklamo ko sa kanya, paano ba naman kasi, nakayakap pa din yung isa nyang kamay hindi ko matanggal. Hindi ko alam kung malakas lang talaga sya o sadyang di ko pa nababawi yung lakas ko.

"Shhh, honey wag ka ng maingay, tulog na tayo." Waah, Mikage Sou!!! Bakit di ako makapalag? Makatulog na nga lang ulit.

MIKAGE's


Limang araw nang gising si Kiyo pero hindi parin nakakarecover yung katawan nya mula sa lason. May mga pagkakataon pa ding hindi nya macontrol ang mga muscles nya, epekto yun ng lason na pumasok sa sistema nya pero buti nalang talaga at sinundan ko sya noong gabi na may gustong pumatay sa kanya kung hindi baka pati sya wala na din ngayon.

Sa totoo lang, sya talaga ang misyon ko. Inutusan ako ng papa ni Kiyo na bantayan ko sya kapalit ni Seal, dahil si Seal, nasa isang delikadong misyon at may posibilidad na hindi na sya makabalik. Hindi ko pwedeng ipaalam kay Kiyo na binabantayan ko sya baka kasi di sya pumayag. Alam ng papa nya na may banta sa buhay ni Kiyo. May balita kami na anak ni Mouru Takishima ang nag hahabol ngayon kay Kiyo pero hindi ako sigurado kung sya rin ang may pakana ng pag atake kay Kiyo doon sa party. Yung pipitsuging lalaki na nagtangka sa kanya doon sa party, wala na, nasa pangangalaga na sya ni Kyohei, ng sadistang si Kyohei. I bet nasa impyerno na ngayon ang kaluluwa ng lalaking yun.

Napatigil ako saglit sa pag iisip ng maamoy yung niluluto ko. Agad akong napatakbo sa kusina. Muntikan ng masunog yung mushroom soup na niluto ko buti nalang naagapan pa. Matapos kong magluto ay tinungo ko ang kwarto ni Kiyo, ang sarap pa din ng tulog nya. Di ko na muna sya gigisingin, maliligo na muna ako dahil balak kong pumunta sa Oakwood University ngayon. Kailangan kong makausap ang papa ni Seal, kailangan nyang malaman ang kalagayan ng anak nya.

Naalala ko na naman yung reaksyon ni Kiyo nung sabihin ko sa kanyang wala na si Seal. Ayoko sanang sakin pa manggaling yun eh, pero mas maganda nang malaman nya ng mas maaga kesa naman umasa sya. Hindi ko alam kung ano ba talaga si Seal sa kanya, ang alam ko lang, importanteng tao si Seal para sa kanya kaya ganoon nalang ang epekto ng pagkawala ni Seal sa kanya. Halos gabi gabi syang na nanaginip at tinatawag ang pangalan ni Seal kaya naman lagi ko syang tinatabihan matulog. Yun talaga yung rason ko, baka kasi bangungutin sya at di na magising, patay ako sa tatay nya pag nagkataon. Yung pagtawag sa kanya sa iba bang endearment, way ko lang yun para kahit paano mawala sa isip nya yung nangyari kay Seal, effective naman eh, kinikilig nga sya. Hahaha, ang gwapo ko kasi.

Since tulog pa naman si Kiyo, dumiretso na muna ako sa CR para mag shower pero pag minamalas nga naman, nakalimutan ko palang magdala ng damit. Sana tulog pa si Kiyo, pag nakita na naman nya kasi akong nakatapis lang baka sabihin na naman nya inaakit ko sya kahit hindi naman. Dahan dahan akong lumabas ng CR, since isa lang ang CR dito sa condo ko at naka hiwalay sya sa mga kwarto. Papasok na ako sa kwarto ko ng mag salita si Kiyo.

"Hoy Mikage! Diba sabi ko sayo kung maliligo ka sa loob ka nadin mag bihis? Tss. Manyak ka talaga eh no?"

"Babes naman, pag nakatapis manyak agad? Baka naman ikaw ang nangmamanyak sakin? Umamin ka na kasi, naaakit ka sa katawan ko." Sabi ko sa kanya.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now