Chapter 2

23 5 0
                                    


*ALISHA'S POV*

"Bestie!" Mabuti at narito na ang babaeng ito. Kanina ko pa kasi siya hinihintay dahil natapos na ang 3 units kong subject.

"Tara na." Aya ko pero pinigilan niya ako.

"Oh? Bakit na naman Bestie" yamot kong tanong sa kanya.

"W-wala tara uwi na tayo." Pumihit na siya patalikod at nagsimulang maglakad.

"OOOOHHH!!! MYYY GOOOSSSSH!!! AAAHHH!" Hayan na naman ang tilian at nariyan na naman ang pinag kakagukuhan nila which is kanina ko lang nakilala.



Nandito kami sa gymnasium ngayon marahil dito ko inantay si Bestie ay dito naman nagpuntahan ang mga mahaharot na babaeng 'to. Akala mo kinikiliti ang Camel Toe nila. Pagsasampalin ko 'tong mga 'to eh!

Umakyat si Chris sa stage at humarap sa Mic. Mukhang may sasabihin itong importante. Dahil sa kanya ay parang halos lahat ng estudyante dito eh natipon niya ng isang walisan lang. Nagsimula siyang magsalita.

"Good afternoon students and faculty staff's." Pumamulsa ito at ngumiti.

"Ano kayang meron?" Bulong no'ng katabi kong lalaki. Nilingon ko siya at nginitian niya ako, feeling close si Kuya? Kung 'di ka lang gwapo pinasakmal na kita sa baklang may rabis. Nasabi ko sa isipan ko. Sabay balik tanaw kay Chris sa stage. Ang tangkad niya pala. Hindi ko napansin na matangkad pala siya, eh nakasama ko na siya kanina. Iyong mukha lang talaga ang focus ko. Gwapo kasi talaga. Marami na siguro siyang naging gf.

"Nais ko lang pong magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa akin at mainit na pagtanggap sa akin dito." Sabay tilian at hiyawan naman ng mga estudyanteng kasama ko dito sa crowd. Maski mga lalaki ay nagsisitilian. Ay? Hindi pala lalaki. Mga binabae! haha

"Magkakaroon tayo ng contest sa school niyo, And I'm one of the judges." At nagpalakpakan naman ang naging salubong nila sa sinabi ni Chris. As he continue..

"Siyempre before ang contest, may audition muna at gaganapin iyon sa inyong auditorium." Bigla na naman may nagsalita sa tabi ko at yung lalaki na naman na kanina eh kinausap ako.

"Willing ka bang suma---"

"Neknek mo! Sino ka ba? Bakit mo ba ako kinakausap?" Pagtataray ko dito. Kumunot ang noo niya at nagtaka.

"Ang sungit mo naman. Parang nagtatanong lang" Ngumisi siya sa akin. At ginantihan ko siya ng irap sabay talikod sa kanya.

"So willing ka ba tala---" Tinakpan ko 'yung bibig niya gamit ang palad ko para hindi na siya makapagsalita. Inalis naman niya kaagad 'yon.

"Pwe!!!" Nandidiring sabi niya na animo'y napakarumi ng kamay ko. Hoy! nag hand sanitizer ako noh! Kapal ng mukha neto!

Balik muli kay Chris. Panira 'tong asungot na 'to!.

"..hindi ko muna I-aanounce ang date kung kailan ang audition, I think within this week na 'yon ayon sa Campus Director niyo. Nagpapasalamat din ako sa inyong CD dahil pati siya suportado sa ganitong extra curricular activity sa inyong campus at para din sa inyong mga nag aaral na estudyante dito sa University.." hiyawan muli ang mga estudyante sa kanyang sinabi.

"..Bestie! Sali ka na Dali! support kita promise !.." pagyaya ni Sheena sakin.

"..Oo nga Bestie! sali ka na!.." sambit naman nung lalaki. Nako! Gusto yatang mabinyagan ng pag aari neto ng wala sa oras!

As The Music PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon