Chapter 1

22 5 0
                                    

*Playing On the Wings Of Love finger style on guitar*

Narito ako ngayon sa park ng university. Vacant ko ngayon ng dalawang oras. Napaka boring talaga kapag araw ng martes. Tapos yung memory card na binigay sa'kin ni Sheena kahapon eh may kanta pa rin ng 'Amnesia'. Ano kaya yon? Binura ko nalang iyon dahil siguro tinetest ako ng babaeng yun.

Alam ko na ang style no'n. Pero laking pasasalamat ko pa rin sa best friend ko dahil nariyan lang siya palagi.

*Just smile for me and let the day begin... You are the sunshine that lights my heart within...*

Sinabayan ko na ang pagtugtog ko ng gitara sa pagkanta ng lyrics nito. I close my eyes while singing' those words.

*..and I'm sure that you're an angel in disguise.. come take my hand and together we will ride...*

I changed my plucks into strum para maiba ang rhythm no'ng song. Then the song turned into chorus.

*..On the wings of love.. up and above the clouds beyond the wings to fly.. is on the wings of love..*

I opened my eyes again and gather my head all around the park to see what other people do with their own. Doing their own stuffs. Then I continued the second stanza in chorus.

*..on the wings of love only the two of us together flyin' high... flying high upon the wings...*

Napatigil ako dahil sa nakakarinig ako ng ibang boses. Napakalamig ng boses nito at napaka-masculine. Lalaki ang sumasabay. Bagay ang boses naming dalawa kung papakinggan.

"Of love" Pagpapatuloy niya nang walang katono tono. He's behind my back pero wala akong balak na lingunin siya.

"That was beautiful. C-can we repeat it again?" Ano daw? Ulitin daw namin?

"Ah, eh.." Hindi ko talaga siya nililingon. Ewan ko ba kung bakit. Dahil sa boses niya no'ng kumakanta siya? Napatigil ako at nanigas sa kinauupuan ko at parang wala nang balak ang mga paa ko na igalaw dala ang katawan ko.

"Uhm bakit hindi mo I-try na lumingon? Medyo hindi ako sanay na---"

Nanakbo ako ng mabilis kahit naiwan ko ang mga gamit ko sa bench. Bahala na! Babalikan ko nalang iyon mamaya.

Nagpunta ako sa isang Lugar na walang tao. Tahimik. Payapa. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko na kanina naninigas ngayon nanakbo nalang bigla. Kung Makikita mo eh tila wala talagang nagpupunta sa lugar na ito. Ang tanging nadala ko lang ay ang gitara ko. Yakap-yakap ko ito habang hinihingal ako.

Sa 'di kalayuan. May narinig akong kaluskos ng damo. Sa sobrang takot ay napaatras ako nang napaatras. Hanggang sa malaglag ako sa isang bangin.

Napa sigaw ako ng malakas pagkanaka'y may humawak sa braso ko dahilan upang hindi ako mahulog sa ibaba. Mabuti at hawak ko ng mahigpit ang gitara ko.

"Gotcha! H-hold on miss!" Ang boses niya. Katulad nung kanina. Pasigaw nga lang ito ngunit makikilala mo pa rin ito sa normal niyang boses. Ang mukha niya. Natakpan pa rin ng sinag ng araw. (against the light kasi)

"Iaangat kita! Kumapit ka lang okay? Kasi kung hindi matutusok ka Diyan sa ibaba!" Lumingon ako sa ibaba ng bangin at puno ito ng bakal na Naka tusok mula sa lupa. Tiyak kapag nahulog ka dito ay tigok ka. Mabilis naman niya akong nai-angat.

Dahil sa biglaan niyang paghila sa'kin para makalayo na ako sa bunganga ng bangin kaya naman bigla ko siyang nabangga dahilan para ma out of balance siya. Sa sobrang takot ko na baka mahampas ako sa sahig kaya naman napapikit lang ako. Hindi ganoon kasakit ang pagkakabagsak ko kaya naman unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at Nagulat ako ng malaman kong nakapatong ako sa kanya habang siya ay nakahiga. Imagine, nakapatong ako dito? Gosh! Nakakahiya, hindi lang siya nahampas sa sahig kundi nadaganan ko pasiya? OMG! Doon ko malayang napasadahan ng intin ang muka niya. May itsura rin naman ito saka---P

As The Music PlaysWhere stories live. Discover now