Come with me

2 2 0
                                    

DAhil stress ako sa pinaggagawa ni slave dito sa mansion ko, lumayas na ako. Joke!

Napakaswerte naman nya kung iiwan ko sa kanya ang mansion ko.

Papasok na ako sa mall ng may makita akong poging lalaki. Yuks! ANg panget ng kasama niya, hindi sila bagay.

Nilapitan ko sila. Pagtingin ko sa lalaki para siyang nakakita ng dyosa, oh well, di nako magtataka talaga namang dyosa ako. Sige, titigan mo lang itong maganda kong mukha!

"Ba't ang panget mo?", pagkasabing -pakasabi ko dun sa babaeng mukhang paa, biglang umasim ang kanyang mukhang puwet ng kabayo.
"Ikaw ba't ang yabang mo?",sabi ni walking paa.

"Kasi may maipagmamayabang naman , ikaw?", tinignan ko siya mula ulo mukhang paa. "Advice ko sayo ha, wag masyadong maglagay ng make-up kasi nagmumukha kang clown..... At Ah ...!," at nagmotion pa ako na parang may light bulb na umilaw sa ulo ko. "Kaya pala..."

"Anong kaya pala?"- nagtatakang tanong niya.

"Kaya pala tumatawa ang boyfriend mo, kasi natatawa siya sa iniisip niyang may ka date syang clown. Hahaha!".

"Den, totoo ba yun?"- nag-aapoy ang kanyang ilong habang tinatanong ang boyfriend niya. Oh well, who cares!

Umalis kaagad ako doon, sayang lang ang ganda ko kong makikinig pa ako sa bangayan ng dalawa.

Yun ang gusto ko ,ang makakita ng nag-aaway na tao dahil sa kalokohan ko. Bwahahaha

"Aray! ano ba," naman... biglang may humila sa wrist ko kaya muntik na akong maout of balance. Wew! Mabuti nalang at alert ang brain cells ko kaya hindi ako na tumba, anong connect? Hahaha joke!

Titingnan ko pa sana kong sino yung humila sa wrist ko pero paglingon ko nakatalikod na siya... Weeee... Ang ganda ng hubog ng katawan , ang kisig at ang tangkad niya pero baka panget ito dahil hindi man lang makuhang lumingon sakin.

"Ano ba nasasaktan ako,"pagkasabing-pagkasabi ko nun.... WOW men ang pogi! Ang gwapo niya pala sa malapitan. Pero ba't ganun naka kunot ang kanyang noo? Nakakakunot na ba ang taglay kong kagandahan?

"So , dito lang pala kita makikita", sabi niya at naguluhan naman si ako. "Of all places...!", pabulong niyang sabi pero narinig ko naman.

"Excuse me, do i know you?", mataray na sabi ko at nakita kong tumaas ang kilay nito. "What?"naiinip na tanong dahil parang naparalyze siya ng sinabi kong hindi ko siya kilala.

"Hah! Don't fool me again Ven, i've been in hell for the past five years." Galit niyang sumbat sakin.

Kumonot lang ang noo ko.

"What do u mean? Napunta ka sa hell dahil sakin? Wow naman , achievement yun, akalain mo five years ka dun, siguro ang rami mong kasalanan.Oh c'mon, we barely know each other tapos susumbatan mo ako ng ganyan." Galit na sabi ko sa kanya.

Hinila ko ang wrist ko sa pagkakahawak niya at nagwalk out kaagad. Bwesit sayang siya ang pogi pa naman niya sana pero nakakabwesit nga lang.

Wait parang may nakalimotan ako, paano niya nalaman ang second name ko eh ngayon lang naman kami nagkita. Oh well, baka isa lang siya sa mga stalkers ko na obssess na obssess sakin. Pero sobrang creepy niya.

"Ouch!"

Bakit biglang nagdilim ang paligid ko, may brownout narin ba sa kalye? Pero wait ba't feeling ko lumulutang ako. Heaven na bato?

"Please come with me." After i heard that familiar voice, biglang tumayo ang mga balahibo ko. Grabe ang husky ng voice, rarapin niya na ba ako?

Ughhh, may pinasinghot siya sakin na sobrang bahong bagay o baka kilikili niya yun? This time hindi na talaga ito joke, nagdilim na ang paningin ko at ang huli ko lang narinig sa kanya ay "This time, you won't escape!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Bitch Will Always Remain a BitchWhere stories live. Discover now