There was something about the later na nagpapagulo sa kanya. Maganda ito, palatawa, magaang kasama. Ang totoo, naalala niya na agad kung sino ito nang sunduin niya ito sa tirahan nito sa Pasay.

Ito ang babaeng nakabanggaan niya sa tapat ng faculty room noon. Ang singer na estudyante ng kanyang Mama. The girl with a warm smile and bubbly personality. Hindi niya lang maintindihan kung bakit mas pinili nitong makipagrelasyon kay Morgan.

Binuksan ni Daniel ang laptop at pinindot ang on button. Agad nagsalubong ang mga kilay niya nang buksan at panoorin ang CCTV sa loob ng bahay niya. Nakita niya ang pagpasok ng kotse ni Paula sa loob ng solar. Kahit ang pagtuloy nito sa loob ng kabahayan at pagderetso sa dirty kitchen at ang tila pakikipagsagutan nito kay Abegail.

Walang audio ang CCTV kaya hindi niya marinig ang usapan mula sa loob ng bahay. Kinuha ni Daniel ang cellphone sa bulsa ng suot niyang slacks. Isinuksok sa tainga ang earphone saka idinayal ang cellphone number ng ex girlfriend.

Hindi niya gustong nasa bahay ang huli lalo at naroon si Lian. Alam niya kung gaano nagseselos si Paula sa anak niya. Worried siyang pakitaan na naman nito ng hindi maganda ang bata.

"What are you doing in my house, Paula?"

"Kaya ayaw mong makipag ayos dahil may ipinalit ka na sa akin? How dare you, Daniel!" galit na tungayaw ni Paula. "Ilang araw nang nakikitulog ang babaeng ito rito? Ni hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol sa akin?!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Daniel. "What are you talking about?"

"Nandito ako sa bahay mo! Nasa harap ko ngayon ang babaeng ipinalit mo sa 'kin! How long have you been cheating on me?"

Nahilot ni Daniel ang batok. Iniisip ni Paula na may relasyon sila ng Yaya ng anak. Well, hindi niya ito masisisi kung iyon ang una nitong maiisip.

Simple lang si Abegail pero kung mabibihisan ay mas lilitaw lalo ang kagandahan. Makinis ang balat, at maganda ang hubog ng katawan. Walang maghihinalang isa itong kasambahay o Yaya lalo si Paula na natural ang pagiging selosa.

"What do you want, Paula?" Buntong hininga niya. Nasurpresa nang hindi siya nag abalang itama ang akusa ng dalaga.

"Pipilitin ko sanang makipaglapit sa anak mo, you darn cheater! Nakakasorpresa lang na wala pa nga tayong isang buwang off, heto at may itinira ka na sa bahay mo!"

Halos ma imagine na ni Daniel kung gaano nakakamamatay ang mga tingin ng babae kay Abby habang sinasabi nito iyon. Nakaramdam siya ng guilt. Pati ibang tao ay nadadamay sa pagiging possessive ng ex girlfriend.

"Hindi pa tayo tapos Daniel. Meet me at my house tonight!"

Naputol na ang linya. Ibinalik ni Daniel ang mga mata sa screen ng laptop niya. Nakita niya kung paano nagmamartsang lumabas ng kabahayan si Paula.

Hindi niya alam kung saang parte ng break up nila ang hindi pa dito malinaw. Pero wala na itong karapatang panghimasukan ang buhay niya.

Inilipat niya ang tingin sa mag- Yaya. Nakita niyang niyakap ni Abby ang anak niya, maging ang paghalik nito sa noo at kamay ni Lian.

DUMATING sina Manang Guia at Tere sa mansyon bago magtanghali. Sila ang mga kasambahay na tinutukoy ni Daniel kanina. Nasa late forties na si Manang Guia, balo at may isang anak na nasa probinsya habang limang taon naman ang katandaan ni Tere sa kanya. May asawa na rin ito at dalawang anak.

Bandang alas tres ng hapon itinawag sa kanila ni Mrs De Marco na darating ang pamilya ng pamangkin nito sa Mansiyon mula sa Negros Occidental. Padilim na nang dumating ang mga bisita. Nakilala niya sina Trace na pinsan at kasing good looking ni Daniel at ang asawa at ang kambal na anak ng mga ito. Kasama rin ng mag anak ang dalawang yaya na hindi nalalayo ang mga edad sa edad ni Tere.

Hindi nagtagal ang mag asawa sa bahay ng mga De Marco. Ang alam niya ay may conference na aattend-an ang dalawa at bukas ng hapon pa ang balik ng mga ito.

Tumulong siya sa pagluluto at paglilinis ng bahay nang magpresinta ang dalawang yaya mula sa Negros Occidental na siyang magbantay sa tatlo.

Naghihiwa si Abegaul ng sibuyas nang tumunog ang cellphone niya. Ang Tatang niya ang nasa kabilang linya.

"Asaan ka ngayon, Tang?" Tahimik ang background kaya nagtanong siya. Madalas kapag kausap niya ang Ama ay hangin at ugong ng luma nilang electric fan ang naririnig kung hindi man ang kantahan at hiyawan ng mga sunog baga sa labas ng bahay nila.

"Nasa bahay ako ni Pareng Jimboy, 'nak. Sumaglit lang ako at birthday din niya. Pinagte take out nga ako ng handa eh."

"Ah. Damihan mo ang take out para umabot hanggang hapunan, 'Tang." Tawa niya. "Kumusta kayo sa bahay?"

"Ikaw nga 'tong kukumustahin ko e."

"Kakakumusta mo lang sa 'kin kaninang madaling araw ah? Okay lang ako dito, Tang. Mabait at hindi mahirap alagaan si Lian." Sagot niya.

"O sige, Anak. Happy birthday ulit ha? Pag uwi mo sa linggo, paghahanda ka namin ng Nanang mo."

May ilang minuto pa silang nag usap bago siya nagpaalam dito. Sigurado siyang pauwi na si Daniel.

"Dumating daw si Maam Paula, Abby?" si Tere ang nagtanong na kagagaling lang sa labas. Dumeretso ito sa lababo at naghugas ng kamay.

"Oo nga eh. Sino ba 'yon?" Tanong niya.

"Ex girlfriend ni Sir Daniel na hanggang ngayon ay hindi pa maka move on at umaakto pa ring girlfriend," nakasimangot na sagot ni Tere.

"Ay ganun. Bagay sana sila." Labas sa ilong na sabi niya. Sa hitsura at katayuan sa buhay siguro oo, pero ang totoo para sa kanya, hindi bagay sa prim and proper na si Daniel ang babaeng amazona.

"Ay, naku naku.. hindi ako boto dyan sa Paula na iyan para kay Daniel ha? Pati na lang si Lian hindi pinatawad sa pagiging selosa!" Singit ni Manang Guia.

Natuwa siya pero hindi ipinahalata. "Hindi ba kasundo ni Ma'am Paula si Lian, Manang Guia?"

"Naku, hindi. Mainit lagi ang dugo ng babaeng iyon sa bata. Ewan ko ba, eh pagkabait bait naman ni Lian. Lagi siya nakasinghal at iritable pero kapag nariyan si Sir Daniel, talo pa ang maamong tupa!" Si Tere ang sumagot. "Mabuti na lang at natauhan si Sir Daniel dyan. Kasi Diyos ko, kawawa ang bata kung 'yong babaeng iyon ang makakatuluyan ng amo natin."

Nakaramdam siya ng panghihinayang. Kung alam lang niya na masama pala talaga ang ugali ng babaitang bisita kanina, iginanti niya sana kahit papaano ang alaga.

"Alam mo ang pakiramdam ko dyan, hindi naman talaga mahal ni Sir Daniel ang Paula na 'yon eh. Palay na nga kasi ang lumapit sa manok, kaya hindi na nakatanggi si Daniel."

Gano'n nga ba? 'Pag palay na ang lumalapit hindi na makakatanggi ang manok? Eh kung subukan niya kaya yun sa amo?

Gusto niyang humagikhik sa naisip. Tiyak na hindi lang sampung kurot sa singit ang matanggap niya galing kay Remedios Macapagong kung nagkataon.

Married to the Clever QueenWhere stories live. Discover now