Pakanta kanta pa siya nang hawakan niya si Lian sa kamay para igiya ito pabalik sa loob ng kabahayan.

"Yaya, I'm hungry..." reklamo ni Lian na tiningala siya nito.

"Yes, Baby. Cook tayo ng food saglit," sabi niya. "Pagkatapos help mo 'ko magligpit ng kuwarto ko para hindi ka mabored, okay?"

Puno ng enthusiasm na tumango si Lian. Hindi alam ni Abby kung anong oras darating ang dalawa pang kasambahay na binanggit ni Daniel na makakasama niya. Pero ayaw niyang maabutan ng mga ito na magulo ang kama at hindi man lang niya naligpit ang pinaghigaan.

Naglabas si Abby ng itlog, ham at ibinabad ang apples at grapes sa tubig. Nakaupo lang sa harap ng lamesa si Lian na dinulutan niya ng fresh milk.

Saglit lang ay isinilbi niya na ang kanin at fried ham and egg sa lamesa.
Naupo siya sa tabi ni Lian nang mag umpisa na itong kumain.

"Hindi ba nag aalmusal ang Daddy mo?" Tanong niya na sinagot nito ng iling.

"He usually asks for coffee."

Sayang. Kung maaga sana siyang nagising baka nautusan siya nitong magtimpla ng kape.

"Eh ano bang favorite ulam ng Daddy mo?"

Nag angat ng tingin sa kanya si Lian, nanunukso ang ngiti nito. "O bakit?"

"Do you like my Dad?" Tanong nito na bago pa man niya masagot, sinagot na rin nito. "You like him."

Umirap siya kunwari. "At paano mo naman nasabi, aber? Ang bata bata mo pa para malaman 'yong mga like like na 'yan..." Marahan niyang itinulak palapit dito ang baso ng tubig.

"I caught you staring and smiling at him."

Nakangiting pinisil niya ang pisngi ng bata. "Huwag kang maingay ha? Secret lang nating dalawa. O, 'yong milk mo, wag mong kalimutang ubusin."

"Lian... Lian!?"

Napalingon sila pareho sa bungad ng dirty kitchen nang marinig ang boses babae mula sa living room area.

Mayamaya lang, isang babaeng naka full make up, mestiza at business suit ang bumungad sa dining area. Nagsalubong ang mga kilay nito nang makita siya. Si Lian naman ay mahigpit na humawak sa kamay niya.

"Come here, Lian." Mando nito sa batang tumingala sa kanya. Parang nakikiusap na huwag niya itong ibigay sa bagong dating. Kulang na lang ay sumiksik ito sa kilikili niya. Protectively, niyakap niya ang bata habang hindi inaalis ang tingin sa bisita.

"Who is that woman, Lian?" Iritado at nagdududang tanong ng babae. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa tapos pabalik sa mukha niya. "Who are you?"

Umigkas ang isang kilay niya. "Bakit, sino ka rin ba?" Buwelta niya. May pakiramdam siya na may hindi magandang experience ang alaga niya dito. Tensyunado si Lian, ni halos ayaw tumingin dito ng deretso.

"I asked first."

"Unahan ba 'to? Sana sinabi mo agad para andoon ka pa lang sa gate nagsisisigaw na 'ko. Sino ka ba?"

Nanlaki ang mga mata ng babae. Pinandidilatan siya. "Hindi mo ba 'ko kilala?"

Tumaas ang gilid ng isang bibig ni Abby. "Aba, malay ko sa 'yo. Ninang ko nga na andon nung binyag ko hindi ko kilala, ikaw pa ba na ngayon ko lang nakita?"

Naningkit ang mga mata ng babae. "You- Nasaan si Daniel? Lian, where is your father?!"

IPINATONG ni Daniel ang dalang laptop sa ibabaw ng desk niya at naupo sa swivel chair. Kararating niya lang sa opisina. Hindi niya maiwasang huwag isipin ang anak at ang bago nitong yaya.

Married to the Clever QueenWhere stories live. Discover now