Chapter 17

435K 12.2K 5.1K
                                    

Chapter 17


FIVE THIRTY na wala pa rin sina Grace. Tumingin pa ulit ako sa suot kong wristwatch, mukhang hindi na sila dadating.


Lately lagi na lang silang ganito, hindi na kami nagkaka-sabay-sabay sa uwian.


Humalukipkip ako sa tapat ng gate ng campus namin. Parang alam ko na kung bakit wala ang dalawang bruhang iyon, siguradong maya-maya lang ay darating na si Ryan.


'Hmp, talagang gusto nilang maging kami na ni Ryan, ah!'


Hindi naman masama. I'm starting to like Ryan. He's a nice guy, though.


Pero ayaw ko naman maging unfair sa kanya. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako fully recovered sa pinsalang tinamo ko dahil sa Cloud na iyon.


Kahit nami-miss ko iyon... alam kong hindi puwede.


Wala na siyang pag-asang magbago.


Saka bakit siya magbabago? Mahal niya ba ako? Pagmamahal lang ang nagbabago sa isang tao. Hindi siya magbabago dahil unang-una, hindi niya ako mahal.


Natigilan ako nang may bagong sasakyan na huminto sa harapan ko.


Bagong modelo iyon at halatang mamahalin, heavily tinted ang mga salamin at makinang pa ang buong kotse.


Bumukas ang side mirror nito at ganoon na lang ang tahip ng aking dibdib nang unang lumapag ang paningin ko sa pamilyar na kamay na nakahawak sa manibela.


"Hop in," maaligasgas ang malamig na boses ng driver ng sasakyan.


"Ha?"


"C'mon!"


"May kasabay ako, eh..." Lumikot ang mga mata ko. Umaasa ako na makikita ko na biglang himalang susulpot si Ryan mula sa kung saan. 


Napapiksi ako nang biglang bumusina si Cloud. Nasa mukha niya ang pagkainip. "Sumakay ka na, pinapasundo ka sakin ni Terrence."


"Ha? Pero wala namang..."


"Sakay na, Danica! Ayaw mo naman sigurong mag cause ako ng traffic dito."


"Pero?" Napatingin ako sa mga sasakyang na-trapped sa likuran ng kotse niya, mukhang any moment ay lalabas na ang mga drivers niyon para gerahin si Cloud dahil nakabara ito sa daan.


Mabilis kong binuksan ang pinto sa passenger side at saka pumasok doon. Nahuli ng aking mga mata ang pagtaas ng sulok ng labi ni Cloud.


"Bakit daw ba ako pinapasundo ni kuya T?" tanong ko.


"Wear your seat belt."


Nagulat ako nang iba ang daang tinatahak namin, akala ko ay sa Saavedra Towers kami. Nilingon ko siya at ganoon na lang ang kaba ko nang makitang seryosong-seryoso siya habang nakatingin sa daan.

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon