Chapter 1

661K 15.2K 7K
                                    

Chapter 1


SI CLOUD ROAK DEOGRACIA ay hindi basta-basta. Isa siya sa member ng sikat na bandang Black Omega Society. Siya ang drummer doon. Bukod pa sa kasikatan ay napakayaman niyang tao. Parte siya sa angkan ng mga Deogracia na kabilang sa richest in Asia. 


Nakakalula na kasama ko siya ngayon. Oo at kaibigan siya ng napangasawa ng panganay kong kapatid, pero suntok sa buwan pa rin ang makasama siya nang solo. Akala ko ay sa pangarap ko lang talaga magaganap ang ganito. 


Si Cloud din ang una kong crush at puppy love. Sa ngayon na nagdadalaga na ako, natitiyak ko na mas lumalalim na rin ang aking nadarama para sa kanya. Hindi na lamang ito simpleng paghanga.


Dahil sa kanya, nainspired ako na mag-aral nang husto. Sumipag ako sa klase, lalo na sa English subject, dahil englisero siya. 


Natuto rin akong mag-ayos sa sarili, kumilos nang pino at  umaktong isa ng dalaga. Sinikap kong maging matured na at wag nang maging isip bata. Ganoon katindi ang impact ni Cloud sa akin.


Kaya nga sobrang saya ko nang malamang naririto siya sa Cebu. Sa wakas, makikita ko na ulit siya. Madalas kasi sa TV, internet at magazines ko lang siya nakikita. Namimiss ko na siya at gusto ko na siyang makita ulit.


Talagang inalam ko ang mga detalye ng pananatili niya rito ngayon sa Cebu. Lalo na kung saan siya madalas tumambay sa gabi. Nang malaman ko ang pangalan ng bar na pinupuntahan niya, nagdesisyon agad ako na abangan siya. 


Niyaya ko ang mga kaibigan ko na gumimik. Noong una ay hindi sila makapaniwala na sa isang bar ko sila niyayayang pumunta. Hindi kasi ako ang tipong pupunta sa ganoong lugar. Hindi ako mahilig sa party o maski tumikim ng alak ay hindi ko rin gawain. Boring ang buhay ko na umiikot lang sa sports-bahay at eskwela. Kaya halos di makapaniwala ang mga kaibigan ko na ang isang boyish, boring at KJ na katulad ko ay magyayaya sa isang bar at libre ko pa talaga silang lahat!


Speaking of libre. Marami-rami na kasi akong naipon ko sa aking ATM. Hindi naman talaga kasi ako magastos. Lahat ng ibinibigay na pera sa akin ng mayamang napangasawa ng panganay kong kapatid ay idine-deposit ko lang sa bangko sa kabayanan. Spoiled kasi ako ron kaya malaki ang allowance ko.


Sinadya ko pa talaga ang bayan sa amin para mag-withdraw ng aking pampa-rebond, pangpa-wax ng aking binti at kilikili. Pina-bleach ko rin ang tuhod ko, siko, singit, pati na rin ang aking kuyukot at pinatanggal ang kalyo sa aking mga kamay at paa.


Ito ang unang pagkakataon na gumastos ako para sa pagpapa-ganda!


Namili rin ako ng damit at nagpa-ayos sa parlor. Pero nasulit naman ang lahat ng iyon dahil kahit hindi sabihin ni Cloud ay alam kong nagandahan siya sa akin nang makita niya ako sa bar. At lahat iyon ay nasa plano ko para makalapit sa kanya. Isa kasi sa mga nalaman ko sa kanya ay ang pagiging mahilig niya sa magaganda at sexy na mga babae.


Gusto ko lang naman siyang makita...


Kaya lang ay hindi ko akalain na ang balak kong pagsilay lang kay Cloud ay mauuwi sa pagsama ko sa kanya. Para akong nakalutang at sumusunod sa agos lang.

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon