CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mmm.. sige.. 8am nandito na ako.." sagot ko.

"Ingat Tob.."

"Ingat rin kayo.. Kim, una na ako.." sagot ni Tob at saka sumakay sa kotse nya at nauna ng umalis. Nagkatinginan naman kami ni Lee at saka nya ako tinapik sa balikat.

"Ingat dre.."

"Ingat rin..." sagot ko. Tumingin naman muna si Lee kay Kim.

"Ikaw nang bahala sa kanya.."

"Sige.." nakangiting sagot ko at saka ko sya pinanood na makasakay sa kotse nya at umalis.

Saglit pa akong tumingin sa kawalan bago ko pa tuluyang tignan si Kim.

"Okay ka na ba??" tanong ko pa sa kanya.

Pero hindi sya sumagot..

Mas lumapit pa ako sa kanya at saka muling nagsalita..

"Okay ka na ba??"

"How do you expect me to be okay??" humihikbing tanong nya habang masama ang tingin sakin. Napabuntong-hininga naman ako kaagad. "You did something horrible right in front of me and now you're gonna ask me if I'm okay?! What kind of stupid question is that, Deib!?"

"Kim!" inis na sigaw ko sa kanya! "I did something what?!" inis na tanong ko. "What I did was something that I like.. something that I want to do.. and something that I can't believe I was going to do.." malumanay na sabi ko munit salubong pa rin ang kilay ko. "It naturally came out in me.. at hindi ko inaasahan ang sarili kong magagawa ko yon.." dagdag ko pa at natigilan sya. "Hindi ko ginawa yon para gustohin mo o kainisan mo dahil hindi yun para sayo.. naiintindihan mo!?"

Napatungo sya at muli na namang humikbi.

"Kim.. Trust me.. ayokong masaktan ka.." mahinang usal ko habang ipinaparamdam ang sinseridad ko. "Ayokong masaktan ka at hindi ko kayang nakikita kang ganito.. Kaya ako ang nakikiusap sayo.. Tama na.."

Dahan dahan nyang iniangat ang ulo nya at kitang kita ko ang nagkalat na make-up sa mukha nya..

Hindi nya ako sinagot at nagpatuloy lang sya sa pag-iiyak..

Iyak sya ng iyak..

"K-Kim.." usal ko pa habang pilit na inaabot ang braso nya. "I-I'm sorry.."

"H-Hindi ko maintindihan Deib e.."

"I'll make you understand---"

"Hindi e.. H-Hindi yon.. P-Pano nangyari'ng...... g-ganon na lang kabilis yon?? I mean.. this week a-ako ang mahal mo and then the following week mahal mo na si Max?! A-Anong klase ba yang puso mo?!" hindi makapaniwalang tanong nya pa habang umiiyak!

"Believe me k-kahit ako hindi ako makapaniwala kung panong nagkaganito yung nararamdaman ko pero maniwala ka sakin.. hindi ko alam kung pano.. ang alam ko lang.. nagkusa.. Nalaman ko na lang.. gusto ko na pala sya.."

"H-How?!" galit na tanong nya.

"I d-don't now either.." mahinang sagot ko habang pilit ipinapakita pa rin ang pagpapakatotoo ko. "H-Hindi ako sigurado kung nung mga oras na nagseselos ka sa kanya ay m-meron ka na nga talagang dapat pagselosan.."

"D-Deib.." hindi makapaniwalang usal nya sa pangalan ko. Nanlalaki pa ang mga mata nya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Napatungo ako at pilit na iniisip ko bakit nga ba nagkaganoon ang nararamdaman ko.

"I hate her.. I hate her attitude.. I hate her personality.. I hate everything about her.." seryosong usal ko. "But h-hating her made me fall in love with her.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon