Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako as memories of what happened years ago flood through my mind. Memories that would always haunt me - every single minute of my life.

I married him without loving him. But through the years that we've been together, I know that I have fallen deeply in love with him. So deep na kahit ang sakit-sakit na, nanghahawakan pa rin ako. Hoping that one day some day, he would love me, too. Kahit konti. Or at least, he would find some space in his heart to forgive me.

Kaya nga ang saya-saya ko ngayon. Para sa akin, hindi lang katiting na pag-asa ang nangyari kagabi. I feel like I have just been reborn. Dati nga na wala akong kahit anong pinanghahawakan, pinilit kong 'wag bumitaw, ngayon pa ba na kahit konti, meron na? Of course not! Sabi nga, kung ano ang itinanim, s'yang aanihin. Aba! Puro pagmamahal ang itinatanim ko sa kanya! Medyo tigang nga lang ang lupa sa puso n'ya kaya ayan, kailangan ng sandamakmak na dilig at pataba bago tumubo. But I know, I know! One day aani din ako! 

  

Natatawa na lang ako sa mga pinag-iisip ko. Haaay... Well, ganyan talaga, magbunyi tayo! Pwede na kong magpapyesta ngayon! 

At mukang pyesta nga ang nagawa ko. Aba, ang dami kong niluto. Pang isang handaan na ata 'to. Samantalang dalawa lang kaming kakain. Di bale na. Kahit hindi n'ya tikman lahat ng 'to, basta kahit isang subo tumikim s'ya ay magdidiwang na talaga ako! Syempre kapag kumain s'ya, kahit tikim lang, aba! Another hope iyon para sa akin 'no! Another step to a happy marriage, kumbaga.

Ala-sais na pala. Maya-maya lang babangon na s'ya. Maiayos na nga ang mesa. Nagluto ako ng burger steak, caldereta, afritada, kare-kare, chopsuey, at fried rice. Tapos ang drinks n'ya , iba-iba rin - cappucino, mango shake, protein shake, cold water, ordinary water. O, ano pa hahanapin n'ya? May gulay, may karne tapos kahit anong drinks gusto n'ya meron! Ay pineapple juice pa pala! Wait!

  

Lalalalalala lalalalalala lalalalala

Sabi nila pag masaya ang nagluluto, masarap daw ang pagkain. Hay naku, edi ang mga niluto ko, taste like heaven! Sobrang saya ko kaya!

Pakendeng kendeng pa ako habang nagtitimpla ng pineapple juice. Grabe ang dami ko naluto. Nakakapagod ha! Pero kahit gaano pa nakakapagod ang gawain, kapag ginagawa mo para sa mahal mo, parang iniisip ko pa lang na matutuwa s'ya, wala na ang pagod ko. Paano pa 'pag talagang nagustuhan n'ya?

Haaay...

 "Good morning!" Masayang bati ko sa kanya. Sabi na magigising na s'ya eh.

 "Tara kain na ta - kain ka na." Sasabihin ko sana tayo, pero s'ya na lang. Alam ko namang ayaw na ayaw n'ya kong kasabay sa pagkain eh. Saka baka mahiya s'ya, kaya s'ya na lang. Basta mabawasan kahit isang kutsara ang inihanda ko masaya na talaga ako.

Nilagay ko na sa mesa ang pineapple juice. I looked at him. Nakatayo pa rin s'ya sa gilid ng hagdan at nakatingin sa pagkain... Siguro takam na takam na 'to. 

Rocks of Pleasure: I'm Hot but You're ColdWhere stories live. Discover now