Hindi na ako tumutol dahil gutom din naman ako. Dumaan muna kami ni Philip sa pizza parlor at nagkuwentuhan habang kumakain.

"Kumusta ka naman, okay ka na ba?" Seryosong tanong ni Philip. Ang ibig niya sigurong sabihin ay kung okay na ba ako after ng break-up namin ni Dustin.

"Hindi pa masyado pero, keri naman, since may bagay na akong pinagkaka-busy-han ngayon."

"I'm glad to hear that. Basta Jen, lagi mo lang tandaan na kahit anong mangyari ay nandito lang ako. Isang kaibigan na handang dumamay sa'yo. You can call me anytime kung kailangan mo ng kausap."

"Thank you Philip."

---

"Puwede ba kita ulit sunduin bukas, at sa mga susunod na araw?" Tanong ni Philip matapos ihinto ang kotse niya sa tapat ng bahay.

"Huwag na Philip, ayokong maabala ka. 'Di ba may trabaho ka na."

"Yeah, pero palagi akong may oras basta para sa'yo.  At saka, hindi ka naman abala eh.  Sana pumayag ka na, magkaibigan naman tayo 'di ba? Basta, lagi mo 'kong hintayin ah, kasi darating at darating ako para sunduin ka."

Kumontra ako sa gusto niyang mangyari pero kumontra din siya sa akin.  Wala na tuloy akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya sa gusto niyang gawin.  Natutuwa na rin ako dahil nagkaroon ako ng bagong kaibigan sa katauhan ni Philip.

Pagkatapos kumain ng hapunan ay pumasok agad ako sa kuwarto ko upang basahin ang sulat na ibinigay sa'kin ni Dustin.

Dear Jen,

Una sa lahat ay gusto kong ipaalam sa'yon na hindi ko tinatanggap ang pakikipag-break mo sa'kin. I'm sorry dahil imbes na kausapin ka ay mas pinili kong pumunta sa Macau para asikasuhin ang negosyo namin. Ayoko sanang umalis nang hindi tayo nagkakausap pero minabuti kong gawin ito para na rin kay Daddy na ngayon ay hindi na tumututol sa ating relasyon.

Masaya akong nalampasan na natin ang pinakamalaking balakid sa ating pagmamahalan kaya hindi ako papayag na mauwi sa wala ang lahat.

Tatlong linggo akong mawawala at sa pagbabalik ko ay ipagtatapat ko sa'yo ang lahat ng tungkol kay Kara. Actually, nabanggit ko na siya sa'yo noon sa chat. Kung naaalala mo ang nakuwento ko sa'yong babae na gustong tumalon mula sa rooftop ng apartment building ko sa U.S, 'yon ay si Kara. Pagbalik ko, pag-usapan natin siya.

I will be busy kaya hindi kita matatawagan o maite-text for three weeks. Gagawin ko 'yon hindi dahil ayaw kitang makausap kundi para bigyan ka ng sapat na panahong mag-isip at para na rin hindi kita maabala. Alam ko kasing magiging busy ka rin dahil nag-start ka nang magturo sa East Pearl. Congratulations for being a teacher beh, I'm so happy for you.

Mag-iingat ka sana palagi at huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo. By the way, nagustuhan ko ang birthday gift na binigay mo sa'kin at habang buhay ko 'yong iingatan.

Mahal na mahal kita, beh
See you in three weeks.

Love,
Dustin

Iyak lang ako nang iyak matapos kong magbasa. Una ay dahil hindi pala tinatanggap ni Dustin ang pakikipag-break ko na ang ibig sabihin lang ay mahal pa rin niya ako. Pangalawa,nalaman kong payag na pala si Tito Junnie sa relasyon namin ng anak nito and that means, hindi ang break-up namin ni Dustin ang dahilan kaya nakakapagturo na 'ko.

May narinig akong katok kaya tumayo ako upang buksan ang pinto.

"Can we talk?" Si bestfriend Dustin pala na agad kong pintuloy.

"Umiiyak ka ba?" Bungad niya pag-upo sa upuang nasa tabi ng kama ko.

"Sa tingin mo ba, dapat kong bigyan ng chance si Dustin na magpaliwanag? Sa tingin mo, may katanggap-tanggap siyang dahilan para magkaroon ng ibang girlfriend maliban sa'kin?"

"Everybody deserves a chance Jen. If you're asking me kung dapat mo bang pakinggan ang paliwanag niya, well my answer is yes. Hindi ko 'to sinasabi dahil lalaki rin ako. Actually, na-kuwento na niya sa'kin ang reason kung bakit niya nagawa 'yon, pagkatapos ko siyang gawing punching bag."

"Ano?"

"Oo Jen, inupakan ko si Dustin, pero hindi man lang siya lumaban. Tinanggap lang niya ang mga suntok ko. Gusto ko sanang ikuwento sa'yo ang lahat pero mas mabuti kung siya na lang mismo ang magsabi sa'yo ng dahilan kung bakit niya nagawa 'yon. Sa ngayon ay nasa Macau si Dustin at three weeks siyang mananatili doon. Pagbalik na lang niya kayo mag-usap." Maya-maya ay tumayo na si bestfriend. "Pa'no Jen, 'yon lang naman ang gusto kong sabihin kaya ako nandito. Sorry kung naabala kita. Matulog ka nang maaga dahil may pasok ka pa sa school bukas 'di ba? Teacher Jen."

Tumayo na rin ako at ngumiti. "Dustin, salamat ah. Natutuwa akong malamang ipinagtanggol mo pala 'ko no'ng paiyakin ako ni Dustin. At salamat sa pakikinig ng love problem ko."

Humawak siya sa ulo ko. "Siyempre naman ipagtatanggol ko ang bestfriend ko. Ikaw rin naman 'di ba? Sabi ni Ash ay inaway mo rin daw siya no'ng nag-break kami dati. Sinampal mo raw siya."

Na awkward akong bigla. "Eh siyempre, dahil bestfriend kaya kita eh."

No'ng gabing 'yon ay itinabi ko sa pagtulog ang hello kitty stuffed toy na regalo sa'kin ni Dustin at niyakap iyon ng mahigpit.

"Sana matapos na ang three weeks para makita na kita."

When Mr. Gorgeous is JealousWhere stories live. Discover now