Hilltop

205 4 9
                                    

Nakaupo sa isang bakanteng mesa si Morry, habang nakatingin sa labas ng cafe. Nakabalik na naman siya sa dating lugar kung saan siya unang beses at huli na nagmahal. Umuulan, malakas. Masarap sa pakiramdam na malamig ang panahon sa labas. Kitang-kita niya ang patak ng mga ulan sa babasaging pader. Dagdag kagandahan naman ang nag-iilawang mga palamuti para sa darating na pasko.

Ilang araw na lang pala pasko na. Sa isip-isip niya. Bigla niya tuloy naalala ang dati.

"Tingin dito, Morry!" Tawag ni Rex sa kanya hawak hawak ang isang camera. Agad siyang ngumiti pagkakita sa hawak na camera ng nobyo at pumustura.

Click!

"Ganda ng kuha!" Nag thumbs-up ito saka niya nilapitan at niyakap.

"Patingin nga!" Kinuha niya ang camera nito at tiningnan ang mga kuha na litrato. "Hmm, ganda nito ah."

"Oh, anong gusto mong sakyan sunod?" Tanong ni Rex at iginiya siya.

"Tara, ferris wheel tayo!" Sabay silang napatakbo papunta sa ferris wheel booth at pumila upang magbayad.

"Alam ko matatakutin ka sa mga matataas na lugar ah. Handa ka na dito sa ferris wheel?" Nang-uuyam niyang tanong. Nilingon siya ni Rex at tinawanan.

"Babe, dati 'yon no. Ngayon, kaya ko na kahit ang tumalon mula sa mataas."

"Weh?"

Ngumisi ito.

"Swear!"

Hinding hindi talaga magsasawa si Morry kakatingin kay Rex. Siya na atah ang pinaka swerteng babae sa balat ng lupa dahil napakabait, buti, gwapo, yaman, humble, mapagbigay, magalang, loyal at honest nito sa kanya. Wala na siyang hahanapin pang iba.

Hindi nga nagsinungaling ang nobyo nang sabihing hindi na ito takot sa matataas. Tuwang tuwa pa nga ito kung tutuusin.

Napangiti si Morry sa naalala. Napakatagal na panahon na pala.

Hindi nagtagal, humupa na ang ulan. Ilang oras na pala siyang tutambay sa cafe. Hindi niya man lang namalayan ang oras. Huminga siyang malalim. Sa cafe na iyon nagsimula ang lahat.

Nasa kolehiyo na si Morry nang madiskubre niya ang Paradise Cafe. Wala masyadong tao noon at kabago bago pa lang ang bukas. Isa siyang nerd noon. Isang nerd na mahilig sa libro at matalino pero hindi nerd na may makakapal na salamin, malaking damit at may braces. Maganda siya kung tutuusin at mayaman. Nerd siya sa paraang matalino siya at mahilig sa libro.

Nagbabasa siya ng libro na isinulat ni Lang Leav, Lullabies, habang paminsan minsay humihigop ng kape. Naramdaman na lamang niyang may tumabi sa kanya at nang lingonin niya ito, nakita niya ang isang lalaking gwapo, at matipuno.

"Pwedeng makiupo?" Sabi nito sa wikang englis. Natameme si Morry nang mga pagkakataong iyon. Pinitik nig lalaki ang mga daliri nito na siyang umagaw sa kanyang atensyon.

"A-ah, a-ano ulit 'yon?"

"Pwede bang makiupo dito? Puno na kasi halos." Ulit naman ng lalaki.

Napatingin siya sa paligid. Oo nga, kanina hindi pa naman madami ang tao, pero ngayon ang dami na. Napatingin ulit siya sa lalaki.

"Sure."

Umayos ng upo ang lalaki at naglabas ng libro. Sinilip niya ito at nakitang nagbabasa ito ng nobela ni Mitch Albom na The time keeper.

"Diyos ko! Nagbabasa ka niyan?!" Hindi makapaniwala niyang sabi. Napalingon naman ang kanyang katabi sabay tingin sa librong binabasa at balik ulit sa kanya.

Heartbreaking One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon