"Teka, alam mo na ba ang tungkol sa utos ng Daddy mo sa mga school na huwag akong i-hire?  Paano mo nalaman?"

"AJ told me."  Sagot niya.

"Ah." Napatango naman ako.  "You don't have to apologize dahil okay lang naman sa'kin 'yon.  Ang mas mahalaga para sa'kin ay ang magkasama tayo.  Magtrabaho ka pero huwag kang magpakapagod.  Lampasan mo ang naabot ng Daddy mo pero huwag na huwag mo siyang kalabanin.  Tandaan mong Daddy mo pa rin siya.  Sa halip na kalabanin siya, gawin natin ang lahat para tanggapin niya tayo.  Wala namang magulang na kayang tiisin ang anak niya eh.  Umasa na lang tayo na matatanggap rin niya na ako talaga ang mahal mo.  Pero alam mo, minsan iniisip ko na sana naging mahirap ka na lang din para pantay lang tayo, para wala na tayong ganitong problema."

"Pero walang mahirap at mayaman pagdating sa pag-ibig."  Giit ni Dustin at sang-ayon ako doon.  "Siya nga pala, may gusto pa 'kong sabihin sa'yo."

"Ano 'yon?"  Tanong ko saka siya tiningnan.  Ang seryoso ng hitsura ng mukha niya kaya bigla akong kinabahan.  Kung anoman ang sasabihin niya ay parang ayokong makinig.  Agad akong bumangon at lumayo sa kaniya.  "Sorry Dustin pero hindi puwede ang gusto mong mangyari.  I'm really sorry, mahal kita pero hindi puwedeng may mangyari sa'ting dalawa dahil tiyak na papatayin ako ni Mama at Papa kapag sinuway ko sila.  Please, huwag ka sa sanang magalit."

Sobrang laki ng tiwala sa akin ng mga magulang ko at ayokong sirain ang pagtitiwala nila.  Kahit anong mangyari ay dapat kong sundin ang bilin nila dahil para rin naman iyon sa aking ikabubuti.  At para rin iyon sa ikabubuti ni Dustin dahil ayoko siyang matalupan ng buhay at ipakulam ni Papa.

Nagulat naman ako nang biglang matawa si Dustin.  Bakit siya tumatawa, hindi naman ako nag-joke ah.

"Ang cute mo talaga, kaya mahal na mahal kita eh." 

"Thank you."  Sabi ko kahit hindi ko gets kung bakit siya natatawa.

"Kung anuman ang iniisip mo, hindi tungkol doon ang gusto kong sabihin.  Pero sige na nga, sa ibang araw ko na lang 'yon sasabihin sa'yo."  Pagkatapos magsalita ay hinalikan na niya ako sa noo.  "Goodnight beh, sana mapanaginipan mo ako."

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na si Dustin ng kuwarto.

"Ayan Papa ah, pinalabas ko na po si Dustin.  Kaya huwag na po kayong mag-alala."  Natawa na lang ako at napailing dahil para akong timang dito na nagsasalitang mag-isa. 

Maya-maya ay napangiti naman ako nang ma-realize ko kung gaano ako kasuwerte sa aking boyfriend na si Dustin.  Lalaki kasi siyang kausap at napanindigan niya sa Papa ko ang promise niya rito na magbe-behave siya.

Matutulog na sana ako pero bigla kong naisip kung ano kaya 'yong gustong sabihin sa'kin ni Dustin na hindi niya masabi-sabi dahil palagi na lang nauudlot? 

Anyway, kung anoman 'yon ay sasabihin din naman niya sa'kin sa ibang araw kaya hihintayin ko na lang.  Ang mabuti pa siguro ay matulog na 'ko para maaga akong magising bukas.



Faith

After staying in London for a while, I finally decided to come home.  Alam ko naman kasi na kahit gaano katagal pa 'kong magtago ay hindi na mabubura sa alaala ng mga tao ang pagkapahiyang inabot ko sa hindi natuloy na engagement namin ni Dustin.

Isa pa ay na-realize kong hindi ko naman makukuha si Dustin kay Jen kung mananatili ako sa London, kaya uuwi na lang ako.

Kung inaakala ng Miss Genius na 'yon na tapos na ang laban namin ay nagkakamali siya dahil wala akong balak na tuluyang isuko sa kaniya si Dustin. 

Mula nang lumipad hanggang sa maglanding ang eroplanong sinasakyan ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag-isip ng paraan kung paano ko mawawasak ang realsyon nina Dustin at Jen.  Kailangan nilang maghiwalay para maangkin ko na si Dustin, pero paano ko nga ba sila magagawang paghiwalayin?

Habang naglalakad na palabas ng airport ay nakita kong nahulog no'ng babae sa harap ko ang kaniyang wallet.  Dinampot ko ang wallet niya na may nakaipit pang picture.

"Excuse me, Miss, you dropped your wallet."  Sabi ko kay girl na humarap naman agad sa akin.

"Oh my gosh, thank you so much."  Aniya sabay bawi ng wallet sa kamay ko.  Namumukhaan ko siya, kung hindi ako nagkakamali ay same lang kami ng eroplanong sinakyan kanina.  "Kawawa naman ako kapag nawala itong wallet ko. All of my money are here.  Thank you ah."

"No problem."  Tugon ko.  "By the way, I saw the picture in your wallet.  Puwede ko bang malaman kung anong relasyon mo sa lalaking kasama mo sa picture na 'yon?" 

"Oh, him?"  Sabay labas niya ng picture para ipakita sa akin.  "He's my boyfriend."

Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat.  "Boyfriend?"

"Yeah.  Actually, he's the reason why I came back here in the Philippines.  I want to see him so badly dahil miss na miss ko na siya.  Hindi nga niya alam na nandito na 'ko eh, gusto ko kasi siyang i-surprise."  Aniya habang halatang kinikilig.

"Oh, really?  So you're originally from London and nandito ka lang para dalawin ang boyfriend mo?  Do you already have a friend here?  Kasi kung wala pa, I can volounteer myself to be your friend.  By the way, my name is Faith.  And you are?"  Sabi ko sabay lahad ng aking kamay at todo ngiti pa sa babaeng ito na para sa akin ay hulog ng langit.  I have to be friends with her, no matter what.  Matapos niya akong tingnan nang maigi ay ngumiti na rin siya at nagpakilala.

"Mukha ka namang mabait, so I guess we can be friends.  Nice to meet you Faith, my name is Kara."

When Mr. Gorgeous is JealousDonde viven las historias. Descúbrelo ahora