Chapter 26

6.9K 146 3
                                    

Mabilis dumaan ang araw. A day after tommorow ay ikakasal na ako. Matatali na ko sa isang pang habam-buhay na relasyon. Unti-unti ko ng natatanggap na hindi nga ako para kay Ruel. Tanggap ko na pero hindi ibig sabihin nun ay masaya ako, nakakayanan ko lang tanggapin na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo.

"Hey, anong problema?" si Zeus. Kahit anong pang iiwas ang ginawa ko sa kanya ay pinaramdam niya sakin kung gaano niya ako kamahal.

"Okay lang ako" sagot ko dito. Andito kami sa isang fastfood chain dahil nag cracrave ako ng burger champ nila.

"Mahal na mahal kita Ashley, at gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang" out of nowhere na saad nito.

Ngumiti lang ako bilang tugon. Ngiti na alam kong hindi umabot sa mga mata ko. Ngiting walang buhay. Ngiting matamlay. Hinalikan ako nito sa bandang noo.. At may binulong. "Ha?" hindi ko naintindihan masyado ang bulong nito. "Wala. Tara kain kana. May pupuntahan pa tayo." pag iiwas nito sa tanong ko.

Nag kibit balikat lang ako. Hayaan na. Matapos naming kumain ay umalis din kami sa fastfood chain. Nagyaya pa ako ulit gusto ko naman ng cake. Yung black Forrest cake. Pero sa bahay ko na kakain. Dahil masyadong madaming tao dito sa mall. Nahihilo ako bigla.

Pasakay na kami sa kotse ng maramdaman kong hindi lang ito basta hilo. Nalulula ako. At parang umiikot ang paligid. Hanggang sa tuluyan na ako nawalang ng malay.

*****

"Are you sure she's okay? Bakit hindi pa siya nagigising? Baka mapano ang baby namin. Sinasabi ko kayo.. Mananagot ka sakin" tanong ng lalaki

"Whoa. Calm down. Safe naman yan eh. Sige alis muna ako. Ikaw na bahalang magpaliwanag sa kanya." sagot naman ng isang lalaki.

"Okay. Thanks. I owe you this one" sinserong pahayag naman ng isa.

"Kapag umiyak pa uli siya hindi na ako magdadalawang isip na agawin siya saiyo." pagbabanta ng kausap nito.

At tuluyan ng umalis ang lalaki, masakit man ay kailangan niyang tanggapin. Hindi siya ang mahal ng taong mahal niya.

******

Masakit man ang ulo ko at pinilit kong magising. Pinakiramdaman ko ang paligid. Naalala ko pang nawalan ako ng malay kanina habang kasama ko si Zeus. Pagmulat ng mata ko ay andito ako sa isang kwarto. Isang hindi pamilyar na kwarto. "Eh? Nasaan ba ako?" takang tanong ko sa sarili.

Hindi kaya bahay to ni Zeus? Bumangon ako sa kama at umupo ako. Nasaan naman si Zeus? Iwan ba naman ako sa kwarto? Badtrip naman oh! I was about to take a step ng biglang bumukas ang pinto.

"What the fck??" naibulalas ko ng lumabas si ano.. ng naka tapis lang ng tuwalya.. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad ng makahuma ako sa pagkakabigla.

"Taking a bath?" patay malisya nitong sagot..

Alam ko. Hindi naman ako shunga eh!! "Bakit dito!??" sigaw ko.

"Why not here?" balik na sagot nito.

Napatameme ako. Oo nga bakit hindi nga dito. Pero may point din naman ako di ba? Bakit dito? Eh may bahay naman siya. "Talagang dito ka pa dumayo ng paliligo eh may sariling bahay ka naman. Poor lang ang peg? Naputulan ka na ba ng tubig?" sansala ko agad dito ng makahuma ako.

"Because this is my house" sagot nito sabay halakhak. "No. Let me correct myself. This is our house." patuloy nito.

Ano daw? Eto bahay namin? Kailan pa? May pagka shunga din itong si Ruel eh. "Adik ka ba?" asik ko. Ngumiti lang ito at naglakad palapit sakin. Habang naglalakad ito ay parang nasusoffocate ako. Hindi na maganda ang tibok ng puso ko. Parang nag ha-hyper ventilate na ata ako. Tapos nag pa-palpitate ang buong katawan dahil sa kaba at pananabik na muli siyang makasama at makadaupang palad.

ARE YOU GOOD IN BED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon