Chapter 11

10.1K 200 7
                                    

Ala siyete na ng umaga. Kanina pa ako ginigising ni nanay dahil late na daw ako sa pasok ko. Late na talaga ako. At wala akong balak pumasok. Gusto ko munang maka pag isip isip kahit konti. Kagabe kasi ay para akong tanga na nakatulala lang. Walang ibang pumapasok sa isip ko kung di si Sandra.

Yes! Si Sandra nga. Hindi ako tibo. At mas lalong di ako lesbian na pumapatol sa babae.

Hindi ko mapigilan na maingit sa kanya. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. Feeling ko masyado na akong ilusyunada at asumera. Masyado na akong plastik sa sarili ko na pati ibang tao ay niloloko kona.

The way i dress, the way i look. Lahat to ay kathang isip ko lang. Minsan tinatanong ko din sa sarili ko. Sino ba ang totoong ako? Yung bang ayos ko nung nagmodelo ako. O ngayon ayos ko ng matapos kong ipangako sa sarili ko na hahanap ako ng mamahalin at tatangapin kung ano ako.

Tama na nga! Niloloko ko nga ang sarili ko. Masyado akong nag ilusyon na may taong maghahal sakin kahit mukha akong manang o mukha akong losyang.

Ayoko na din lokohin ang sarili ko na malabo ang mata ko pero 20/20 vision naman. At ayoko din lokohin ang sarili ko na tatangapin ako iba kasi ganto ang ayos ko. Patunay na diyan ang halos lahat ng taong mapapatingin sakin ay kundi hindi maawa ay tumataas ang kikay dahil para akong tanga. Ayoko ng magpanggap na ganto. I need to free my self in bad vibes. I need to show them who is really me. I need to show them my true identity.

Napag desisyonan ko na kunin sa closet ko ang mga manang looks ko. At dumako ako sa likod bahay para sunugin lahat. Pati ang suot kong makapal na salamin na walang grado ay sinama ko na. "Anak, anong sinusunog mo dyan?" lumapit sakin si nanay. Sabay hug sa likod ko. Hindi ko mapigilan na umiyak. Alam kong kahit hindi magtanong si nanay ay mukhang may alam siya. "Nay, ayoko na pong mag panggap na ibang tao" makahulugan kong sabi.

"Shh. I know. I know everything anak." hinigpitan pa lalo nito ang yakap sakin. Tumango ako at pumihit paharap sa kanya at yumakap muli. Ramdam ko ang init na dulot nito.

"Just be your self. No pretending and no more lies"

"Opo nanay." Sabay abot dito ng panyo.

Nagtaka naman si nanay pero tinanggap naman ang puting panyo. "Baka ma nosebleed ka nay"

"Aba't. Itong batang ito."ginulo naman ni nanay ang buhok ko sa ulo."Sige na anak, alis na muna ako" pamamaalam ni nanay bago umalis.


Sa wakas feeling ko malaya na ako. Kaya pumanik na ako sa taas, at si nanay at pupunta daw ulit sa grocery store para tingnan ang maliit na negosyo namin.

Habang nakahiga ay di ko mapigilan isipin kung bakit ba ko nag iba nung nagmodelo ako. Sa ilang buwan ko sa mundo ng modeling ay marami na talagang maraming nakakapansin sakin. Di lamang sa ganda ng mukha ko pati na din sa ganda ng katawan ko. Dumating na sobrang saya ko dahil natatamasa ko ang ganung pamumuri galing ibang tao.

Pero isang beses may lalaking nagpapalipad hangin sakin. Alam ko sa simula pa lang ay pustahan lang ang lahat narinig ko ito mula sa bibig ng kapwa niya modelo, hindi ata alam nito na maari andun ako sa celebration dahil successful ang fashion events namin. Sino ba naman kasi ang hindi magkaka interes sa isang Erin Heatherton my screen name sa mundo ng modeling. Mahigpit at pribado ang buhay ko kaya walang sino man ay may alam ng tunay kong pangalan.

To make the long story short, ay ginawa ko ang lahat para mapaibig ang lalaking nakipag pustahan sa kapwa niya modelo. Ang siste kasi ay papa ibigin daw ako ni Zues Davids sikat na modelo din tulad ko at kapag todo ko na daw itong mahal ay basta nalang daw akong iwan.

Kaya bago pa mang yari yun ay i reciprocate their plan. Hindi ako titigil hanggan hindi ko siya napapaibig ng todo. At ng maggawa ko iyon ay, I Erin Heatherton, dump him so hard, fcking hard, infront of our co-models. That bastard deserve it. yang ang sinisigaw ng puso at isipan ko during that time.

Kaya naman siguro ay hindi na kayo magtataka kung bakit after my modeling career ay nag iba na ako, iniba ko ang lahat sakin. Kasi gusto kong mahalin ako dahil ako ay ako. Hindi dahil sa sikat at may pa misteryo daw ang dating ko. Now can you See my logic?

Isang taon ng tapos yun. Nakalimutan rather kinalimutan ko na iyon. I tried very hard para di ko malala ang lahat ng iyon. Kaya hindi na ako ang dating si Erin Heatherton, ako na si Ashley Brown.

And starting this day, this very day.

Magpapakatotoo na ako sa sarili ko.

At sisimulan ko iyon sa ayos ko.

ARE YOU GOOD IN BED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon