Chapter 1

20.2K 296 4
                                    

--------

"Ashley!!!!! Ikaw na bata ka. Ano? Malalate kana. Jusmiyo marimar. Gusto mo atang masibak sa first day mo"

"Nay naman eh. Saglit lang. 5 minutes pa." sabay tumalabong ko ng unan sa mukha. Si nanay eh binuksan ba naman ang kurtina sa kwarto ko. Kainis!.

"Hoy!!, Ashley!. Kapag hindi ka pa tumayo dyan ay talagang babasain kita ng tubig na ubod ng lamig."

"Aargh. Nay naman eh. Ang sarap sarap ng tulog ko. Nabwiwisit po kayo" maktol ko.

"Ikaw na bata ka. Aba'y first day mo, sa bagong trabaho mo"

Eh ano naman kung first day ko ngayon sa work.. "What? First day ko ngayon? Hindi ba bukas pa yun?" tinatamad na sagot ko

"Lintek na batang ire. Ngayon yon!. Kaya hala. Lumarga kana. Baka paguwi mo eh tanggal ka na naman sa trabaho."

Napahawak naman ako sa tenga ko. My gash. Yung eardrums ko mababasag. Si mader talaga. Nakuu.

Para di na ako kagalitan ng mabait kong ina ay tumungo na ako sa banyo para maligo. Daig ko pa ata si flash. Wala pang 5minutes tapos na ako.

Basta kuha nalang ako sa damit sa drawer ko. Shit. Naman. Malalate na nga ako. Walang kain kain at suklay suklay ay lumabas na ako.

Pinagtitinginan na naman ako dito. Enebeyen.. Alam kong maganda ako. Wag nang ipanglandakan..

"Aba Ashley, para kang hahabulin ng plansta dyan ineng." puri akin ng matanda namin kapitbahay.

"Eto ang uso ngayon, lola.. Hehe" kontodo pa cute kong sabi

"Eh. Mga kabataan ngayon oh. Wala na kayong di maisip kung di mag sipagsunod sa uso." iling pa nito

Tumawa lang ako ng mahina. Aba. Si lola nauto ko? Pft. Haha haha.. Sabi sainyo eh. Pansinin talaga ako dito. Ako lang kasi ang maganda.. Muahaha.. Nagkukumahog ako sa pagtakbo para makaabot sa mahabang pila sa jeep. Aah! Kainis, kung kelan ka naman nag mamadali tska walang jeep.. Badtirp naman oh!

Kahit ayoko ay nag taxi ako, Sayang ang pera. Pangkain din yun. Tsk. Pagdating ko sa malaking comapny na pagtatarabahun ko ay hindi ko talaga mapigilan na mamangha. Haler? Ang ganda kaya dito. Daig ko pa ata ang nakarating sa ibang bansa. Hanep pa sa hanep ang itsura nito.

"Miss, yung laway mo tulo na!"

Ayy. Wala sa sariling pinahiran ko ang labi ko. Eh? Wala naman eh. Sino bang loko-loko na ito at mabatukan.

What the? Kahit may edad na ang taong kaharap ko ay hindi ko mapigilan na kiligin. Enebeyen. Ang gwapo. Sh.it.

"Haha. Hija, wag masyadong pahalata. Yung laway mo. Tumutulo na talaga."

Imbis na magalit ay lalo akong nasiyahan sa taong ito. Jusko lord. Eto na ba? Eto na ba ang para sakin? Ayy. Hindi. Pala. Erase..erase. hindi pala pag ibig ito. Parang may lukso ng dugo? Hindi kaya? Oh my God. Soulmate kami?

"May gagawin kaba sa loob?" untag ulit nito.

"Ah. Eh. Opo. Meron po." pakipot kong sagot.

My gash. Soulmate ko nga ata ito. May something talaga. Parang ang gaang ng loob ko sa taong ito? Di kaya.. OMG di kaya nung past life eh mag asawa kami? Ayiie..! Mukhang tama nga ako. Hihi

"Alam kong gwapo ako hija, wag mo nang pagnasaan. Hahaha"

"Po?" halata na ba akong masyado? Eeh. Nakakahiya.

"Oo. Halatang halata.. Hahaha. "

Pano niya nalaman ang nasa isip ko? Di kaya? Oooh Myyy Gashh.. Sabi na eh. Soulmate kami. Hihi

"Hehe." kahit wierd ang pakiramdam ko, andito padin yung feeling na ang saya-saya ko. Parang i feel complete? Tsk. Anu kaya yun? Haay.

Pinagtitinginan kami sa loob ng elevator. Anyare? May masamang hangin ba? Inamoy ko naman ang sarili ko. Tinaas ko pa nga ang kili kili ko eh. Wala naman. Ang bango ko nga. Kahit dito ka pa tumira.

Ano ba ang meron? Ah. Baka yung sa suot ko? Hehe.. Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko. Naka loose blouse ako na kulay puti medyo gusot gusot at mahabang palda na kulay itim hanggang sakong sako ko at naka rubber shoes ako na kulay pink. May dala din akong mailbag. Nakatrintas ang mahaba at alon alon kong buhok na kulay ash brown. Kaya ashley ang name ko eh. Kasi si nanay gandang ganda sa buhok ko noon. Namana ko daw ito sa tatay kong british, kasu di ko pa yun nakikita. Nag alsa balutan ata ng malaman na jundat ang mader ko. Brown ang apelido ng nanay ko. Kasi may lahi daw sila. Di ko lang sure kung german sheperd o saint bernard. Haha joke.

Nag ting na ang elavator kaya nag alisahan na ang mga negatrons ng buhay niya. Haay salamat. Kami nalang ang natira dito sa elavator ni mamang gwapo. Ay wait ano kaya name niya?

"James. James Begum. You can call me Tito James" sabay lahad nito sa kamay niya.

Hindi na din siya nag patumpik-tumpik pa. "Ashley po. Ashley Brown." at nakipag shake hands siya dito. Sa paglapat ng kanilang palad ay parang mas nangulila siya. Kaya agad din niyang binawi ito.

"Brown. Hmm" narinig niyang sabi nito. Well di naman siguro ako ang kausap niya. It's look like na sa sarili nito sinabi iyon. Kaya hinayaan ko na.

Sa ibang bansa common na ang ganun apelido. Kaya di na ako mag tataka kung may naalala siya sa apelido ko.

Nang nakarating na ako sa 21th floor ay umuna na ako ng alis kay Tito James. Mukhang napalalim ata ang pag iisip nun. Tsk. Yaan ko na nga. Kahiya naman kasing istorbohin.

May receptionist na bumungad sakin pag labas ko palang ng elevator. Wow sosyal. May sariling receptionist dito.

"Yes, how can i help you miss?" mataray na sita agad sakin ng babaeng nukhang clown sa sobrang kapal ng make up.

Kalma lang Ash. First day mo kaya behave. Pinakalma ko ang sarili ko bago sumagot baka masabunutan ko itong bruhildang ito ng wala sa oras. "I'm Ashley Brown, the newly hired secretary" taas noo kong wika

"Oh. Is that so?" she said while glaring at me.

I stay still. Hindi ako nasisindak sa mga babaeng todo kung makaporma. Haler. Im Ashley Brown. And no one. As in no one in this entire world can put me down.. Oh yeah! Napapa headbang pa ako sa lagay na yan.. Pft. Hahaha.

Jusko. Tinamaan ata akong saltik sa ulo. Kailangan kong pakalmahin ang nerve cells ko bago ko pa maipatapon itong babaeng kalahi ata ng froglet sa mount hibok-hibok

"Hey, Are you deaf?. Kinakausap kita." asik ng receptionist.

"Oh. Sorry kala ko kasi kung sinong bubuyog lang. Ikaw pala yun?" matamis na ganti ko dito

"Whatever.. Sir Evangelista wants to see you. Just go straight to that path then turn left, may malaking glass door dun. Pumasok ka nalang" nakalabing paliwanag nito

"Thank you. Ms.? " tiningnan ko ito mula ulo hanggang dibdib. "Ms. Betty boob" sabay irap at martsa palayo.

"You. Dimwit!!" sigaw nito

"Hahaha. I know right" habol ko pang sagot. Aba maliit naman talaga ako. Nasa 5'2 lang ang height pero kailangan pa ba niyang isigaw yun? Kaloka na si inday. Di na kaya ng powers ko. Tsk.

Kaya bago pa ako maging super saiyan at maibato siya sa bundok ng hibok-hibok ay umalis na ako. Nakakasira ng ganda, at baka Mapingasan pa ang akin anking alindog.

Kontodo postura pa ako at pinalansta ko ng kamay ang medyo gusot kong damit at palda. Excited na ako sa bagong trabaho. Tss.. Pang ilang trabaho ko na ba ito sa loob ng isang buwan? Labing apat? Nah. I don't keep tabs.

"Come in"

Kakatok pa lang ako sa higanteng glass door ay bumukas na ito. Wow. Sosyal talaga. Bigtime talaga ang may ari ng kompanyang ito. Kung ito ang mapapangasawa ko ay talagang literal na matutulog ako sa ibabaw ng mga pera. Napangisi ako sa naisip..

------

ARE YOU GOOD IN BED? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon