Prolouge

23 4 0
                                    

*First time ko lang pong gumawa ng story, sana'y suportahan niyo po :'D *

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Narito ako sa tree house ni Sheena, best friend ko since birth. Hindi ito totally tree house. Medyo mababa lang siya at hindi mahirap akyatin. May hagdan naman kasi 'to.

Iniwan muna ako ng BFF ko dahil may kinuha lang siya sa loob ng bahay nila. I'm all alone for a while. Listening to the songs of my favorite Boy Band, 5 Seconds Of Summer.

Napaka gaganda talaga ng mga kanta nila. Lagi kong inaabangan ang mga New songs ng albums nila. Lalo na ang mga music videos nila.

I drove by all the place we used to hang out getting wasted, I thought about our last kiss how we felt when you taste it....

Now playing. Amnesia.

Narinig ko nang paparating na si Sheena kaya pinatay ko na ang speaker.

"Oh? bakit mo pinatay? Maganda naman ah?" Tanong niya sa'kin sabay abot ng bowl of pop corns.

"Ha? Ah-eh hayaan mo na, ilang bese ko narin kasi 'yung napapakinggan." Sabay subo ko ng isang pirasong pop corn.

"Sus! 'Wag ako 'te, eh parang ngayon mo nga lang 'yon hindi tinapos sa pagtugtog ah?" Sabi niya saka sinubo ang dinampot na pop corn.

Hinawakan niya 'ko sa balikat saka banayad 'yong hinaplos. "Freind, forget the past. Lalo ka lang masasaktan kung patuloy mong aalalahanin ang nakaraan. Tama 'yang ginawa mo, itigil mo na ang pakikinig sa kanta na'yan hanggang sa maka move-on ka na." Mahabang sabi niya sa'kin. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata, at nandoon ang 'concern' Best freind. Tama siya, kailagan ko ng mag move- on. Simula kasi no'ng nakipag-break up ako ex-boyfriend ko ay lagi ko na lamang pinapakinggan ang kantang 'Amnesia'.

Oo ako ang nakipag-break. Pero ako ang mas naapektuhan. Mahal ko pa siya pero, alam kong pagod na siya, alam kong ayaw niya na. So I decided to break up with him. To set him free. Hindi na ako nagtanong sa kanya kung may iba na siya kahit alam ko nang harap-harapan na niya akong niloloko.

"Hindi ko alam Sheena, masiyado lang kasi talagang masakit. Masakit na harap harapan kang niloloko ng taong mahal mo. Okey pa sana kung hindi ko nakikita, hindi ko alam at puro hinala lang ako. At least do'n 'di ba? Masasabi kong paranoid lang ako. Pero kasi hindi gano'n eh!" t Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naman napahagulgol na lamang ako ng iyak. Masakit kasi 'yon, masakit sa part ko. Babae ako, every girls deserve to be love pero bakit sa'kin ganito? Minahal ko siya--- minahal ba niya talaga ako?

Kinuha ni Sheena ang cellphone ko sa speaker. Pinatay niya iyon at kinuha ang memory card nito at agad pinutol.

"What the--" Hindi ko na tinapos ang dapat kong sabihin. Agad ko ng kinuha ang Cell phone ko pati narin ang memory na pinutol niya. "Sheena naman eh!" Inis kong sabi sa kanya habang tinigtignan ko ang memory card na alam kong hindi ko na'yon mapapakinabangan pa.

"Ms. Alisha Ryu, tama na ang kakaiyak 'di bagay sa'yo ang puro iyak mag move on ka na!! Tama na ang puro kadramahan. Wala na namang pake sa'yo 'yung tao eh. Kaya itigil mo na ang ganyang gawain mo. You don't deserve it!" Nasa mga mata niya ang galit at inis. Hindi ko siya masisisi do'n, kaibigan ko siya kaya naman nagkakaganyan siya. Siguro kung sa kanya 'to mangyayari, baka ganito rin ang magawa ko. Pero paano ba ako makaka move on? Hindi ko maiwasang hindi makalimutan ang lahat ng pagmamahal sa taong minahal ko ng sobra.

Kinuhang muli ni Sheena sa akin ang memory card saka 'yon hinagis sa kung saan. Maliit ang memory card at hindi gano'n kadali ang paghahanap do'n.

"Tama na Alisha, nandito naman ako eh. Hindi naman kita hahayaang maging ganyan nalang palagi eh. Kapamilya mo na rin ako, kaibigan mo ako. What friends are for?" Halata sa boses niya ang pagtatampo. Oo nga naman, mas mabuti pa ang kaibigan kaysa sa Boy friend noh! Tumikhim na lamang ako at pinunasahan ang mga luha sa pisngi ko.

"Get up" Nagmamadali niyang sabi pagkatapos kong ayusin ang sarili ko.

"Saan naman tayo pupun---" Hindi pa ako nakakatayo ay nawala na kaagad siya sa paningin ko.

"Oh, by the way. Papalitan ko nalang 'yung memory card mo." Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot at saka na ulit siya umalis.

------------------------------------



As The Music PlaysWhere stories live. Discover now