Chapter 15

6.2K 97 66
                                    

NAGISING si Joselle sa ingay ng kanyang mga kaibigan. Idagdag pa ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Napabangon na lamang siya at kinusot-kusot ang mga mata. Agad na siyang nagtungo sa banyo para makapaghilamos at magmumog. Just like the last time. Iyong nakatanggap siya ng package galing sa kuya niya. Galing pala iyon kay Justin, naalala pa niya. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili ay bumalik muli siya sa sofa ngunit sa hindi inaasahan ay nandoon na ang mga kaibigan niyang nakaupo at nanonood ng palabas.

Hindi niya na lamang pinansin ang mga iyon sa halip ay dumiretso siya sa kama niya at sumalampak. Huli na niyang naalala nandoon pala iyong cellphone niya sa sofa kaya pinaabot niya na lamang kay Jaina ang cellphone at naisakamay na niya iyon. Sumandal siya sa headboard at binuksan ang cellphone. May limang missed calls ito galing kay Justin at dalawang missed calls naman galing kay Ruther. Bigla namang may nag-pop out sa screen niya.

Ruther: Babe, good morning! Date tayo? :)

Napasinghap naman siya at nag-type ng kanyang ire-reply sa nobyo. Hindi niya talagang inakala na sinagot niya ito—na sinagot niya ang crush niya. Ilan lang sa mga babae ang mga ganoon kasuwerte, lalo na kapag sobra-sobra ang paghanga mo sa isang tao. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya nasa mood siya ngayon. Minsan naman kasi parang wala siyang ganang makipag-text kay Ruther, minsan naman mayroon. Sadyang naguguluhan lang talaga siya sa sarili niya.

Bigla namang nag-pop out muli ang isang mensahe, pero hindi na ito galing kay Ruther. Kundi galing na ito sa kuya niya.

Kuya Justin: I want to go out with you, bunso. Morning.

What the heck? Sabay-sabay na pagyaya sa kanya? Mukhang mag-aalangan siya nito, ah. Una kasi, oo mas gusto niya si Justin ngunit mayroong parte sa kanya na gusto niya rin si Ruther. Pero ang mali lang naman, hindi niya puwedeng pagsabayin ang ganoong pangyayari. Kung puwede lang sana mag-kagibunshin siya 'tulad ng ginagawa ni Naruto ay nagawa na niya. Pero hindi, e! Tao lang siya, kaya maiging pag-isipan niya ang kanyang desisyon.

Me: Umm... I'm not free today, kuya. Maybe next time or... later?

Kuya Justin: Marami akong aasikasuhing papers mamaya. Kakapadala lang ito ni Mom sa akin galing US.

Me: Okay.

Kuya Justin: Why aren't you free today? Kung saan libre ang oras ko ngayon saka naman hindi ka puwede. Why? Ruther?

Me: Yep. He's asking me to go out, too.

Kuya Justin: Then go with him. Enjoy your day.

Ramdam niya ang selos sa reply nito sa kanya. Ni-reply-an niya muli ang kapatid ngunit wala na siyang may natanggap na reply galing dito. Hinampas-hampas niya ng mahina ang kanyang cellphone sa mukha niya at niyakap bigla ang unan. Bahala na mamaya, sa ayaw at sa gusto ng kuya niya ay pupuntahan niya iyon. Bahala na, mag-commute siya o ano. Bumalikwas siya at sinilip niya ang mga kaibigang tutok na tutok sa mga pinanood ng mga ito. Bigla naman siyang tinubuan ng konsiyensiya. Bakit nga ba kasi boyfriend pa ng kaibigan niya ang kuya niya?

Her world is very complicated, really. Paano kasi, nagustuhan niya ang kapatid at gusto rin siya nito. Ang problema nga lang, ay may pare-pareho silang partners. Wala na rin siya nagawa. Muli ay sinilip niya ang conversation nila ng kuya niya. Wala siyang nagawa kundi kinulit pa rin niya.

Me: Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta ako.

Me: Kung hindi ka magreply, I will go with Ruther and have fun with him.

Unwanted Sin (COMPLETED)Where stories live. Discover now