Chapter Five: Date

322 14 4
                                        

CHAPTER FIVE: Date

ALICE's POV

Nasa cafeteria kami nina Gale at Alec ng makita kung may kumukuha ng picture sa amin.

"Ano yun? Bakit may kanina pang kumukuha ng picture?" Pabulong kong tanong kina Gale.

"Obvious ba? Siyempre dahil boyfriend mo na ang iniidolo ng lahat na si Seth." -Gale. Natawa ng mahina si Alec. May topak na talaga ang kambal ko.

Bigla akong nakarinig ng tilian sa corridor. Ano yun? Nagkatinginan kami nina Alec at naglakad papunta doon sa pinagkakaguluhan ng mga tao. Nakita ko na si Seth my love lang pa-

HOMAIGAWD. SI SETH MY LOVES NANDITO SA SCHOOL NAMIN?!?! BUT WHY!

"Hi Babe." Bati niya sa akin ng makita niya ako.

NGANGA. *O*

Siniko ako ni Gale ng konti. Ay sht. "H-hello, S-seth." *////*

"Hi Alice!" "Yo!" "Hello Alice!" "Hi!" Bati din ng ibang Torn Link members. Hindi pa din umaalis yung mga student sa corridor. Pinagtitinginan na sila.

"Uhh. Hello."

Bigla akong hinigit-ULIT-ni my loves. Pansin ko hobby niya ng hilahin ako. Naiwan na doon sina Gale at Alec. At ang iba na din na members ng Torn Link. Lumingon ako to see them. Pinipigilan ni Alec si Gale na sundan ako. While si Jared at ang iba ay nakasmile lang. Nagwave pa si Sean. "Buh-bye!" Sigaw niya.

"S-saan ba tayo talaga pupunta?" -Ako.

Hindi niya ako sinagot at pinasakay na lang basta sa kotse. Nakarating kami sa isang fast food chain. Inorder niya ako ng pagkain. Treat niya daw kasi kaya siya lang may karapatan pumili ng kakainin. Hmp. TARAY.

"S-seth... Uhh.."

"Bakit?" Tanong niya. Hindi niya pa din ako linilingon. Nakatungo pa din siya sa cellphone niya. "Tara picture tayo." Aya niya na lang bigla. Napa-oo na lang ako ng wala sa oras. Nagpicture kami ng ilang beses, yung iba wacky, yung iba naman normal.

"Seth para saan ba lahat ng 'to?" Tanong ko sa kanya ng diretsahan. Nagugulhan na kasi ako.

"For publicity. Actually si Ate Lola ang nakaisip nito. Alam mo bang after nung announcement natin ay meron na tayo agad ng loveteam. Tayo ang SeAl." Sabi niya at pinakita sa akin ang isang facebook page na may pangalan na SeAl is Love. Nagwa-wifi pala siya sa phone niya.

Nang maubos namin ang pagkain namin ay binalik niya na ako sa school. May class pa kasi kami. Lunch break lang namin nung umalis kami.

Parang first date namin 'to ni Seth ha. A date to remember. ^______^

Dumaan muna ako sa comfort room. Si Seth naman nandoon sa labas at naghihintay. Gentleman no? Yun ang akala niyo. Hindi yan. Hindi lang talaga alam pasikot-sikot dito sa school namin kaya mapipilitan siya maghintay sa akin. BWAHAHAH! Ayaw nga sana akong ipapunta sa CR kasi ayaw niya daw maghintay. Nyek-nyek niya! Di ko na kayang tiisin no?

"Excuse me. Ikaw si Seth ng Torn Link right?" Tanong nung isang malanding impakta kay Seth. Hindi ba obvious, girl? Arghhh.

Pagkalabas ko ng CR ay yun na eksena ang agad kong nakita.

"Yeah." Sabi naman ni Seth na tila ay cool na cool pa rin.

"Wow. Pwedeng pakiss?" Wow, girl. Hindi halatang malandi. Kiss agad, di pwedeng autograph muna.

"Su-" Pinutol ko yung dapat sabihin ni Seth. "Babe! Sorry for making you wait." Sabi ko sabay yakap sa arm ng Babe ko. Belat na lang sayo impakta, he's mine! :P

Nang makalayo na kami ay inalis niya na ang kamay ko sa braso niya. Ouch. :(

"What was that?" Tanong niya sa akin habang naglalakad.

"Ha? Ang alin?" Palinga-linga pa ako na tila ay may hinahanap. Pero alam ko naman talaga ang tinutukoy niya. It was about kanina kasama yung impakta.

"Yung kanina. Fan ko siya. You shouldn't have done that." Sabi niya na para bang naiirita.

So gusto niya talagang ikiss yun?! Argh. "Sorry ha! Fake girlfriend mo lang pala ako kaya wala akong karapatan! Eh sa hindi ko naman alam na bet mo palang makascore doon sa babae kanina e. Edi sana sinabi mo." Bulyaw ko sa kanya sabay walk out. Bahala siyang bumuntot-buntot sa akin.

Nang makarating kami sa pinag-usapan naming tagpuan nina Gale at ng Torn Link, hindi pa din kami nagpapansinan.

"Ayan na pala ang lovebirds eh." Bungad ni Liam sa amin. Natatawa pa siya.

"Wow ha. Nakita namin yung mga picture niyo kanina. Sweet niyo." Sabi naman ni Caleb na tinitignan ang cellphone ng nakangiti.

Umupo ako sa may kay Alec at si Seth ay sa may kay Sean.

"May LQ ata. HAHAHAHA!" Sabi naman ni Jared.

"WALA HA!" Sabay pa namin na sabi ni Seth. Che!

"Papasok na nga kami. Tara na Alec!" Sabi ko naman.

-

Boring ng chapter na 'to. I'm sorry. -___________________-

Anyways, gusto kong magpasalamat ng bonggang bongga sa mga readers ng story na 'to. YOU GUYS ROCK! \m/

Wag po kayong magsawa na maghintay sa mga update ko. Slow kasi ako eh. AMP.

Anyway, as a treat sa first na nagcomment sa last chapter, Imma dedicate this to you.

HOPE YOU HAD FUN! Comment your thoughts! MAKE SOME NOISE READERS!!!

POLARISWhere stories live. Discover now