BOOK 4 > Ch. 24 ~BLUE. AN ANSWERED PRAYER~

Start from the beginning
                                    




Ang sabi ni Lebanon na mabilis na nahuli ang dalawang kamay ni Elizabeth na hula niya ay itutulak siya. Mabilis niya nahawakan ang pala-pulsuhan ng dalaga. Mabilis rin niyang nailagay at nahila ang mga braso nito sa taas ng kanyang ulunan. Elizabeth whimpered. Nagngingitngit siya sa galit! Lalong idiniin ni Lebanon ang katawan niya sa dalaga. His legs held her immobile. Para siyang prisoner na pinapaamin ng isang krimen.




" Don't. Fight. Me. You won't win. So stop. Naiintindihan mo? "




Lebanon's voice was laced with a silent warning. Napamura sa utak si Elizabeth. Ni isang buto niya hindi niya maigalaw. Then she remembered. Trained ang taong 'to ng mang-torture ng kalaban. Being part of Uncle Sam's troops made him that. Danger became him.




" I will tell you this once and I will not repeat myself, Elizabeth. I own a security agency and I have powerful and very reliable connections. With that, I will easily know the truth. At kahit pa walang tulong ng agency, I was once a spy. Naiintindihan mo? "




Sa pangalawang pagkakataon ay idiniin ni Lebanon ang statement na dapat sa pagkakataong ito ay naiintindihan na niya. Damnit, alam niya 'yun! Kaya nga nagpapanik na siya eh! Elizabeth held her chin up.




" Lebanon, ano bang problema mo? Please, bitiwan mo ako! "




Sigaw ni Elizabeth na muling sinubukang kumawala. Para siyang maiiyak. Ni hindi niya naigalaw ang kahit anong part ng katawan niya. Parang bakal ang buong katawan ni Lebanon.




" Anong problema ko?! Elizabeth, ikaw! Ikaw ang problema ko! Now, ipainitindi mo sa akin kung bakit kailangan mong magsinungaling tungkol sa katotohanan ng relasyon mo kay Mr Hidalgo?! Sige! Galit ka! Gago nga ako 'di ba? Sinaktan ko 'yung nag-iisang taong walang ginawa kundi ang sobrang mahalin ako! Na kahit ang ex ko, hindi niya 'yun nagawa! But I was an asshole and I sabotage all the great things that we had! Pinagbabayaran ko na 'yun! And you know what's more, Elizabeth? Hindi ko alam kung kailan ko mapapatawad ang sarili ko sa katotohanan na pinakawalan ko pa 'yung nag-iisang babae na walang ginawa kung hindi ang mahalin ako na walang inaasahang kapalit! Fuck it, I want you back so bad, why are you not giving me this chance to make it up to you? Bakit andali-dali sa'yong kalimutan ako? Bakit parang andali-dali sa'yong i-reject ako? Bakit mas pinipili mo pang paniwalaan ko na ayaw mo na? Ang hirap-hirap ko bang mahalin ulit? Sobrang hirap ba na subukan mong mahalin akong ulit? Kahit konti lang? Tang'na, Elizabeth, kahit... kahit konti lang? "




Lebanon said, pleading. Begging. Then there was silence. Sinubukang magsalita ni Elizabeth, pero ni isang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig. They were staring blankly at each other, absorbing one another, breathing at each other's noses. Biglang nanuyo ang lalamunan ni Elizabeth. Kulang na lang pati bungo niya sumabog sa lakas ng pintig ng puso niya. Gustong gusto na niyang maniwala. Sino ba ang hindi bibigay? Pero ganitong ganito siya nung mga panahon na halos magpakababad siya sa pagmamahal siya sa lalaking ito. Ito 'yun eh. Ito yung ikinapahamak niya. Ganitong ganito 'yung katangahan niya nung bumigay siya kay Lebanon months ago na naging dahilan kung bakit andami-dami na niyang pinagdaanan. Having a mild nervous breakdown wasn't easy. Hindi rin naging madali ang mapawalay sa kanyang pamilya. Ang mga bagay na isinakripisyo niya para muli siyang mabuo. Ngayong buo na siya, bakit pa siya papayag na mag-risk ulit? Para ano? Para pagdaanan ulit 'yung burden na naranasan niya sa taong ito? Elizabeth turned her head and looked away. Hindi niya gustong makita ni Lebanon ang totoong nararamdaman niya. Bigla niyang naramdaman ang ngalay sa kanyang mga braso na iniipit pa din ng binata sa taas ng kanyang ulo.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Where stories live. Discover now