Ikalima: B A S A G

26 2 2
                                    

                                            I K A L I M A

                                              B a s a g

“Kamusta na kayo ni Harry?..” tanong niya. Nabigla naman ako sa tanong niya.

“O-ok lang.. Bat mo naman natanong?” pagbabalik ko ng tanong sa kanya..

“Sobrang lagpas ka na sa isang buwan ah?” nakangiti niyang sabi habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep.

Isang buwan? E magli-limang buwan na nga kami. Natulala ako sa mga jeep na dumaraan hanggang sa may nakita akong jeep na may karatulang ‘Zapote’ kaya naman pinara ko ito.

“Kelan mo balak makipag-break?” pagpapatuloy niya na ikinabigla ko.

“WHAT?!! What the f*ck?” nakakunot noo kong sabi kay Dugs. Anong makikipag-break? Bakit ba lahat na lang sinasabi yan? Ano bang meron at yun ang pinag-iisip nila??

Sa sobrang pagkalito, nakalimutan ko tuloy yung jeep na pinara ko kaya umandar na tuloy. Ang hirap pa naman sumakay pag ganitong oras! Damn! Ang malas talaga nang araw na to.

“Bakit ba lahat kayo sinasabi yan? Kanina si Harry, sunod si Era.. ngayon naman IKAW??” naguguluhang sabi ko.

“O pati rin sila?? Pshh.. Nagtatanong lang e. O edi hindi na.. wag ka na magalit. Di ko na itatanong.” Malambing niyang sabi habang kinikiliti niya ko.

“Eeeeee. Bakit nga kasiiiii? Curious na ko oh!” pangungulit ko..

“Ulyanin ka ba? Akala ko di seryoso yung sa inyo ni Harry nung huli tayong magkita nung bago mag Christmas Vacation. Sabi mo pa hanggang 1 month mo lang siya liligawan at after 1 month titigil ka na. At eto pa ang sabi mo pa sakin nun..” huminto siya sa pagsasalita at pumara sa paparating na jeep kaso di siya pinansin nito..

“Ano???? Anong sinabi ko?”

“Gagawin ko lahat para hindi niya ako sagutin.” At pagkasabi niya nun.. Parang may nabasag na salamin sa utak ko.

                                                   ~o~

“E kung ligawan ko na lang kaya siya??” natatawang sabi ni Era habang nakatambay kami sa Mini Stop malapit sa school. Pinag-uusapan namin si Charlie, nagrereminisce na naman kasi siya, hanggang sa napadpad kami sa ganitong usapan.

“Hahahaha. Try mo.. Naisip ko na rin dating gawin yan dun kay ano e. Kaso ang hirap pala talaga.. Nakakakaba..” sabi ko kay Era habang inaalala ko yung pangyayaring nag-attempt akong ligawan si Vic sa sobrang katorpehan niya.

“Oh talaga?? Nanligaw ka ng lalaki dati?” Nanlaki yung mga mata ni Era.

“Hindi.. Dapat manliligaw ako kaso di ko kaya.. Ganito kasi yun.. Pinipilit ako ng bestfriend kong si Seb na ligawan si.. ano.. kaya dapat ichachat ko siya para nga sabihin na manliligaw ako. Kasi sabi ni seb maganda na daw yung sa chat para pede ko daw agad masabi na joke lang. Tinry ko siya ipiem sa FB kaso di ko talaga kaya… Kaya ayun.. Di natuloy.” Nakangiti kong sabi.. Ano kayang nangyari kung niligawan ko siya noon?

“Sayang naman. Baka siguro naging kayo kung niligawan mo siya.” Saad niya.

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan yun o hindi e. Pano kung ireject niya lang ako? Nahiya naman ako sa kanya. Chicks siya e..

“Alam ko na Mina! Tara manligaw tayo!!” pagpuputol ni Era sa pag-iisip ko

“Seryoso ka diyan? Ako sakin okay lang. Trip lang naman to e. E ikaw kaya mo ba? Mamaya di mo naman kaya??” saad ko. Pag trip lang kaya ko. Pero siguro, kung gustong gusto ko yung taong liligawan ko.. Malamang baka tumiklop ako..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Plain HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon