Una: M i n a M o n t e g o

158 15 22
                                    

U N A

M I N A M O N T E G O

*Krrriiiiiinggggg!! Krrrrriiiiiinggggg!!* paggising sakin ng alarm clock ko. Ano ba yan! Umaga na agad? Pinilit kong buksan ang mata ko upang makita kung anong oras na.

4:45 am

Maaga pa naman e, matutulog muna ko ng mga 5 minutes..

~o~

"Bakit ka ba nagagalit?" tanong ko sa kanya habang nakahiga siya sa lap ko. Bumangon siya sa pagkakahiga sa akin at tumingin siya sa mga mata ko ngunit iniwas niya rin.

"Ikaw kasi. Pinagpapalit mo ko dun sa taga perps na yun!" pagmamaktol niyang sabi nang nakanguso.

"Hahahahahaha. Sino ba yun? Di ko pa nga yun nakikita ee. Pinagtitripan ko lang yun sa text. Ikaw talaga." Saad ko. Alam ko na naman talaga kung bakit. Gusto ko lang talaga manggaling sa kanya. Ang cute niya kasi magselos. Humiga na uli siya sa kandungan ko at pumikit. Ang gwapo talaga nitong tukmol na to. Tuwing kasama ko'to para bang napakaraming malilikot na paru paro sa tiyan ko. Di ko maiwasang mamula at kiligin. Pero kahit kailan di ko magawang maiparamdam sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Buti na lang at nakapikit siya at mapagmamasdan ko pa yung mukha niya. Tinrace ko yung daliri ko sa kilay niyang makapal pababa sa ilong niyang matangos at pinisil ko.

Dumilat siya at ngumiti ng nakakatunaw niyang ngiti na palaging nagpapakawala ng napakaraming paruparo sa may tiyan ko at nagpapalakas ng tibok ng puso ko. Kulang na lang ay sumigaw ako.

"I love you"

Unti unting lumabo ang buong pigura niya hanggang sa naglaho na siya ng tuluyan at napalitan ng isang unang namamarkahan ng mga luhang nanggaling sa mga mata ko.

~o~

"Minaaaaaaaaaaaaaa! Gumising ka na! Alas-sais na!" Sigaw ng mama ko na nagpabangon sakin sa higaan. Nilingon ko ang orasan ko. 6:05 am. Shit! Late na ko. Tumakbo na ako sa banyo at naligo. Inayos ko ang mahaba kong kulot na buhok at sinuot ang aming kulay berdeng uniform na maari mong makita sa bus bilang kurtina o sapin sa lamesa sa mga karinderya. Bakit ba kasi ang jologs ng uniform namin? Pagtapos kong magayos ay dali dali akong humalik kay mommy at nagpaalam.

"Bye Mom!"

"Hindi ka kakain?" Nagaalalang tanong niya. Nakaramdam naman ako bigla ng konsensya ng makita ko ang pagkaing hinain niya kaya naman lumapit ako sa lamesa at kumuha ng kaunti na dali dali ko naming kinain.

~o~

Binuksan ko ang pintuan ng computer room namin at nagtinginan sila saking lahat. Kaya ayokong nalelate ee. Naglakad na ko papunta sa upuan ko katabi ni Era.

"Ano nang ginawa niyo?" tanong ko kay Era. Si Era ang pinakamalapit kong kaibigan dito sa school kaya naman lagi kaming magkasama. Kahit na wala pa kaming isang taong magkakilala ay napagkakatiwalaan ko na siya at ganun rin siya sa akin. Nakapagtataka nga at halos lahat ng nangyari sa akin noon ay nangyayari sa kanya ngayon. Kaya naman lahat ng payong dapat kong ibigay ay naibigay ko.

"Wala pa naman. Kadarating lang din niyan ni Ma'am. Buksan mo na moodle mo." Sagot ni Era. Buti na lang kadarating lang ni Ma'am kundi patay ako.

"Bakit kasi late ka na naman?" tanong ni Era.

Plain HeartbeatsWhere stories live. Discover now