Simula

9.6K 135 20
                                    

A/N: There are errors on some Hangul words usage (Hyung - Oppa). I'm apologizing for not editing it out yet. Struggling to make time for proof reading. Thank you for your consideration. Luls.


Sweet Lies
By: vanessabree



Ayaw ko sa ulan. Magmula elementary, inayawan ko lahat ng tungkol doon.

Hindi ako katulad ng ibang bata na nahumaling maligo kapag nagbabadya ang maiitim na ulap.

Hindi ko nasubukan isalang ang palad ko para sa tubig na pumapatak galing sa gutter ng veranda.

Nalulungkot ako kapag umuulan, nagagalit, naiinis, nanlulumo.

Hindi ko na matandaan kailan ko huling minahal ang mga patak ng tubig galing sa langit.

Kung kasalanan man sa Diyos ang magalit sa ulan... ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad.

Umuulan nang mamatay ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

"Anak, gagaling din si mama... Pagkatapos no'n, maglalaro uli tayo sa park, okay?"

"Mama! Mama... Sabi mo hindi malala sakit mo hindi ba? Mama! Gumising po kayo! Mama..."

Malakas ang bagyo nang iwanan ako ni papa sa malaking bahay na ito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon.

"Anak... Babalikan kita. Pero sa ngayon, maiiwan ka muna kasama si Teacher Loidel, ha? Mahal na mahal kita, Paris. Babalik ako..."

Hinintay ko siya. Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na walang kinalaman ang ulan doon.

Pero lilinlangin ka ng pagkakataon. Lilinlangin ka niya at babalik lahat ng sakit sa loob mo.

Umulan ng malakas matapos kong malaman na ampon ako. At ang mas masakit? Binawian ng buhay si papa sa kaparehong gabi.

"Paris... Pinamana sa'yo ng papa mo ang bahay na ito kalakip ng Eternal Life Plan na inipon nilang dalawa ng mama mo. Huwag kang mag-alala... Nandito lang ako, Paris. Nandito lang kami ni Vidette."

Nabuhay ako sa maraming kasinungalingan.

Naniwala ako sa mga maling bagay.

At sa tuwing malalaman ko ang mga bagay na hindi totoo... Kasabay noon ang pag-ulan.

Iyong sinasabi nilang isang mahika ang ulan na nakakapag-pasaya ng mga puso? Nagpapatawa ba sila?

Hindi iyon totoo.

Walang mabuting nangyayari sa tuwing umuulan.

Kasabay ng pag-ulan ang mga taong naiiwan... Kasabay no'n ang mga taong umaalis.

Walang nangyayaring maganda sa ulan. Ayaw ko sa ulan.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon