"Bilisan niyo na nga diyan. Paano pa natin yun mahahabol eh nakatunganga kayo diyan. Bilis!!" Kung makasigaw ka kiara kala mo.

"Hayaan na muna natin siya nang makapagisip siya." Hayy she has a point.

"Bat kasi nangyari ulit sakanya to. Nakakainis naman." Urghh naiistress ako sa mga nangyayari. Ang bait ni jessie namin. She is so caring and loving.

"Eh paano pag may nangyaring masama sa kanya?? Nakita mo naman siguro kung paano niya pinatakbo yung sasakyan niya"  si jessie pa kahit nasasaktan yan hindi yan magiisip na magpakamatay. Kaya ako bilib sa kanya eh pero sana walang masamang mangyari. Alam namin pag galit siya kasi mabilis siyang magpstakbo ng kotse niya.

"Hindi warrior yun eh." Sabi ni natasha. Tskk naawa ako kay jessie. Hindi dapat nangyayari sa kanya to she's beyond perfect. Mapagmahal pa sa pamilya ano pa yung kulang sa kanya? Bat ba kasi nangiiwan yung mga lalaki. Talagang humanda sakin yang si urghhh yung lalaking yun. Hindi ko siya mapapatawad pag may nangyaring masama kay jessie.

"Sana maging maayos na bukas si jessie" sabi naman ni kiara. Sana nga kiara. Pero alam naman namin na hindi kaagad magiging okay lahat.

"Sana nga ganun lang kadali para sa kanya. Wala tayong magagawa tama nga siya hindi natin siya masisisi. Kahapon nga lang siya iniwan eh hindi yun madali." Natasha.Talagang hindi knowing pa na nangyari na din sa kanya to siguro sinisisi niya yung sarili niya kung bakit ganito yung nangyayari sa kanya siguro akala niya may mali sa kanya. Talagang naiinis na ako sa lalaki na yun. Hayop siya.

"sasabihin ba natin to kay tita?"  si jessie dapat ang magsabi niyan.

"hanapin nalang natin si jessie baka may masamang nangyari na sa kanya." Hayyyy nakakaawa yung kaibigan namin.

"Wag kang magisip ng ganyan kiara. Tara na. Ikaw mag drive sofie ah aba buntis ako wag ka." Tsk talaga nga naman nat ha ganito na yung nangyayari aba may gana pa siya mag ganyan. Hindi din to nagiisip paminsan minsan kaya napa-nod nalang ako sa kanya.

"Guys nag text sa akin si john(john - mayaman at fiancé ni kiara. One sided love lang. ). Nasa The Bar daw si jess" talaga nga naman. Ang aga pa ah. she's back jessie is back the old jessie is back. Hindi na nga yan naninigarilyo. Nagulat nalang ako hindi nagulat kami nung nagyosi siya kahapon.  I hate her for acting like she's strong kahit na she's really fragile. Alam kong ayaw niya lang kami na makita siyang ganyan . Ayaw niyang kinakaawaan siya. Kahit din ako ayaw kong kinakaawaan ako kasi parang feeling ko pwedi lang ako apak apakan ng tao.

After a minute nakarating din kami ng The Bar. Please pleaseee sana hindi pa siya umaalis sana nandito pa siya.

"Morning mam" kuya greeted us nang makapasok kami sa loob ng bar. Pipilosopohin ko pa sana siya pero nagmamadali kami

"Huy wala naman na dito si jessie ah!!!" Natasha said habang naghahanap kami sa kanya.

"Huh? Pero sabi kanina ni john nandito daw siya baka umalis na." Umalis? San naman yun pupunta. Wait. Nangyari na to dati ah.

"Alam niyo ba kung saan lupalop yung Lee's Building????" Tanong ko sa mga girls. Nung iniwan kasi noon si jessie ng gagong yun pinuntahan lahat ni jess yung mga lugar kung saan sila pumupunta.

"Ako alam ko! Ako na yung magdadrive" salamat naman. Sanaaa walang masamang mangyari sa kanyaa huhu nung pinuntahan niya kasi yung mga lugar na pinupuntahan nila ng ex niya may masamang nangyari sa kanya.

"May nararamdaman ako na mali. May kutob ako na may masamang mangyayari" biglang sabi ni natasha na ikinatakot din namin.

"Wag na muna tayo mag isip ng ganyan. Wait. Ayun! Yan na yung LB kiara. "  wala yung sasakyan niya dito. San kaba kasi pumunta jessie.

Natasha's POV

Lahat na ng mga lugar na pinupuntahan nila ni marco pinuntahan na namin pero wala kahit na isang anino ni jessie wala. Talaga nga naman. Naiistress na ako ano bayan baby ang tigas ng ulo ng tita mo.

"Okay ka lang nat?? Babalik nalang tayo ng The Bar baka nandun lang yun." Hindi ako okay. Pero kakayahin ko para kay jessie.

"Okay lang ako. Sige dun nalang tayo maghintay." Mag gagabi nadin. sana naman jessie nasa The Bar ka na. Nahihirapan din kami para sa kanya sana maisip niya na maraming tao ang nagaalala sa kanya. Sana naman wag niya lang isipin yung sarili niya.

"Nat nandito na tayo. Kami nalang yung papasok pag wala siya dito iuuwi kana namin at kami nalang yung magpapatuloy sa paghahanap sa kanya." Im thankful naging kaibigan ko sila.

"No. walang uuwi. Hindi ako uuwi ng hindi nakikita si jessie. Sama sama tayong uuwi mamaya na kasama siya oh bukas." Naiintindihan ko si jessie. Kaya lang siya ganyan kasi nasasaktan siya. Alam ko kung gaano kasakit yung nararamdaman niya at alam ko kung gaano ka hirap yung pinagdaanan niya noon.

"Sige. Basta sabihin mo lang if masama pakiramdam mo. Tara??" Nag nod nalang ako kay sofie. Pinagpatulog na namin yung paghahanap sa kanya dito sa bar

"Ayunnn!!! Si jessie!!!" Hayyy salamat naman. Urghh .

"Jesssieeeee!!!???" No no no jessieee?!!!!!!!!

"FCK!"

"Jessie!"

-------------------------------------------------------------------------------------------

Billionaire's baby (editing)Where stories live. Discover now