Mabuti na lang talaga nakipag-break na ako kay Denise. Mwahaha! May iPhone na ako galing sa kanya, dala ko pa wallet niya at alam mo yun, may isang libo pa ako mula sa matanda kanina! Mwahaha. (・∀・)

Oh well, may isa pa pala akong di nakukuha...

Pumunta ako sa bilihan ng ticket at binawi ko ticket ko. Sinabi kong sa susunod na lang ako magfa-flight. 'Di ko binawi yung pera ko kasi malay mo, makapunta pa ako ng states 'di ba? Who knows (・∀・) Pero nakahanap ako ng lalaking naghahanap ng kung ano. Tinanong ko siya kung anong hinahanap niya, sabi niya nawawala raw ticket niya. Mabait ako kaya binenta ko na lang ticket ko sa kanya at dahil bobo siya, naibenta ko sa kanya yung ticket na may tubong 50 percent lang naman. (・∀・)

Parang nanalo ako sa lotto nang mga panahong yun at dahil naiihi ako, siyempre umihi ako.

Matapos umihi, lumabas na ako ng cubicle na kinalalagyan ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Akalain mo yun, sabi ng repleksiyon ko, ang gwapo ko raw habang nakakindat at nakaturo pa sa akin. Astig. (・∀・)

Pero iba ang bumungad sa akin paglabas ko ng c.r. May isang lalaking mukhang mayaman, gumagawa ata ng eskandalo sa babaeng kasama niya...

"Bastos ka ah!" sigaw ng lalaki habang hawak yung babae sa braso nito.

Tiningnan siya ng babae nang maigi, "Uhm, nag-sorry na po ako 'di ba? Ano pa po bang gusto niyo?"

"Wala kang modo!"

"Modo po? I'm sorry but hindi niyo ba narinig yung sinabi ko, Mister? Bakit niyo pa po ba pinagpupumilit na ulitin ko? Ha?!"

Itinaas ng lalaki yung kamay niya at mukhang sasampalin ata yung babae.

Dali-dali akong humarang sa gitna nila at pinigilan siya sa gagawin niya, "Sir, hindi niyo naman po kailangang manakit ng babae, 'di ba po? Nadadaan naman po sa madaling usapan ang lahat,"

Sumagot naman siya, "Hoy iho, huwag mong subukang sumali rito!"

Napangiti ako nang nakita ko ang hinahanap ko.

Inakbayan ko yung lalaki, "Hindi naman po sa nakikisali ako, pero tingnan niyo naman po. Ang daming taong tumitingin. Kapag nakita nila na nananakit ang isang mayamang lalaking katulad niyo sa isang mukhang inosenteng babae, ano na lang ang magiging impresyon ng mga tao sa inyo?"

Mabuti na lang at pinag-isipan niya nang matagal yung sinabi ko. Natiyempuhan kong kunin nang mabilis ang wallet niya sa may bulsa sa dibdib niya.

"Hm...siguro tama ka nga,"

Binitawan ko siya agad at ganun din ang pagbitaw niya dun sa babae. Kinuha na niya ang brief case niya at naglakad paalis.

Yis.

"Salamat pala,"

Napadako ang tingin ko sa babaeng niligtas ko kanina.

Hm. Sa totoo lang, hindi naman siya kapangitan.

"Haha. Wala 'yon miss. Basta ba, ikaw," reply ko sabay kindat sa kanya.

"Sige,"

Aalis na sana siya nang mukhang may bigla ata siyang naalala, "Alam mo ba kung nasaan---"

Pero naputol ang dapat na sasabihin niya dahil may biglang pumito.

At syete, sinasabi ko na nga ba. Pulis 'to! Tungunu. Nahuli yata ako amp! (・∀・)

Wala na tuloy akong ibang nasabi kundi, "TAKBO!"

"Sandali! Anong nangyayari?"

"Huy! Ano bang nangyayari?! HOY!"

My 3 Identity BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon