Chapter Eighteen - Away na itich!

Magsimula sa umpisa
                                    

Hanggang sa matapos ang laban na ikinapanalo ng green team ay nakaupo lang ako sa mga benches at nanonood. Kinawayan ko si Mart nang mapadako sa akin ang tingin niya at dahil tapos na ang laban ay lumapit naman siya sa akin agad. "Mayel, hinahanap ka kanina ni Candy ah, nagkita na ba kayo?" tanong niya habang nagpupunas ng pawis sa leeg niya.

"Ayun, makikipagbati na sana ako kaya lang, alam mo yun? Nakipagaway na naman siya sa akin and this time nasaktan ako sa sinabi niya. Sabi niya mas importante sa kanya ang pagiging muse kaysa sa pagkakaibigan namin. Would you believe it? Kahit ako hindi ako makapaniwala." pagdra- drama ko at dahil sa galing ng pagdra- drama ko ay napaluha talaga ako. Umupo siya sa tabi ko at saka ako nagpatuloy. "Hindi niya alam kung gaano ko pinapahalagahan ang pagkakaibigan namin tapos yun ang maririnig ko sa kanya?" This time, hinahagod na niya ang likod ko, sobrang nadadala na siya sa drama ko.

"Baka naman hindi niya yun sinasadya. Kilala ko si Candy-"

"Akala ko din kilala ko siya, Mart pero nagkamali ako. Alam mo bang nakita ko na kasama niya si Jake kanina? Alam naman niya na matagal ko ng gusto si Jake, pero para siyang nangi- inggit na di ko malaman. Wala naman sa akin yung pagiging muse niya, pero huwag si Jake!" Kahit ako ay nagulat din sa mga sinabi ko. Hindi totoong nakita ko silang magkasama pero I think mas madadala siya sa drama ko kung maiinis siya kay Candy. "At ang sweet nila, alam mo naman na ayokong may naglolokohan di ba? Kayo pa din ba?"

"Oo naman Mayel, actually yesterday was our 2nd monthsary namin." aniya na tila nagsasalubong na ang kilay. At my peripheral view ay nakita ko na papasok si Candy sa gym and so I continued my act. Sumandal ako sa balikat ni Mart.

"Mart, I really need a friend right now." Umakbay siya sa akin.

"You have a friend Mayel, okay. Kaibigan mo ko, nandyan sina Rio, Mia, nandito din ako. And I know, kahit ngayon ay magkagalit kayo ni Candy, sure ako na magkakabati din kayo." Nakita kong papalapit na si Candy so hinawakan ko ang kamay ni Mart.

"Mart?" narinig naming sabi ni Candy na nakatayo na pala sa harapan namin na ikinagulat ni Mart at kunyaring ikinagulat ko din. "Come here, now!"

Rainier Lacosta

"Rain!!!" narinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Pagkalingon ko ay tama nga ako sa hinala ko. Si Kyle. Kahapon pagkatapos ng laban namin ay ikinain niya ako sa labas kasama si May na little sis niya pala. Yup, magkapatid pala ang dalawang mokong na ito pero napansin ko na hindi sila madalas na nagkakasundo. Wala naman talaga akong balak makipag hang out sa kanilang dalawa pero nagpumilit si Kyle at mukhang napilitan ding sumama ni May. Hindi ko alam ang motibo niya kung bakit gusto niya akong makasama after ng laban namin, pero ayun, sa bandang huli nga ay napapayag niya ako.

"O kamusta Kyle?" Naka puting shorts siya at naka green na jersey tulad ng suot niya kahapon. Halatang di pa siya napapawisan at tulad kahapon ay amoy na amoy ko pa din ang perfume na gamit niya. Ang bango.

"May laban ako after five minutes eh, kung wala kang gagawin baka gusto mong manood." pagyayaya niya. Five minutes na lang laban na niya? Eh bakit nandito pa siya? Dapat ay nagwa- warm up na ang lalakeng ito. Pumayag ako at sumunod sa kanya sa badminton court na mukhang ikinasaya niya naman. Sa totoo lang after what happened to me and Jake ay kung pwe- pwede lang ay iiwas na muna ako sa lalake dahil habang tumatagal na ang pakikisama ko ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na magpakabading na naman. Hindi ba sinabi ni May sa kuya niya na bading ako? Kalaban ni Kyle ang blue team (Engineering deprtment) na mukhang no match naman sa kanya dahil unang set pa lang ay ang laki na ng lamang niya dito. Pagdating ng second set ay lumapit sa akin si May at umupo sa tabi ko.

"May, matanong nga kita, sabihin mo nga sa akin, nabanggit mo ba sa kuya mo na bading ako." Tumango siya.

"Yup."

A Campus StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon