CHAPTER 41

41.6K 1K 3
                                    

Scarlette's POV

Pikit matang inabot ko ang phone ko sa bedside table na mukhang kanina pa ata ring ng ring. Ang aga aga pa.

"Hello." inaantok kong sabi

"Good morning wife. Get up, we still have class." Masaya ata sya?

"Shit! Oo nga pala!" I heard him chuckled

"I'll fetch you there." Jarred

"Ok. Drive safely okay?"

Pagkatapos kong marinig ang sagot nya ay dali dali akong pumasok sa bathroom at naligo. Dumiretso ako sa dining hall at umupo sa dati kong pwesto pag kumakain.

"Walangya kayo! Why didn't you wake me up?" Tiningnan ko sila ng matalim.

Andito na kasi sila at naka gayak na. Tsk!

"Tinatamad kami eh." Alexis

I glared at her. Tsk! Hindi manlang nasindak .

"Young lady may bisita po kayo." A maid approach me.

"Let him in." Utos ko.

I'm sure si Jarred yan.

"Good morning asawa ko ." Malawak ang ngiting bati nya sakin sabay upo sa tabi ko.

"Good morning. Kumain kana?" I asked.

"Not yet." Naka nguso nyang sabi.

"Oh.." me

Sinubuan ko sya. Ang sweet ko noh? Haha. Maya maya pa ay natapos na kaming kumain.

"Hoy tara na malelate na tayo aba!" Venice

Tumayo na kami at lumabas na. Andun na pala yung tatlong kolokoy. Pagdating sa school, as usual all eyes on us. Bulag lang ang hindi titingin samin.

Pagdating sa room saktong dating din ng prof namin.

"Good morning class." prof

"Good morning." Bati din ng mga studyante sakanya.

"I have an announcement class. Since malapit na ang school festival, which is next week. We're having one week event for different sports and one week for different booths. Kayo ang pipili kung anong gusto nyong booth para sa department nyo." prof

Anyway ang course namin ay business management. It's obvious naman kasi lahat kaming walo ay tagapag mana ng business ng mga parents namin. Oh well sakin naman I already have our company. Sakin nakapangalan lahat ng properties ng mga magulang ko.

"Maam pwede wedding booth nalang samin?" Jenny, yung class president.

Nag agree naman lahat. Wala naman kaming pakealam jan eh at saka napaka corny ng mga ganyan. Dun kami sa sports. Yun ang pinaka gusto nila Venice at Alexis. Gusto din namin yun ni Gail, kaso mas hilig talaga yun nung dalawa.

"Okay wedding booth sainyo. Bibigyan ko kayo ng form para sa sasalihan nyong mga sports." Prof

Isa isa nya kaming binigyan ng form. Tiningnan ko yung mga naka lagay sa form at nagsulat na.

"Okay class may meeting kami ngayon so dismiss na kayo ngayon ng maaga. Good luck sainyong sainyong lahat. Good bye." prof

"Yes!"

"Thank you maam and good bye!"

"I love you na talga maam!"

"Uy anu sinalihan nyo?" Biglang sulpot ni Alexis sa may likod namin.

"Target shooting, volleyball, basketball, badminton, swimming, and track and field" sabay ngisi sakanila.

"Pareho tayo." Venice and Alexis

Tiningnan ko si Gail at tumango din sya. Pareho kaming lahat.

"Kayo anong sinalihan nyo?" me

"Basketball and soccer." Jarred

"Lahat kayo?" Gail

"Yeah." Naka ngiting saad ni Drake

Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Drake at ang gwapo ng loko. Bagay sila ni Gail.

"Ehem! Nagseselos na ako." Jarred

Bumaling ako kay Jarred at ngumiti. Pinisil ko ang ilong nya."Ikaw lang naman ang pinaka gwapo para sakin eh." Naka ngiting turan ko sakanya.

"Tara na, tara na. Kumain nalang tayo ang daming langgam oh." Alexis

Natatawang tumayo nalang kami at sumunod sakanya.

"Baby naiinggit ka ba? Sweet din naman ako ah." Vince

"Bakit ako maiinggit eh mas sweet pa tayo jan." Alexis

"Talaga? Pakiss nga." Vince

"Sure." Alexis

"Hoy bawal yan! Rated SPG." Natatawang asar ni Venice

"Kung maka rated SPG to. Mas malala pa nga kayo ni Luke eh." Alexis

Ngumisi lang si Venice at natatawang hinalikan sya ni Luke na lips.

PDA kung PDA talaga ang dalawang to.

Pagkapasok namin sa cafeteria. Pinag titinginan nanaman kami. Tsk!!

Umupo nalang kami sa table at kumain nung binili ng mga boys. Ganito naman lagi ang set up namin kapag kakain na kami dito.

"Asawa ko.."

"Hmm?"

"Tambay tayo dun sa condo ko mamayang uwian."

"Sure. Ano gagawin natin?"

"We will do the grocery the you will cook for me." He's smiling.

Hmm. Marunong naman akong magluto kahit papano eh.

"Sige." Sang ayon ko.

"Hoy ano yan. Kayo ah ang babata nyo pa." Alexis

"Manahimik ka jan!" Saway ko sakanya at inirapan sya.

"Gusto mo tayo din baby? Open lagi ang condo ko para sayo. Yieee."

Sinundot sundot pa ni Vince sa bewang si Alexis at dahil malakas ang kiliti ni Alexis sa bewang napahagalpak ito ng tawa.

"Hahaha stop it Vince!"

*BLAG*

Hindi sinasadyang natulak ng malakas ni Alexis si Vince at nahulog sa upuan.

Napahagalpak na din kami ng tawa ng makita ang itsura ni Vince na parang constipated na ewan.

Shit! Hahaha!

"Oh My God! Baby I'm sorry!" Alexis

Tinulungan nya na makatayo si Vince. Hahaha grabe ang epic ng mukha ni Vince eh.

"Kasi naman eh.." Vince

Napapalatak na tiningnan ko si Vince na mukhang batang paiyak na. Haha.

"Sorry baby kasi naman ikaw eh." Alexis

Tinuloy ko na yung pagkain ko ng mapansing naka tingin samin lahat ng tao sa cafeteria. Pft.

"Pare ilang isda ang nahuli mo?" Natatawang sabi ni Luke

"Pakyu ka!" Asar nyang sabi sa kaibigan.

Natawa ako ng makita ulit ang mukha ni Vince. Grabe!

"Wife ako nalang tingnan mo. Mas gwapo ako jan." Jarred

Nakangiting binalingan ko si Jarred ng tingin at sinubuan ng carbonara na kinakain ko. Seloso talaga ang lokong to. Napangiti ako.






To be continue~

GODDESS OF GANGSTER (COMPLETED) (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon