CHAPTER 60

34.2K 824 5
                                    

Scarlette's POV

Masigla akong kumakain ng mangga na sinawsaw sa ketchup ng dumating yung tatlo. Alas otso pa lang ng umaga. Bigla akong nagutom kaya bumaba ako para kumain ang kaso wala dito yung gusto ko kainin kaya lumabas pa ako ng bahay. Ayoko naman storbohin si Jarred dahil panigurado pagod yun.

"Ewww. What's that?" Alexis

"Baka manok?" sarcastic kong sabi

"Ang sungit mo. Ganyan ba talaga pag buntis?" Alexis

Nginisihan ko lang sya at tinuloy ang pagkain ko "Subukan nyo ni Vince para malaman mo." Sabi ko pagka tapos kong sumubo ng isang slice ng manggo.

"No way!" Pft.

"Oy penge naman ako Scarlette." naka ngusong sabi ni Gail

Hahaha. Ang cute ni Gail pero hindi pede. -___-

"Ayoko! Magpabili ka kay Drake." sabi ko habang nakasawsaw yung manggo sa ketchup.

Bigla nyang kinuha yung mangga ko na nakalagay sa maliit na plato at tumakbo palabas.

"Uwaaaahh! Ang mangga ko. Huhuhuhu!." me

"My gosh! Scarlette your voice is so nakakainis." reklamo ni Alexis na nakatakip ang kamay sa tenga

Iniripan ko sya at lumabas sa dining room. Narinig ko pang natawa si Venice. Hinanap ng mata ko si Gail at nakita sya sa sala na kinakain ang mangga ko.

Tiningnan ko sya ng masama ng tumingin sya sakin ng naka ngisi. Mabilis ko syang tinalunan sa sofa at inagaw sakanya yung plato.

"You witch! Give me back my mango!" sigaw ko kay Gail

Sinipa ko sya pero iniwasan nya lang habang naka kagat sa mangga. Sinipa ko ulit sya sa kamay kaya nabitawan nya yung plato pero hindi parin ako tumigil. Kinuha nya ang mangga ko. Huhuhu.

Sinipa nya rin ako pero inilagan ko lang yun kaya ang natamaan ay yung vase malapit sakin. Bumagsak ito at nabasag.

"Gosh! Bakit kayo nag lalaban?" Alexis, hindi ko sila pinansin.

"Shhh. Hayaan mo sila. Maganda to." rinig kong bulong ni Venice, bumulong pa eh rinig naman -___-

Kinuha ni Gail yung isang vase at binato sakin pero sinipa ko lang ito pabalik sakanya. Sinipa nya rin yun pabalik, this time iniwasan ko na kaya nabasag yung vase, pero wala akong pake alam, kayang kaya namin yan palitan.

"Woaah! Muntik na ako dun ah!" Venice

Nahagip ng mata ko yung nakakalat na dagger sa isang tabi kaya kinuha ko yun at hinagis kay Gail. Balewalang sinalo nya lang yun at hinagis din sakin pero naiwasan ko ito.

"WOAH! Anong nangyayari dito?"

Nilingon ko si Vince na hawak yung dagger na halatang sinalo nya kasunod nya si Drake, Luke at Jarred na nanlaki ang mata pagkakita samin.

"Watch out!" sigaw ni Jarred

Simpleng yumuko lang ako kaya diretso yung isa pang dagger papunta sa likod ko, lumingon ako ng konti at nakitang hawak ni Drake yung dagger habang nakataas pa ang kamay na parang nagulat. Pft.

Umayos ako ng tayo pero naramdaman kong may tatama pa sakin kaya yumuko ulit ako.

"Argh!"

Nagtaas ako ng tingin at lumingon na sa likod. Nakita kong sapo ni Vince ang mukha nya na namumula.

"Hahaha. Dude anyare sayo?" Jarred

"Lintek! Ang lakas ng sipa ni Gail." Vince

Nagtawanan na din yung iba pa. Naka ngusong lumapit si Vince kay Alexis na niyakap lang sya at hinalikan sa pisngi. Haha. Umayos na ako ng tayo.

"Ano ba kasing ginagawa nyo? Bakit kayo naglalaban?" Luke

"Kasi naman si Gail eh inagaw yung kinakain kong mangga kanina. Nag iisa na nga lang yun eh." naka pout kong sabi. Hindi naman talaga ako galit.

Kumunot ang noo ko ng nakatulala lang sila habang nakatingin sakin. Bakit?

"Tabi nga! Alam kong maganda ang asawa ko kaya wag na kayo matulala. Tingnan nyo ang mga girlfriend nyo." tinabig pa ni Jarred si Luke

Parang bigla naman natauhan yung dalawa.

"Babe ko, namiss kita!" Luke na hahalik sana kay Venice pero hinarang lang ni Venice ang mukha nya.

"What are you doing here?" Venice na naka simangot

Umi-english ang loka. Pft.

"Naiinggit kasi ako kay pareng Drake at Tristan eh. Gawa din tayo baby." Luke na naka ngisi

Pffft-- ang epic ng mukha ni Venice. Hahaha.

"Love okay ka lang ba? May dala akong mangga para sayo, buti nalang on the way na kami papunta dito ng mag text ka." malambing na sabi ni Drake

"Talaga?" parang batang tanong ni Gail

"Yup. Ang cute mo talaga." pinisil pa ni Drake ang pisngi ni Gail.

Naramdaman kong may pumulupot na kamay sa bewang ko. Tumingin ako kay Jarred na bigla akong hinalikan sa labi.

"I have something for you." nakangiti nyang sabi

"Really?" excited kong tanong

"Here."

Inabot nya sakin ang isang plastic. Tiningnan ko ang laman nun at napangiti ako.

"Wow!" Feeling ko naka heart shape na yung mata ko "thank you asawa ko." hinalikan ko sya sa lips at hinila sya sa couch.

"Ano nga palang ginagawa nyo dito baby?" Alexis

"Syempre dinadalaw namin kayo. Bakit ayaw mo ba?" tanong ni Vince

"May sinabi ba ako?" naka irap na sabi ni Alexis

Ginulo lang ni Vince ang buhok ni Alexis at niyakap.

"Nga pala Scarlette at Gail. Nice fight. Haha." Luke

Inirapan lang sya ni Gail. Napakamot nalang si Luke sa batok nya. Wahahaha! Bakit kasi sumisingit pa.

-----

Nag momovie marathon kami ngayon. Gabi narin at ang kakapal ng mga mukha ng mga lalaki kasi dito sila kumain, sanay naman na kami sakanila eh.

"Seriously Scarlette kanina ka pa kumakain ng mangga ah. Baka sumakit ang tyan mo nyan?" Venice

Inirapan ko lang sya.

"Sa nagugutom ako eh." Sagot ko.

"Ang weird mo talaga. Kanina pinaluto mo si Tristan ng kaning baboy tapos kinain mo tapos ngayon mangga sa ice cream?" Luke na natatawa

Sinamaan ko si Luke ng tingin. Badtrip to ah!

"Anong kaning baboy ang pinagsasabi mo?" malamig kong tanong.

"Woah! Easy." nakataas pa ang dalawang nyang kamay.

"Hindi kaning baboy yun. Ang sarap nga eh. Kayo kasi ang aarte nyo." naka irap kong sabi

Napangiwi sila ng sinabi kong masarap. Ano ba problema nila? Ang sarap kaya ng luto ni hubby

*pout*

"Stop pouting wife."

"Hubby diba masarap naman yung luto mo?" me

Napangiwi sya at alanganing ngumiti.

"Oo naman. Kaya nga naubos mo diba?"

Nakita kong nagpipigil ng tawa yung anim. Problema nila? Tss. Hayaan na nga. Basta para sakin masarap yung luto nya.





To be continue~

GODDESS OF GANGSTER (COMPLETED) (UNDER REVISION)Där berättelser lever. Upptäck nu