CHAPTER 36

43.6K 1.1K 12
                                    

Venice's POV

"Okay guys listen!" Malakas na sigaw ni Scarlette

Tumingin kaming lahat sakanya, andito kami sa mansion ni Scarlette kasama ang BIG.

"We have a mission." Seryoso nyang sabi.

"And?" Alexis

"Its about Luke's step dad, so alam nyo naman yung reasons diba? So, in this mission kasama natin ang Black Ice Gang." Scarlette

"WHAT?!" Alexis

Sabay sabay kaming nagtakip ng tenga. Ang OA naman kasi.

"Maka sigaw teh?" Pairap kong sabi.

"Sorry naman. Hehe." Alexis

"So obvious na yung reason diba? no need to explain it." Seryoso padin nyang sabi.

"Kelan natin gagawin?" Vince

"Next week." Tipid na sagot samin ni Scarlette

Tahimik lang si Luke sa tabi ko, alam ko ang nararamdaman nya ngayon at ganun din ako. Kaya sisiguraduhin ko na mapapatay ko si Peter Johnson. Pagbabayarin ko sya sa ginawa nya samin.

"Babe are you okay?" Luke asked in a worried tone.

Nilingon ko sya "Yes."

"Nanginginig ka." Luke

"Hindi na ako makapag hintay eh."

"Ako din naman eh. Don't stress yourself too much babe. Nag aalala ako." Titig na titig sya sa mata ko.

Niyakap ko sya at sumubsob sa leeg nya. I feel safe everytime na ginagawa ko to. Hindi naman sya nagrereklamo in fact gustong gusto nya nga to eh, yung naglalambing ako sakanya. Kahit sya sobrang lambing na nya sakin. Kumbaga doble yung pagiging sweet nya sakin.

..

..

Alexis's POV

"Bukas na natin pag uusapan yung plano natin. Magpapahinga na ako." Scarlette

"Wife can I stay here?" Tristan

"Why?" Kunot noong tanong ni Scarlette

"Nothing. I just missed you." Tristan

Geez! Namula pa ang loko hahaha! Kanina lang magkasama sila eh. Loko nitong si Tristan. Para paraan din minsan eh. Haha.

Sa totoo lang nakakatakot pala magalit si Tristan parang male version sya ni Scarlette. Cold na din sya sa mga tao, pero pag kami kami lang talo pa ang sampung taon na bata. Haha. He's so weet and caring to Scarlette. No doubt, he really loves her.

"Fine," bumaling sya sa mga kasama ni Tristan "pwede na kayong umalis kung gusto nyo kung ayaw nyo bahala na kayo jan. Let's go hubby." Saad nya bago tumayo at sumunod sakanya si Tristan.

Dumiretso na sila sa kusina. For sure, kakain nanaman ng ice cream yung dalawang yun. Lagi naman ganun yun pag andito si Tristan. Kaya hindi nawawalan ng stock ng ice cream ang ref dito sa bahay.

"Baby tara dun tayo sa garden nyo."

Nilingon ko si Vince saka tumango. Umupo kami dun sa swing, oo may swing dito dalawa lang ewan ko kung anong trip ni Scarlette at Tristan kung bakit nagpalagay ng swing dito sa garden.

Limang minuto na ang nakalipas at wala parin samin ang nagsasalita samin. Tahimik sya at tahimik din ako. Wala naman ako sasabihin. Nakakailang tuloy.

"Alex.." Vince

Nakatingin sya sakin. Parang hindi sya mapakali na ewan.

"Hmmm?"

Pumunta sya sa harapan ko at biglang...

O_O

Lumuhod

"Alam ko babaero ako pero simula nung niligawan kita nag bago na ako---" Vince

"Wait, wat the hell are you doing Vince? Tumayo ka nga jan." Saway ko sakanya. Kasi naman eh para syang ewan.

Hinawakan ko sya sa kamay at itatayo sana kaso makulit eh.

"Listen to me Alex please." He pleaded.

Hindi ko alam pero tumango nalang ako at tumingin sa mga mata nya. Napalunok ako dahil ang seryoso nang mukha nya.

"Alex... alam ko hindi ako perfect na lalaki pero kaya kong ibigay lahat sayo. Kaya kong iwan lahat para sayo. Alam kong natatakot ka kasi ayaw mong masaktan kaya nag aalangan ka sakin. Pero Alex mahal na mahal kita, hindi ko maipapangakong hindi kita masasaktan kasi part na yun ng relationship pero kapag nasaktan ka andito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Kahit masungit ka at maldita titiisin ko. Sabi ko sa sarili ko noon hindi ako magseseryoso ng babae kasi lahat sila manloloko pero nagbago yun ng nakilala kita. Unti unti mo akong binabago ng hindi mo nalalaman. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong mahalin ka." Lumunok sya habang titig na titig sa mga mata ko. "Alex I love you so much, will you be my girlfriend?" He said  without breaking our eye contact.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Masyadong sincere ang sinasabi nya to the point na naiiyak na ako. Tagos na tagos sa puso ang mga sinabi nya sakin. Hinawakan ko sya sa pisngi.

"Yes Vince." naka ngiti kong sabi habang tumutulo ang luha ko.

Tumayo si Vince at hinila din ako patayo and he hugged me tightly.

"Thank you Alex. Promise, I'll be a good boyfriend to you. I love you."

"I love you too Vince."

I'm so happy. May tiwala ako sakanya. Akala ko hindi na ako magmamahal ulit. Pero eto ako ngayon hugging the man I love. Wala naman masama kung magmahal ulit ako diba?

Grey, I know masaya ka para sakin. Sana masaya ka din kung nasan kaman ngayon.


______________________

A/N: kyaaah! May lovelife na si Alexis. Hahaha. What can you say readers? 😊😊

GODDESS OF GANGSTER (COMPLETED) (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now