Part 10: Kind Jane

En başından başla
                                    

Hindi ko sya pinansin, umalis na lang ako. Yan ang pampagulo ng araw ko eh? Baka bumalik sa pagka-bad girl ako dahil sa kanya... Papasayahin ko ang magulang ko hindi ang kuya kong sumbungero.


"Iniiwasan mo ako? Ayaw mo nang ayaw ah? Bakit mo kaya ako iniiwasan?" sabi nya, sinusundan nya ako kahit naiwas na ako eh?


"Alam ko na! (w/ ligt bulb) May gusto ka sakin ano?" Ang gwapo nyo kuya? Sorry ka, hindi ako mahuhulog sa mayabang, nakakainis at GGSS na tulad mo...


Hindi ko na sya sinagot. Kahit alam kong nababasa nya ang iniisip at saloobin ko. Pake ko sa kanya, at malamang sa alamang alam nya na ang dahilan kung bakit iniiwsan ko sya. MAng-maangan lang ang engkantong yan. Feelingero ba naman kasi eh?


Tumakbo ako bigla, tapos napunta ako bigla sa isang parte ng paaralan na hindi ko pa napapasok. Sa sobrang curious ko, pumasok ako doon. Madilim pero nung humakbang na ako sumindi ng automatic ang mga torch sa dingding. Halatang luma na ang lugar na ito...


Isang pinto nakita ko sa pinaka-dulo ng hallway na ito. Binuksan ko ang pinto, at sumilaw sakin ang napaka-liwanag na liwanag. Bigla akog hinigop nito... Napunta ako sa isang pamilyar na lugar pero di ko maalala kung saan ito... Nakikita ko ang sarili ko, yan ako noong bata pa ako ah?


"Tara laro tayo doon" sabi ng isang batang lalaki sa'kin.


"Sige, mukang masaya nga doon" sabi ko naman daw. Pinapanood ko lang sila...


Pumasok kami sa isang bakanteng lote, doon kami nag-laro. Tagu-taguan ang aming nilaro, nagtago ako sa isang aparador. Pero mag-iisang oras na hindi ko pa sya naririnig na nag-sabi ng "GAME!"


Kaya naman lumabas ako para konpirmahin na game na ba sya? kaso nilibot ko na ang buong bakanteng lote pero hindi ko nakita ang kalaro ko... Pumasok akong muli sa bakanteng lote, at may nakita akong isang babae na naka-itim na bistida. Hindi ko nakikita ang muka nya. Hindi pamilyar ang lugar, pangyayari, yung batang lalaki na kalaro ko daw? At lalo na itong babaeng ito. Wala akong maalala tungkol dito?


"Ate, nakita nyo po ba ang kalaro ko kanina?" Tanong ko daw?


Tinuro nya yung parang isang pinto...


At umalog nanaman ang buong paligid, at nahilo ako. Pagmulat ko ng mata ko, nasa bahay na ako. Nakikita ko ang sarili ko na nag-wawala sa loob ng kwarto ko.


"Open the door! Jane!" sigaw ni dad


"NO! Buy me guitar first" naalala ko pa ito. 10 years old ang ako nyan...


"Open the door!"


"Open the door!!!!!!!!!!!!!


"Jane!!!!!!!!!!!!!!"


Nag-iba na ang boses ni Dad, hindi na si Dad ang sumisigaw na yun. Nabalot ng kadiliman ang kwarto ko at nabalot na rin ng takot ang sistema ko... Umiiyak lang daw ako, nakikita ko ang sarili kong natatakot.


"Tama na!" Sigaw ko at napabalikwas, kaninong kwarto ito? Ilusyon pa rin ba ito? Sana totoo na ito, sana nakabalik na ako sa academy. Sinampal ko ang sarili ko.


*PAK!


"Totoo nga, yes! Nakabalik na ako.." nakangiting sabi ko


Biglang nakita ko sa gilid ko si Roger na nakatingin pala sakin... Alam kong nag-pipigil sya ng tawa, so what? Kinompirma ko lang naman ah? tsaka hindi ako psycho noh...


"Baliw ka ba?" akala ko tatawa sya, pero seryoso ang pagkakasabi nya nyan.


"Hindi" sabi ko, tatayo sana ako pero pinigilan nya ako eh? Kainis ang isang toh?


"Hey!" sama ng tingin ko sa kanya eh?


"Magpahinga ka na muna, hinatayin mo ang kuya mo dito" sabi ni Roger.


"If I---" shit! di ako pinatapos


"Hindi ikaw masusunod, salamat ka tinulungan kita" sabi nya


"Wala namang nanyari saking masama ah?" sabi ko


" Eh ano yung sinasabi mong nakabalik ka na?" sabi niya, aray! Bistado ka... Pero hindi ko pa rin sasabihin sa kanya noh?


"Wala yun. Nabaliw lang ako" sabi ko


"Penge nga tubig" sabi ko


Pumunta sya sa lamesa at nag-lagay ng tubig sa baso... Bale kukuhain ko yung baso pero sya pa nagpa-inom sakin. Hinayaan ko na, ako na nga pinagmalasakitan eh? Kaso gumanti ang loko, nilulunod nya ako eh? Kaya ayun naduraan ko sya sa muka... Kala mo ah?


"Yuck!" sabi nya sabay punas ng muka


"*ubo *ubo *ubo... Kasalanan mo..." sabi ko


"Aalis na ako" sabi ko, mukang wala namang ginawang masama sa katawan ko.


Lalabas na sana ako kaso may pahabol pa ang shong-shonga...


"Walang thank you?"


"Bakit ako magpapasalamat kung plano mo akong patayin? Ano ako tanga..." sabi ko at umalis


____________________________________________________________________________________


Ayan...


Thank's for reading...


Lab yah!


Magic SchoolHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin