Chapter 28 - Group Study-->Couple Study

Magsimula sa umpisa
                                    

*bzzzz* *bzzzzz*

Cellphone ko. Si Brett siguro yung nagtext.

"OI! Akin na nga yan!" Hinablot ni Renzo ang cellphone ko. Tapos itinaas nya para di ko maabot.

"BRETT?! HMmm." sabi nya habang binabasa ang text na para sa akin. Di ko pa rin talaga maabot. Ang tangkad nya kasi.

Para akong palakang talon ng talon dun.

"RENZO! Akin na sabi!"

"TEKA!---Ang Kulit mo talaga. Sure. Pupunta ako dyan." sabi ni Renzo. Binasa nya talaga. =_____=

Tapos binigay na nya uli sa akin ang cellphone.

"Bakit ganyan mukha mo?"

Nakasimangot sya.

"Bakit pupunta yun dito?"

"Sino? Si Brett? Aaahhh...secret na namin yun. :P"

NAKU! Scary na ang mukha nya. Mukhang effective.

"Selos ka?"

"AKO?! Tsk. NEVER!"

"Never ka DYAN!"

Tingnan lang natin.

"Sabay kaming mag-aaral dito. KAMI LANG DALAWA."

"Oh? Tapos?"

Weird. Hindi sya nagalit.

"Hindi ka ba nagagalit na makakasama ko sya?Kami lang dalawa dito sa unit ko?"

"No. Because I trust you. Ako lang ang love mo. Kaya kahit sinong lalaki pa ang lumapit sayo, ako pa rin ang hahanapin mo."

Kaya pala.

"YAN ANG MAGANDA SAYO, CONFIDENT!"

"DAPAT LANG!"

"Nga pala, hindi lang naman si Brett ang pupunta dito. Pati sina Paige, Audrey, at Ivy ay pupunta. Kaya...papuntahin mo na rin yung dalwa mong alagad."

"Bakit anong meron?"

Birthday ko. Birthday ko. Lels. Joke lang. Malayo pa ang birthday ko.

"Group study."

Andito na silang lahat. Dun kami tumambay sa sala ko.

Makakapag-aral kaya kami? Lalo na ngayong nagsama-sama pa. Kagulo to, mamaya.

Teka.

Group study ba talaga to?

O

Couple study?

Ako-Renzo Phei-Felix

Auds-Xavier Ivy-Brett

Ganyan ang tayo namin. May kanya-kanyang partner. At parang hindi rin kami makapgreview ng ayos.

"Eh...eto nga...mali naman yan eh! Tumingin ka kaya dito." -Audrey

"Nakatingin na nga." - Xavier

"Gago! Dun ka sa pinag-aaralan natin tumingin, wag sa akin. Para naman tama na yung ginagawa mo." - Auds

Nakakatuwa talaga ang dalwang to. Bagay talaga sila. ^___^

Napatingin naman ako kina Phei at Felix.

"Sino nga uli?" -Felix

"Ang alin? Yung Greek god?" - Phei

"Hindi. Yung mahal mo." -Felix

"Aaahhh...Justin Bieber." - Phei

Adik talaga si Phei kay JB. XD Eto naman kasing si Felix, hindi pa sabihing mahal nya si Phei. Ang torpe! Akala ko nga nililigawan na nya si Phei, hindi pa pala.

Bakit kaya? Mahal naman nya ang bestfriend ko. At ang laki ng pag-asa nya. Tsk.

"Brett. Filipino kaya ang aralin mo." - Ivy

"Oo nga. Turuan mo ako." - Brett

"Sure. Basta turuan mo ako sa Physics." -Ivy

"Eh? Mahirap yun. Pero ok." - Brett

Eto namang dalwang to. Hmmmm. Close sila. Agad? Sana madevelop sila. Para masaya.

At kami ni Renzo...

"Paano nga kuhanin yung number 4?" tanong ko.

"Top 2 ka last year pero ba't ang hina mo sa math?" -Renzo

Bakit nga ba? Si Math naman kasi! Lagi ng hinanap ang X nya. Hindi pa ba sya nakakamove on?

Pati kaming mga estudyante ay pinapahirapan nya. Tapos kami pa din ang magsosolve ng mga problema nya.

Haist.

"Hindi ako mahina! Magaling ka lang sa math." sabi ko.

"Sadya. Pero turuan mo ako sa ibang subjects."

"Eh LOKO KA! Syempre tuturuan kita. Pag bumagsak ka, wala akong extra credits."

"Extra credits lang ata habol mo sa akin. You only love me because you need me."

Nagdrama na naman sya. Makiride na lang.

"I need you because I love you."

Tunay naman.

"Drama natin, Leighpots. Aral na nga, tayo."

Dahil ilang oras kaming nag-aral, inabot na kami ng hapon. Kaya kaming mga girls, nagluto kami ng tanghalian kanina.

At ngayon, dinner naman. Seven o'clock na yata.

"Ako na lang ang magluluto." sabi ko sa kanila.

Nagpunta na ako sa kusina. Silang lahat nandun sa sala. Nanunuod ng TV. Hanu ba yan?

"LEIGH! YUNG FAVORITE NATIN, HA?" sigaw ni Renzo.

"Wag ka ngang sumigaw. Oo na. Yun na lang uli."

Sila --> Hindi maintindihan ang pinag-uusapan namin.

Kayo ba? Alam nyo kung anong favorite naming ulam?

Luto. Luto. Luto. Luto. Luto. Luto. Luto. Luto.

Inihayin ko na sa lamesa. At tinawagan sila.

"Kaya pala amoy adobo." sabi ni Ivy.

"Eto ang favorite nyo?" sabi ni Phei.

"Baka naman hindi to masarap, Cassie." biro ni Xavier.

Tumingin ako kay Renzo. Nilalantakan na pala yung niluto ko. Ang takaw nya talaga sa adobo ko.

"Masarap yan. Tingnan nyo si Renzo. Kanina pang kumakain."

Sabay sigaw ni Renzo ng "WEW! ANG SARAP TALAGA. Bukas uli, Leigh."

O________O <---- kami yan

Ang bilis ata naman nyang kumain. Hindi pa kami nakakapagsimula.

"Ang bagal nyo." sabi ni Renzo.

"Mukhang suki ka rito araw-araw ah." sabi ni Brett.

"Kaya nga. Kulang na lang dito ako tumira. Lagi kasi akong nandito."

"Ako rin. Sa kanila dati." sabi uli ni Brett.

(¬_¬) ~~~~~~~ (⌐_⌐)

Renzo Brett

Hmmm. Ano to?

Parang may electricity sa pagitan nila.

Tsss. Dumali na naman tong dalawang to. 

Sorry, I've Fallen For You (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon