Chapter 6 - Huh?

11K 111 4
                                    

Now a published book under LIB. Php 129.75. Available in all Precious Pages stores nationwide and soon on other bookstores. 

For more updates, visit LIBOfficial in Facebook.  



Chapter 6 - Huh?

Cassie's POV

"Wag ka aabsent. Kitakits na lang bukas."

Ako?

Aabsent?

No way.

Kung sya lang din ang dahilan.

Basta, masaya ako ngayon.

Kasi nakita ko na ulit si Brett.

Nung makalawa pa daw sya nakauwi dito sa Pilipinas. Kasama ang mommy nya. Naiwan yung dad nya kasi may trabaho dun na hindi pwedeng iwan. Tapos kanina eh pumasok na nga sya sa school namin. Di ko alam na magkatabi lang pala ang room namin.

Di ko man lang sya nakita kanina.

Tinanong ko kung bakit bumalik sila dito sa Pinas.

Kaya lang di sya sumagot.

Bakit kaya?

Makapag-fb na nga lang.

Maaga pa naman eh.

9:00 pm.

Pagbukas ko, daming notifications.

Tapos nakita ko.

Brett Andrew Sevilla posted on your wall.

"Kulit! Imishoo... hehehe... kita na lang tayo bukas sa school...^__^"

WOOOOOOW!!

Kaya pala sabog ang notifications ko.

Ang daming naglike.

Kilala ba nila si Brett?

"Cassie! Sino tong Brett? Kaw ha."

"Uy pogi ah. Single ba?"

Ganyan ang mga comment nila.

Nag-offline na ako sa chat kasi alam kong madaming mangungulit tungkol kay Brett.

Bakit ba naman kasi ang pogi mo?

Nakakabored.

Tapos maya-maya ay may nagpost sa wall ko.

"HUY MS.SUNGIT! YUN BANG BRETT ANG KASAMA MO KANINA?"

Si Renzo. TT_TT

Tantanan mo ako.

Kaya lang di ako makatiis.

Nagsulat din ako sa wall nya.

"BA'T BA? ANO NAMAN SAYO!"

Maya-maya eh, nagpost uli sya sa aking wall.

"WALA LANG. BORED LANG AKO."

Ah ganun.

Bored lang sya.

"BORED! KANINA KA PANG BORED AH! KANINA MO PA TINATANONG YAN SA AKIN!"

Ang kulit kasi.

Ano bang nakain nito?

Bigla na lang akong kinunukulit.

Dati naman eh hindi ako kinakausap nito.

"CHAT NGA TAYO!"

Chat?

At ano namang pag-uusapan namin?

Mga babae nya?

"AYAW KO! WAAAAAAAAHHHHHHH! FEELING CLOSE! TANTANAN MO AKO!"

Tapos nun, di na sya nagpost.

Hahahahaha.

Masunurin naman pala eh.

Makapag-online kaya?

Hala.

Wag na nga.

Online sya eh.

"Ehem. I smell something. Cassie Atienza at Renzo Macatangay."

AUDS! Luka mo!

WAAAAHHHH!

Nakatag pa kami.

Ayaw ko na!

Suko na ko.

Naglog-out na ako.

At natulog.



Renzo's POV

Sino ba kasi yung Brett na yun?

Sya siguro yung kasama kanina ni Sungit.

Anong meron sa kanila?

Nakipagwall-to-wall ako kanina kay Sungit kaya lang parang sigawan lang.

Kaya tinantanan ko na din sya.

Nainis siguro.

Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito.

Kanina ko pang kinukulit sya kung sino yung lalaking yon.

Ano nga bang paki ko?

Di naman nga kami close.

Bakit parang masyado akong natutuwa na kulitin sya?

Anong bang nangyayari sa akin?



Brett's POV

Nakita ko at nakausap si Kulit kanina.

Namiss ko talaga sya.

At hanggang ngayon,

sya pa rin.

Sya pa rin ang mahal ko.

Akala ko nakamove on na ako sa kanya kaya lang nung makita ko sya kanina,

parang biglang bumalik lahat ng feelings ko para sa kanya.

Ilang taon ko din syang di nakita.

Ilang taon ding di nakausap.

Sya ang first love ko.

Ako rin daw yung first love nya.

Pero hindi naging kami noon.

Hanggang bestfriend na lang talaga.

Pero ngayon.

Siguro may chance na ako sa kanya.

Hindi ko na uli sya pakakawalan.

Sorry, I've Fallen For You (Published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon