Sa loob ng eroplano, muli kong binalikan at tinanaw ang mga magagandang pangyayari sa buhay ko. "Lord, sobra sobra po ang regalo ninyo sa akin. Maraming salamat po sa lahat lahat" maluha luha kong sambit sa aking isipan. "Natatakot po akong masaktan at alam ko pong ang pag ibig na ito ay bawal sa mata ng mga di makaunawa, pero alam ko po na bigay nyo po siya sa akin, kaya gagawin kop o ang lahat manatili lang kami sa isa't isa" dugtong ko sa aking tila maikling panalangin.

Kitang kita ni James ang pag agos ng luha mula sa aking mga mata. Inilapit nya ang aking mukha at isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat. Hawak hawak nya rin ang aking mga kamay at may mga ilang beses din nagnanakaw siya ng halik upang ipadama ang labis niyang pagmamahal.

Ilang oras din ang aking itinagal sa pagkakalapat ng aking ulo sa kanyang balikat. Habang tuloy naman ang eroplano sa pag andar sa ere bahagya akong nakaramdam ng pananakit ng puson. Dahilan upang tunguhin ko ang lavatory, katulad ng dating reaksyon medyo nahihilo dahilan upang masagi ko ang isang babae nakaupo sa hulihang bahagi bago ang lavatory. Natumba ako sa pagkakatayo ko na dahilan din upang mapahawak ako sa kanyang dibdib. Ngunit imbes na magalit ang babae ay iniangat niya ang kanyang katawan upang ako ay alalayan.

Maganda ang babae, matangkad, maputi, bilugan ang mukha, makinis ang balat at maihahalintulad sa isang artista. Napag alaman kong pinay siya dahil nagsalita siya ng tagalo. "Kamusta pakiramdam, mukhand di ka pa sanay sa eroplano ah!?" mangiti ngiting nyang tanong. "Naiihi kasi ako at nahihilo di ko nga maintindihan ang pakiramdam ko eh mukhang may hangin na pumasok sa tenga ko" sabi ko naman. Kumaway siya ng bahagya, dahilan upang mapukaw ang atensyon ng flight attendant.

Narating ko ang lavatory at kaagad nagpakawala ng ihi na kanina ko pa iniipo sa aking pantog, bukod sa kilig na dama ko kagabing magkasama kami ni James ay siya ring kilig na unti unti kong pinipigil sa sarili ko habang umiihi. Lumabas ako ng lavatory at nandun pa rin ang babae.

"Are you now ok?" sambit nito "I'm Marta Fontanilla" sabay abot niya ng kayang kamay. "Napthanael" matipid ko namang tugon.

Mula sa aming kinatatayuan at inalalayan nya pa rin ako patungo sa aming seat area ni James. nakita ni James na may kasama akong babae. "Tart" si James. "Ano ang nagyari sa iyo?" dugtong niya. "Medyo natumba siya sa upuan ko kanina habang patungo sa lavatory" pagpapaliwanag naman ni Marta. Kaagad naman akong inalalayan ni James upang makapwesto na muli sa aking upuan.

Sa mga pagkakataong iyon, nakita ko si Marta na nakatingin kay James. nawala ang kanina lamang na atensyon ay sa akin nakatuon. "I'm Marta" sabit nit okay James. hindi naman siya nilingon ni James at ibinaling pa rin ang kanyang atensyon sa akin.

Habang nakatayo si Marta nakita ko ang inis sa kanyang mukha, inis na nagudyok sa kanya upang lisanin kami ni James.

Ilang saglit pa ay dumating na ang dinner namin na hila hila ng attendant. Matapos naming kumain ay nagrequest si James sa mga attendant ng blanket, rose tea and syempre white flower upang makalma ang aking pakiramdam.

Ilang saglit pa ay nakatulog ako na nakasandal pa rin sa kanyang mga braso.

"Please fasten your seatbelt as we are now taking off in a few minutes" sabi ng boses mula sa speaker ng eroplano. Bahagyang itinayo ni James ang aking mukha at tapikin ako senyales na humanda na sa aking pwesto sapagkat bababa na ang eroplano. Hindi ko namanlayang 8 oras akong nakatulog. Tinignan ko ang aking relo at medyo naguguluhan. "James kanina lang umaga pa ah, dalawang oras lang ang pagitan gabi na ulit?" tanong ko na medyo maypagtataka. Nakita ko naman syang napangiti sa aking katanungan. "It's alright TART, dib a nga may tinatawag tayong international date line? Kahit umaga pa sa pinanggalingan natin nag iiba ang oras at panahon dahil sa lugar na pupuntahan natin" mamangha mangha kong dinig sa kanyang pagpapaliwanag.

"At last we are now here in our destination" say ni James. kaagad naming tinungo ang baggage area upang simulan ng kuhanin ang aming bagahe. Nagulat na lang ako ng sumulpot si Marta sa aming likuran at nasa tabi ni James.

"Saan kayo dito sa US?" sabi ni Marta. "we are on a business trip going to Dayton, representative kami ng company sa site nay un" sabi naman ni James habang abala sa pagpulot ng gamit.

"Oh my God, is that JexisBexis?" sabi naman ni Marta. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang tinig na iyon. "Yes, it is" tipid na tugon ni James. "parehas pala tayo ng pupuntahan representative din ako ng company naming to go there" say ni Marta. Bukod pala sa main office na nasa Parañaque naalala ko pala na may branch pa pala kami sa Quezon City. "Are you from QC?" sabi ko naman. Ngumiti lamang siya na parang di interesado sa tanong ko.

"Mainam pala at mag kikita tayo sa site" sabi ni Marta. Ngunit kaagad ng kinuha ni James ang mga bagahe naming at tinungo ang labas ng airport.

Sa labas ng airport may representatives na sumalubong sa amin. Kitang kita ko ang banner na ginawa nila nakasaulat (Welcome to Dayton James and Nap) na siya naman naming ikinatuwa ni Nap. Sa wakas nakarating din kami ni James sa aming destinasyon.

Ano kaya ang mangyayari kila Nap, James at Marta? Ano kaya ang pwedeng manyari sa loob ng anim na buwan nilang pananatili sa site ng office nila abroad? Well guys pagagandahin natin ang istorya. Salamat sa mga nag add ng kwento ko sa kanilang library at nag vovote na rin at iprinopromote ang aking kwento. Inspired ako kila Onomatopoea, sa writer ng Munting Lihim, ang kapitbahay, friendzone, be boys, si Kuya, love me like I am and he fell inlove. Sobra akong inspired sa mga kwento nyo n asana baling araw sa paglipas ng panahon eh maabot ko rin ang mga narrating ng kwento nyo. thanks

Sarap sa Unang Lasap (boyxboy)Where stories live. Discover now