Pagkatapos ko gawin lahat ng assignment ko ay humiga na ako. Habang nakahiga ay tinitingnan ko ang cellphone ko. Password, password, password. Anong password ba? Tiningnan ko ang wall clock sa kwarto ko, 8:00 na. Hindi pa ata nagtatawag si Nanay Rosa para maghapunan. Bumangon ako nang may kumakatok sa pinto.
"Loujille? Anak?" Binuksan ko ang pinto at nakita ko si nanay Lyn na hawak ang telepono. Iniabot niya sa akin ang telepono at sinabing si mama ang nasa kabilang linya.
"Hello ma? . . Ganun po ba?. . Sige po, mauuna na ako. . . Ingat po kayo. . . Opo opo. . Babye po." Binaba ko na ang telepono at bumaba na rin para maghapunan. Naabutan ko si nanay Lyn sa sala at iniabot ko sa kanya ang telepono.
"Nay Lyn, may luto na po ba?"
"Paluto na siguro 'yun anak. Kaunting pakulo na lang. " sagot sa akin ni Nanay Lyn.
"Sige po. Sabay-sabay na tayo kumain, nay." Pumunta kami sa kusina at nadatnan namin si Nanay Rosa na nagluluto.
"Hindi ba uuwi sina ma'am at sir?" Tanong ni nanay Lyn.
"Late na raw po sila makakauwi, eh. Kaya mauuna na akong kakain. Dito na lang po tayo kumain." sagot ko habang pinapanood ang ginagawa nilang pagluluto.
"Sige, anak. Kaunting pakulo na lang at pwede na 'to." ani Nanay Lyn. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa bar counter saka inilabas ang cellphone ko. Ito na naman tayo sa password.
"Nanay Rosa, nanay Lyn, ano po ang ginagamit niyong password" tanong ko sa kanila. Baka makakuha ako ng idea para sa password.
"Ako, anak? Hindi ako naglalagay ng password. Kasi walang password dito sa cellphone ko." Nilabas ni nanay Lyn ang cellphone niyang 1100 ba 'yun? Basta lumang model na cellphone.
"Eh, ikaw, Nanay Rosa?"
"Number ang password ko, anak." sagot ni nanay Rosa habang nagluluto.
"Edi hindi madali mahulaan 'yun, nay?" paninigurado ko.
Number na nga lang din ilalagay ko. 'Yung birthday ko na lang.
"Oo naman. Kasi hindi related sa akin." sagot ni nanay Rosa.
Hindi related? So it means hindi pwede 'yung birthday? Ano ba yan! Nakita ko si Nanay Lyn na naghahain na. Luto na pala 'yung ulam.
"Dapat po ba hindi related?" tanong ko pa kay nanay Rosa. Umupo na sila at nagsandok na ako. Di ko na sila hinintay na paghainan ako.
"Oo, anak. Kasi madaling mahulaan kapag ganun. Sabi nga, wag gagamitin yung pangalan o di kaya birthday. Common na kasi yung mga ganun." paliwanag ni Nanay Rosa.
Talaga, may sinabi bang ganun? 'Di ko alam, ah. Buti na lang at na-inform ako ni Nanay Rosa.
"Sabi pa nga nila, mas maganda raw kung combination ng word at number." pahabol pa ni Nanay Rosa. Tatango-tango lang ako habang kumakain. Edi mas lalong makakalimutan ko 'yun, kasi mahaba na 'yun kapag word at number.
"Sige po, susubukan ko."
Pagkatapos namin kumain ay niligpit na ni Nanay Rosa ang pinagkainan namin. Umakyat na ako sa kwarto para makapag-isip ng password ko. Inayos ko muna ang gamit ko para bukas at ginawa ang ritwal bago matulog. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame habang hawak ang cellphone ko. Ito na naman tayo sa password. Pagulong-gulong na ako sa kama at hindi pa rin ako makaisip ng password. Pinikit ko ang mata ko baka sakaling makapag-isip ako ng password. Hindi dapat related. Hindi related. Bigla kong naalala 'yung nangyari kanina. Naalala ko 'yung mukha niya. 'Yung ang lapit ng mukha niya habang hawak-hawak niya 'yung cellphone ko. 'Yung mukha niyang nakakapagpatulala sa akin simula nung makita ko siya sa kotse. At dahil sa kanya ay namomoroblema ako sa password ko. Bumangon ako sa pagkakahiga.
CITEȘTI
Austria Academy (COMPLETED)
Ficțiune adolescențiWELCOME TO AUSTRIA ACADEMY! Sa paaralang ito magtatagpo ang landas ng dalawang estudyante. Isang nagmamahal. Isang may minahal. Umibig, nasaktan at umiyak. Si Loujille na gagawin lahat para maging happy ending ang one sided love niya. Pero hanggang...
