"Tatay Jun, hanggang 12 lang pala ang klase ko ngayon." Paalala ko kay Tatay Jun, ang driver namin, habang tinitingnan ang schedule ko.
Kung iniisip niyo ay napakabait kong bata dahil nagpapasundo ako pagkatapos ng klase ay nagkakamali kayo. First day ko kasi sa bago kong school dahil kakalipat lang namin ng bahay.
"Sige anak, i-a-alarm ko 'yung cellphone ko para hindi ko makalimutan." Sagot naman ni Tatay Jun. "Sige po tay."
Tatay ang tawag ko sa kanya dahil nakagawian ko na. Kahit sina papa at mama ay tatay ang tawag kay Tatay Jun. Ayaw nilang ipatawag na manong o yaya ang mga kasamahan namin sa bahay. Sabi nga, kasama namin sila sa bahay at ang bahay ay binubuo ng pamilya. Kaya pamilya na ang turing namin sa kanila.
"Naku anak, traffic pa ata. Mukhang may nagkabungguan sa banda roon"
"Ano ba naman 'yan, tay, unang araw pa lang mukhang male-late pa ako."
"Hindi bale anak, gagawa ako ng paraan para makasingit"
"Salamat, tay."
Habang nag-iisip si Tatay ay binaling ko muna ang tingin ko sa bintana. Napatingin ako sa isang kotse na katapat ng kotse namin. Hindi naman ganoon katinted ang salamin ng bintana ng kotse niya kaya agad ko rin nakita ang tao sa loob. Nakita ko ang lalaking nakaupo sa back seat nito na mukhang tahimik at malalim ang iniisip. Mukha siyang matalino at mayaman. Mababakas din sa mukha niya na may pagkastrikto at mature mag-isip. Maputi siya at bagay sa kanya ang medyo brown niyang buhok. Siguro may pagka-cool din siya o hindi kaya music lover dahil naka-earphone siya. At higit sa lahat gwapo. Iwinasiwas ko ang dalawa kong kamay sa hangin para mawala ang iniisip ko.
Ano ba 'yan. Wag kang kumire diyan Loujille. Papasok ka pa, oh. Nakakaano ka na eh, ha.
Ano kaya ang pinapakinggan niyang music? Teka, parehas kami ng uniform. Tiningnan ko 'yung coat ko at hindi nga ako nagkakamali, parehas nga.
Paglingon ko uli sa bintana ay wala na 'yung kotse niya. Tiningnan ko 'yung lane kung saan nakahinto 'yung kotse nila kanina at nakaungos na ang mga kotse. Siguro ay naalis na 'yung nagkabungguan.
"Nakaalis na? Ang bilis naman?"
"Sino anak?"
"Ay, wala po, tay."
Umandar na rin ang kotse namin at iniisip ko pa rin ang mukha nung lalake. Nakabisado ko agad 'yung mukha niya. Witwiw!
Mukhang ang lungkot niya. Dahil siguro sa pinapakinggan niyang music? Ganun naman kapag nakikinig ka ng music, di ba? Minsan sa sobrang feel na feel mo ay nadadala ka na. Ako nga minsan ay napapaiyak, eh.
"Nandito na tayo, anak. Ingat ka. Goodluck sa iyo." Binuksan na ni Tatay Jun ang pintuan para lumabas ako.
"Salamat, tatay. Ingat din po kayo. 'Wag niyo po kalimutan, 12 po uwian ko." Paalala ko kay Tatay Jun. Nginitian niya naman ako bilang assurance.
"Austria Academy." Basa ko sa gate ng school. Tiningnan ko 'yung logo sa coat ko. Austria Academy, tama naman. Baka kasi nagkamali ng paghatid sa akin si tatay Jun, eh.
Pagpasok ko sa loob ay napa-OMG na agad ako. Malaki ang school na 'to kumpara sa school ko dati at syempre dahil mayaman ang mga nag-aaral dito ay may pagkamodern na ang kagamitan dito. Nawala ang pagkamangha ko sa school na ito nang may magsigawan. Napatingin naman ako sa kaliwa at may napansin akong kumpulan.
Ano kaya ang meron sa bagong dating na kotse na 'yun at halos takpan na ng mga babae?
"Nandyan na siya!" Sigaw ng isang babae na halos mapatid na ang litid sa kakasigaw.
YOU ARE READING
Austria Academy (COMPLETED)
Teen FictionWELCOME TO AUSTRIA ACADEMY! Sa paaralang ito magtatagpo ang landas ng dalawang estudyante. Isang nagmamahal. Isang may minahal. Umibig, nasaktan at umiyak. Si Loujille na gagawin lahat para maging happy ending ang one sided love niya. Pero hanggang...
