Chapter 7

41 4 0
                                        

Chapter 7: Raphael Dafas

--

"Kienne Lheqsi??!"

Awtomatiko akong napalingon sa tumawag sa akin at nagulat ako ng yakapin niya ako ng sobrang higpit.

Tumikhim naman si Luke dahilan para bumitaw sa akin yung lalaking nakayakap sa akin.

Tinignan ko siya at nakita kong naka uniform na pambasketball siya. It means kasama siya sa mga makakalaban nina Ice.

"Hindi mo na 'ko kilala Lheqs??" tanong niya.

Tumango naman ako. Ngumiti siya. "Ako 'to, si Raphael Dafas." sabi niya.

Loading...............

"Raph??!" sigaw ko.

Tumawa naman siya sa inasta ko. "Oo, haha. Musta ka na?" tanong ni Raphael.

Nakaklase ko siya nung elementary ako. At naging crush ko siya nun. Pero crush lang. Ngayon wala na no. Pero lalo siya gumwapo at tumangkad ngayon!

Nagulat ako nang biglang may sumagot mula sa likod ko. "Ok lang pare."

Nilingon ko siya. Si Monster ang sumagot! Huh? Baliw ata 'to! Ako yung tinatanong! Assuming!

"Monster, ako--"

"Bumalik ka na sa bench mo. Malapit ng magsimula ang laro." sabi ulit ni Monster.

Tumabi sakin si Cavyl. Pinang-gigitnaan ako ngayon ng dalawang kapre.

"Ah. Sige. Lheqs, mamaya nalang ulit tayo mag-usap?" sabi ni Raphael.

Tsk! Sayang, nagkakamustahan na kami kaso sumingit pa tong Monster na 'to.

"Oo, sige Pare." sabi naman ni Cavyl.

Anak ng? Ako yung kinakausap e! Tsk. Type siguro nila si Raphael. Tsk, tsk. Sabagay, gumwapo kasi si raph eh.

Pagka-alis ni Raphael agad kong nilingon si Monster.

"Hoy, Monster. Hindi naman---"

Anak ng! Bigla na lang umalis kahit 'di pa ako tapos kumausap sa kanya!

Iniharap naman ako ni Cavyl sa kanya. "Sino yun?" tanong niya.

Aysus! Baka mamaya niyan kunin na niya number ni Raphael sa akin. Haha. Wag kang mag-alala Cav, ipapakilala kita sa kanya. :)

"Ah, si Raphael Dafas yun. :)" sabi ko.

Tumabi naman sa kanya sina Gab, Luke, at Dew.

"Kaano-ano mo?" tanong ulit niya.

"Ex---"

"Ex-boyfriend?????????!!!!" sabay-sabay na tanong nilang apat.

Dahil 'don napatingin si Monster sa akin at matalim ang mga titig niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi, ex-classmate! Hahaha." sabi ko.

"Ahh. Ok." sabi naman ni Cavyl at umupo sa bench.

Siguro kung ex nga ako ni Raphael sasabunutin ako ni Cav! Hahaha. Sayang gwapo pa naman siya.

"Sayang, edi sana mas lalong magiging mahigpit ang laro. Haha." sabi naman ni Luke.

"Pansin ko lang ah. Kanina ka pa tawa ng tawa diyan." sabi naman ni Eia.

"Haha.."

"Tch. Tara na nga upo na tayo dahil magsisimula na ang game." sabi niya.

Pagkaupo namin tinanong niya kung sino si Raphael. Kinwento ko na man sa kanya lahat maliban lang sa naging crush ko siya noon. Nakakahiya kaya. >///<

"Ahh.. Pakilala mo naman ako, haha. Ang gwapo niya," sabi ni Eia.

Hindi ko na siya sinagot dahil nagsimula na ang game.

Nung nag-jump ball na napunta kay na Monster yung bola. Naisip ko lang, magaling kaya talaga silang mag-basketball? So ano 'to? Required lang sa pag-babasketball ay gangster?

Halos mabingi ako sa tili/sigaw ng mga babae dito.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!!!!!! ANG HOT NI PRINCE!!"

"OMEGESH! GWAPO!"

"CAVYL! PAKASAL NA TAYO!! HIHIHIH,"

Nahagip ng mata ko ang mata ni Monster na tumingin sa akin bago pina-shoot ang bola sa pwesto niyang pang-three points.

"OMG! Tumingin si Ice sa'yo girl!"

Napalingon naman ako sa likod ko at nalaman kong nandon din sina Cxandi. Lumipat sila ng pwesto?

Pero ano? Sa kanya tumingin si Ice? Sabagay, alangan naman sakin diba.

Naging mahigpit din ang laro dahil parang pinagtutulungan ata nila si Raphael. At parang yung mga ibang Crushers hinihintay lang na pasahan sila ng bola nina Cav at Monster.

Nung nag-half time na bumalik sa kanya-kanyang bench ang mga koponan. Wow! 'Koponan!' Big Word.

"Ano? Magaling ba akong maglaro?" tanong ni Cav ng nakangiti.

Ngumiti din naman ako. "Oo, Ang galing mo nga! Haha!"

"Thank you!" sabi niya at nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Ehem! Ehem!" sumingit naman si Luke kaya humiwalay na si Cav sa akin. :(

Sayang! Ang bango pa naman niya! Hahaha.

Ngumiti naman ako. "Welcome."

"Pag-cheer nyo naman kami." Request ni Luke.

"Sige ba!" pag-sang ayon naman ni Eia.

"Sa lahat ng mga sinabi mo 'yan ang nagustuhan ko." sabi naman ni Luke kay Eia.

"Edi magpa-fiesta ka!" sabi naman ni Eia. I smell something........malansa! Haha.

"Pag-cheer mo'ko ah."

Nilingon ko si Cav dahil sa sinabi niya. "Sige ba. :)"

"Oh tama na yan. May nagagalit na dragon dito." sabi ni Luke at tumawa.

Huh? "May dragon dito Luke?!"

"-_- Oo, kaya kapag hindi kapa tumahimik dyan, talagang makakakita ka ng dragon. Hahaha!"

"Tch."

Kilala nyo naman siguro kung sino yun diba?

>>>>>>>>

Cold Gangster Vs. Innocent PoserWhere stories live. Discover now