Chapter 27

59 6 1
                                        

"Kyaah! Goodmorning Koreaaaa!" Sigaw ko at umupo sa kama sabay taas ng kamay ko para mag-inat.

Wow. Ang ganda pala talaga ng view mula dito sa kama ko. Kitang kita ko yung labas at yung langit na maganda na kasing ganda ko mula sa mga salaming bintana. Wala na nga akong balak lagyan ng kurtina kaso baka mamaya sobrang sikat ng araw kaya dapat takpan ko rin yung bintana dahil baka mabulag ako. Echos ko lang yun haha.

At dahil nasa mood akong mag-jogging, agad akong nagbihis ng pang workout na outfit at sinuot yung isang sa mga shoes na regalo ni kuya sakin.

After nun ay lumabas na ako at ni-lock ang pinto. Bigla ring lumabas yung nasa tabi kong unit. Lalaki at mukhang may balak din mag-jogging. Napatingin siya sakin at tsaka ngumiti.

"Hey, ikaw siguro yung bagong lipat." Ngumiti rin ako at tumango.

"Yeah. I'm Park Bom by the way." Naglahad ako ng kamay sa kanya na agad niya namang tinanggap.

"Kim Junmyeon at your service pero Suho nalang yung itawag mo sakin." Woah, nakakalito yun ah? Junmyeon ang pangalan niya pero Suho ang palayaw niya. Saan galing yun?

Nakasakay kaming dalawa ngayon sa elevator at randam kong tinititigan niya ako kaya tumingin na ako sa kanya.

"May problema ba?" Lalong lumapad yung ngiti niya.

"Wala naman. May boyfriend ka na ba?"

Tumango ako,"Meron." Bakit bigla niya yun tinanong?

"Ah...walang forever. Pero satin meron." Akala niya di ko narinig yung bulong niya? Lul. Neknek niya. Anong "pero satin may forever"???

"Ha? Di kita gets." Tumawa siya ng mahina at umabante ng konti dahil bubukas na yung pinto ng elevator.

"I wanna court you." Sabi niya sabay kindat. Bumukas na yung pinto at agad siyang lumayas.

Court?

Sabing may boyfriend na eh -___- di niya ba naintindihan yun?

Lumabas na rin ako at binati yung ilang personnel dito sa may lobby.

...

Pagkatapos mag-jogging, pumunta ako sa Starbucks na nasa tabi ng Yuan Med at agad kong nakita si Yixing kaya pagkatapos kong mag-order ay umupo ako sa harap niya.

"Morning, Yixing!" Masigla kong bati sa kanya. Natigilan siya sa pagbabasa nung libro na hawak niya at tumingin sakin.

"Oh, Bommie, goodmorning din sayo. Buti at nagkita tayo ngayon. Kamusta na? Okay ka na ba? Wala ka na bang trauma?"

"Mmm...konti? Pero may therapy naman ako every saturday kaya medyo naiibsan din. Ikaw Yixing kamusta ka?"

"Eto, subsob sa trabaho pero ngayong nakita na kita ginanahan na akong magtrabaho."

"Ganun ba? Wag kang mag-alala, bibigyan kita ng isang picture kong malaki. May frame pa nga kung gusto mo tapos sabit mo dun sa office mo para ganahan ka na araw araw." Biro ko at tumawa kaming dalawa.

Tahimik naming iniinom ang kape namin pero agad din niyang binasag yung katahimikan.

"Anyway, bumisita kahapon si Kris sa office ko. Sabi niya nag-usap na kayo at sinabi rin niya na may nagmamay-ari na sayo. Is that true?" Napatingin ako sa kanya at nag-shrug.

"Y-yeah..."

Ngumiti naman siya ng matipid at pilit."Ah, kaya pala busted ako sayo. Gets ko na haha." Wow. Nagawa niya pang tumawa? Yixing talaga. Pero buti nalang at di na siya nag-drama.

"About Kris, anong naramdaman mo nung nakita mo na ulit siya?"

"Well..." Pumalumbaba ako at inikot ikot yung baso ko,"Galit parin ako sa kanya."

"Dahil iniwan ka niya?"

Napabuntong hininga ako at sumandal sa upuan,"Yeah. Ewan ko ba pero naka-move on na ako sa nararamdaman ko sa kanya pero di ako maka-move on sa pag-iwan niya sakin. Ako na yata yung may diperensya." Tumawa naman siya.

"Talk to him. Kailangan niyong mag-usap para magkaroon na ng closure. At matatahimik na ang buhay mo."

Napaisip ako. Dapat nga na mag-usap kami. Kailangan ng magkaroon ng closure para di na awkward. Lalo na't magsasama kaming dalawa sa isang linggo dahil sa project namin. Oo, napa-oo na nila ako dun. Wag niyo ng tanungin kung pano.

After kong mag-jogging, umuwi na ako at naligo at nag-ayos dahil first day ng shooting ngayon. Kinakabahan ako dahil makakasama ko si Kris. Dapat di na ako apektado eh.

Biglang may kumatok kaya dali-dali kong binuksan yung pinto habang inaayos yung shirt ko.

"Annyeong." Bati niya nang buksan ko yung pinto.

"Oh, oppa! Dito ka na titira?" Ang shunga ko. Malamang dito na siya kasi fiancè mo siya.

"Yep! Haha." Tinulungan ko siyang ipasok yung mga bagahe niya at pinaupo siya sa sofa.

"Kumain ka na ba? Nauuhaw? Anong gusto mong inumin, oppa?"

"Wala naman akong gusto. I'm okay. Uh, may pupuntahan ka ba?"

"Meron eh. Kaya iiwan muna kita oppa." Tumingin ako sa wrist watch ko,"Oh, I need to go kasi bawal ma-late baka magalit si direk. Haha. May pagkain sa mesa kung sakaling magutom ka. Uuwi naman ako ng maaga kaya makakapag luto ako ng gabihan."

"Okay. Bye!"

Kinawayan niya ako bago ko isara yung pinto.

...

"Oh, nandito na pala si Bommie!" Sinalubong ako ng make-up committee at agad akong inayusan. Habang inaayusan ako kinakausap ako ni Sofia, yung director namin, tungkol sa gagawin ko. Nakabisado ko naman yung lines ko at maya-maya ay ni-ready na yung set.

Nakaupo ako sa isang tabi at biglang tumabi siya sakin tsaka ako inabutan ng pagkain.

"It's 12 already. Bawal malipasan ng pagkain." Tinanggap ko nalang yun ng walang imik.

Tumingin ako sa kanya,"Ah...ano, Kris. P-pwedeng mag-usap tayo somewhere private?" Tumingin rin siya sakin kaya umiwas naman ako ng tingin.

"Sure. After the shooting?"

Tumango ako.

Silence...

Awkward...

"Uhm...tawag na yata tayo ni direk. Punta na ako dun." At kumaripas ako ng takbo bago pa siya sumagot.

Bwiset. Dapat di ako nagpapa-apekto sa presensya niya.

My eleven suitorsWhere stories live. Discover now