Chapter 84

272 14 0
                                        

*Ericka Trishana Yumoko POV*


Ang mga salitang yun, saan ko ba narinig yun? Kanino ba ng galing ang mga salitang yun? Bigla kong naisip na walang masasagot sa mga tanong ko kung hindi ko aalamin.


Binuksan ko ang pinto at napahinto sa pag uusap sila kuya ng makita ako, tinignan ko sila isa isa nag buntong hininga ako pagkatapos ay saka nag salita.


"Mga kuya may itatanong ako."


Nag katingininan naman sila, siguro na we-weirduhan na sila sakin.


"Ano yun bunso?"


Pag tatanong ni Kuya Ash.


"Pero bago ako mag tanong gusto ko na sagutin niyo ko ng totoo at walang kasinungalingan."


Nanlaki naman ang mga mata ni kuya DEM sila kuya Cons at Bricks poker face lang si kuya Ash naman ngumiti lang sakin.


"Sige ba, ano ba yang itatanong mo?"


Naka ngiting pag tatanong ni kuya Ash, nag buntong hininga ako at saka nilabas sa mga dila ko ang mga tanong na bumabagabag ngayon sa isipan ko.


"Sino si Yra? Ano nangyari sa mga magulang natin? Bakit wala akong maalala tungkol sa kabataan ko? Sino ba talaga ako? Ano ba talaga ang pamilya natin? Ano ba ang sekreto ang meron sa pamilya natin?"


Nakakita naman ako ng gulat sa mga mata ng mga kuya ko pero agad itong na bawi at nag sitinginan sila at nag ngitian.


"Sa wakas masasabi na natin ang mga sekreto na tinago natin sa loob ng apat na taon."


Pag sasabi ni Kuya DEM at ngumiti sakin.


"Apat na taon?"


Pag tatanong ko kay Kuya.


"Oo apat na taon kang walang maalala sa nakaraan mo, apat na taon kang namumuhay ng walang ka alam alam."


Pag sabi naman ni Kuya Cons.


"Apat na taon na rin simula ang aksidenteng yun."


Pag sasabi naman ni Kuya Bricks.


"Aksidente? Anong aksidente?"


Nalilitong tanong ko sakanila.


"four years ago, nag bakasyon tayo sa korea at siguro yun na yung huling alaala natin mag kakasama."


Pagsasabi ni Kuya DEM.


"At yung rin ang huling beses na nakasama natin ang ate mo si Sheeyra Monique Yumoko o mas kilalang Yra."

[EXO FF]: Change Identity [COMPLETED]Where stories live. Discover now