"HEAVEN BY YOUR SIDE"

Start from the beginning
                                    

Di na nga yata siya makapag-hintay na muli ay makapiling si Russell.Nang bigla na lamang siya makarinig ng katok sa kanyang pinto.

"Angel." Tawag ni Travis sa labas.Biglang kinabahan si Angelica.Di na niya alam ang gagawin kung bubuksan ba o hindi ang kanyang ama. Pero bakit nga ba siya matatakot?

"Please come in, dad."Aniya at itinali pa ang suot niyang bathrobe.Pumasok naman si Travis.At napansin nito ang nagka-kalat na mga damit ng anak.

"May lakad ka ba, hija?"tanong nito.

"Sana ho,dad." Tugon niya at humarap sa tokador. "Why?"

"Di maka-attend si Jewel sa board meeting. If you don't mind, pwede ka bang maging substitute niya? May lagnat si Shantie eh."Sabi ni Travis at naupo sa mahabang sofa sa paanan ng kama ni Angel.

"Pero, dad." Tanggi sana niya, pero hanggang sa utak na lamang niya 'yon."May iniwan ba'ng copy ng report si Jewel dad at nang ma-review ko?"

"Paki-daanan na lang hija sa office ng kapatid mo.Iniwan niya 'yon sa ibabaw ng desk niya. Naroon naman si Jessica, she'll guide you."
Sabi ni Travis.

"Okay dad. Magbibihis na lang ho muna ako.What about you, dad? Pupunta ka ba kina Jewel, ngayon?"Aniya.Tumango naman si Travis.

"Yes hija, walang kasama ang kapatid mo ngayon.Nasa Hongkong si Thirdy. Ang mommy mo naman ay a-attend ng meeting sa school nina Marionne."Sabi ni Travis at tumango naman si Angelica. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Tawag ng pamilya 'yon. Tatawagan na nga lang niya si Russell at sabihing baka next day na lang sila magkikita. Mauunawaan naman siguro siya ng binata.



Si Russell naman ay dumaan pa sa Barber Shop at nagpagupit.Lalo tuloy siyang naging makisig at guwapong-gwapo sa bago niyang buhok.It's an army-cut.Poging-pogi siya kesa sa dati na.

Nagtungo din siya sa Mall at bumili ng bago niyang damit at sapatos.


Kakauwi lamang ni Dianne mula sa kanyang opisina. Dumiretso na siya sa bahay nila ni Russell. She wants to cook for her husband, pero sa tuwing gagawin naman niya 'yon ay alam niyang magsa-sayang lang siya ng effort dahil imbes na ma-appreciate 'yon ni Russell ay nagiging sanhi pa yon ng away nila. So, why would she do that?

"Manang, si Señorito mo, nakauwi na ba?"tanong ni Dianne sa kasambahay.

"Di pa ho, Señorita. Ewan kung uuwi ba siya, kasi nakita ko'ng may bitbit na back-pack eh."Tugon ng katulong.Bigla na namang nandilim ang paningin ni Dianne.Ba't kasi di niya nabantayan si Russell! May kutob na naman siyang magkikita ito ng kabit niya.

"Huwag na huwag ka lang magpapahuli sa akin, Russell Buencamino.Dahil tiyak ko'ng pagsisihan niyo ng babae mo ang gagawin ko!"Galit na sabi ni Dianne sa sarili niyang utak at halos ay mabasag na ang hawak niyang ballpen.Padabog siyang umakyat sa itaas ng bahay upang magkulong sa loob ng silid nilang mag-asawa.

Masiglang sinagot ni Russell ang tawag ni Angelica. Akala kasi niya'y darating na ang dalaga sa lugar na napag-usapan nila.Sa Subic Bay.Dumating na kasi siya sa Resort na 'yon.Alam niyang kahit saan man siya magtungo ay malalaman 'yon ni Dianne.Kaya naman ay minabuti niyang gamitin ang pangalan ng kaibigan niyang si Joshua.

"My Angel, kanina pa ako narito."Sabi ni Russell sa kabilang linya.

"Russell, I'm on my way to the board room.I have an emergency meeting with the board.I doubt that I can be able to come."Sabi ni Angel.

Biglang nalungkot si Russell.But he managed to smile, somehow.

"Maghihintay ako. Pag natapos mo na ang meeting mo."

How Could An Angel Be a Mistress?Where stories live. Discover now