Chapter 10

11.4K 216 0
                                    

Truth to be told. Starting this day. Hindi na ako ang secretary niya. Andito ako sa loob ng opisina nito at parang tanga na nakatunghay sa kanya habang busy sa pag pirma at pagbabasa ng kung anong document sa ibabaw ng mesa.

Ultimo pag kurap ng mata at paghagod ng buhok nito ay naka tanaw lang ako. Wala pa naman kasi inuutos sakin kundi ang pagmasdan siya. Hindi ko nga alam kung bakit pati iyon ay kailangan kong gawin.

Wala pa kaming maayos na usapan tungkol sa set up namin na me as his employee with benefits. Pagkatapos kasi ng huli naming pag uusap ay dunarecho na kami ng uwi. Well hinatid niya ako sa bahay. At totoo ngang pinag paalam ako kay nanay ng mokong kong boss. Akala ko naman kasi ay ipapasalvage niya ako. Eto kasing utak ko over rated ata. Mahilig kasi akong mag jump sa isang konklusyon na walang sapat na ebidensya. Kaya hindi ako nakapag isip ng ayos. Kailan pa ba umayos ang utak mo? Daig mo pa ang may split personality eh, usal ng bahagi ng utak ko.

"Let's go"

"Ha?" bigla naman akong bumalik sa realidad ng magsalita ito. Nakita kong nasa glass door na siya at parang naiinip. "I'm famished" he said

Tumingin ako sa pambisig kong relo at napansing ala una na pala ng hapon, nawili ata ako ng pagmasdan ang isang to at di ko namalayan ang oras.

Mabuti at hindi alas dose ng tanghali kundi marami kaming makakasabay na empleyado sa hallway at elevator. At least safe ako for now sa mosang at negatron ng buhay ko.

Sumunod naman ako sa pag lalakad dito. Pero nakaka isang hakbang palang ako siya ay parang naka lima na. Hanep din naman kasi ang haba ng biyas nito sa legs. Ang bilis mag lakad. Pambihira!. Halos takbuhin ko na para makasabay ako sa likuran nito. At nang makarating kami sa parking lot ay talagang hinihingal ako.

"What's with that heavy breath?" he asked in confused.

I gave him my most deathly stare. "Ang bilis mo kaya!" hingal kong sabi. "I'm just walking" inosente nitong saad

"Kung hindi niyo po alam sir ang katumbas ng isa niyong hakbang ay lima sakin. Kaya para maabutan ko kayo ay kailangan kong tumakbo. Understand?" lintanya ko.

"Tss" sabay pasok nito sa loob ng kotse. Sobra akong nang-gigigil na para bang walang itong pakialam. Sino ka ba para bigyan ng paki? Ambisyosang to! Salsal ng isang bahagi ng isip ko. Pinilig ko ang ulo ko para matanggal ang agiw. At kung ano-ano na ang iniisip ko.

"Anakngtipaklong!!" bumisina ito at binaba ang windshield. "What the fck are you still doing there? Get inside!" he hissed

Wala akong nagawa kundi pumasok sa loob ng kotse. Feeling ko kung may sakit ako sa puso ay kanina pa ako inatake. Hays

Kumain kami sa isang fined dinning restaurant. Hindi naman ako naiilang, kahit ba kung tingnan nila ako ay puno ng pagtataka. Imagine isang taong kagaya ko na naka loose blouse na pula at mahabang palda na kulay itim at naka rubber shoes na puti at naka mailbag na leather habang ang buhok ko naman at inap do ko pa taas at ang malupit ay naka makapal akong salamin kahit wala namang grado.

Nagpa-pabebe wave pa ako tapos todo ngiti habang tinitingnan sila isa isa. Kaya ang ending nag si-balik silang kumain. Good! Ayoko ng takaw atensyo. Mahirap na at baka pagka guluhan pa nila ako.

"Don't mind them" bulong sakin ng boss ko. Hindi ko tuloy maiwasan na kinilig. Enebeyen! Nakakahiya. Ay fcksh.it kailan ka pa natutong mahiya ha Ashley? Untag ng isip ko. "Edi don't mind them" i mimicked, pinilig ko ang ulo ko para hindi mahalata ang biglang pagpula nito. Konti nalang mahahalikan na niya ako. Yummy!

ARE YOU GOOD IN BED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now