Ika-apatnapu't isang Biyahe

Magsimula sa umpisa
                                    

Siguro nga.

***

Andrew's point of view:

"Malay natin. Tingnan mo nga 'yung sa atin?" nakangisi niyang sabi.

Masaya siya, ah? Mabiro nga.

"Anong atin? Mayroon ba tayo?" This time, ako naman ang ngumisi. KJ ako, e.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. "Bahala ka nga sa buhay mo."

Hindi na ako pinansin?

"Huy! Ang OA mo naman! Joke lang e!" sabi ko sa kanya.

Hindi pa rin niya ako nililingon. Hindi ko naman siya magawang malingon since nagmamaneho nga ako.

"Lagi mo na lang akong binibiro, e. Alam kong wala pang tayo, pero sana naman, i-consider mo rin ang nararamdaman ko. Kahit bata ako, alam ko namang magseryoso sa nararamdaman ko," mahinahon ngunit nagtatampo niyang untag.

Hindi na rin ako nakapag-react sa sinabi niya dahil papasok na kami sa mansiyon. So, sineryoso niya? Hanggang makababa kami sa sasakyan ay tahimik lang siya. Ni hindi rin ako magawang lingunin, e. Hay! Mamaya ko na lang siya kakausapin. Sinalubong ko na agad noon sina Mama at Dad.

"Kamusta ang biyahe ninyo, anak?" tanong ni Dad sa akin.

"Naku, mukhang pagod itong si Alex, o," sabi naman ni Mama habang tinatapik si Alex sa likod. "Tara na at nakahain na ang katulong."

Buong lunch namin ay hindi ako pinapansin ni Alex. Nakikipagdaldalan naman siya kona Mama at Dad. Nga pala, wala pa sina Ate Althea dahil kasama daw nito ang boyfriend niya. Si Ate Andrea naman ay kasama si Kuya Gervis. Hindi naman sinabi ni Mama kung saan sila pumunta. Matapos kumain ay pinapunta muna kami ni Dad para makapagpahinga. Naunang maglakad si Alex. Hindi pa rin ako pinapansin ng mokong. Ginawa naman niyang big deal 'yung joke ko. Hindi bale, babawi ako sa kanya mamaya.

Gaya ng pinangako ko, 'pag humantong na siya sa tamang edad, ako na ang manliligaw sa kanya. 19 years old na siya ngayon, kaya siguro naman, hindi na ako child abuse nito?

"Mauna ka nang gumamit ng CR. Magpahinga ka muna at may pupuntahan tayo mamaya." Hindi pa rin ako pinansin at nagtuluy-tuloy lang sa CR. Tch.

Pinili ko na lang magpalit sa guest room. Ngayon, gagawin ko na ang first plan ko -- na naisip ko lang habang nagpapahinga. Sakto naman at kararating lang nina Ate Andrea at Kuya Gervis.

"Mukhang ang bigat ng problema mo, bunso, ah?" tanong sa akin ni Ate. Mesyo malaki na rin ang tiyan nito. Nandito kami sa veranda at nagpapahangin. Mabuti na lang at hindi mainit ang panahon.

"Oo nga, AJ. Ano ba 'yan at baka makatulong ako?" Kumindat pa sa akin si Kuya.

Hm, pwede na rin siguro. "Ate, hiramin ko muna sayo si Kuya Gervis, ah?"

"Sure, pakisapak na rin 'yan para sa akin," natatawang untag naman ni Ate.

"Err, bakit?"

"Kanina pa ako pinagtitripan, eh." Natawa na lamang kami.

***

Alex' point of view:

Hapon na noon pero hindi ko pa rin nakikita si Andrew. Kasi naman, parang bata pa rin ang tingin niya sa akin. Para tuloy pinapakita niya na hindi kami pwede.

Bumaba ba ako noon nang tawagin ako ng isa sa kasambahay nila. Naabutan ko pa sa living room sina Mama at Papa-- eate, Tito at Tita. Kasama nila si Ate Andrea na medyo malaki na ang tiyan.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon