Ilang sandali pa ay nasa harap na ako ng isang malaking vintage mirror na kita ang itsura ko mula ulo hanggang paa. Binihisan ako ng isang puting gown na hanggang sakong ang laylayan. Hapit ito sa aking kurba kaya pumuputok ang balakang ko sa salamin. Bra-like ang top nito na nakalapat sa aking biniyayaang dibdib. I have never shown more flesh than this.

"Miss Ali, narito na po ang sundo niyo." Narinig ko mula sa aking likuran.

Sinuotan ako ng isang mamahaling kwintas na may palawit na gawa sa batong ruby para makompleto ang aking bihis. Pinasadahan pa ng isang dama ang aking itsura bago ako ihatid sa may pintuan.

Huminga ako ng malalim bago sumakay sa karwahe. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangang sumakay pa ako ng karwahe eh halos limandaang metro lang naman ang layo ng dama's inn sa town hall. Naisip kong baka palabas lang ito ng mga namumuno sa palasyo at gusto nila kaming magpakasaya muna bago isabak sa patayan. Isa pang buntong hininga ang lumabas mula sa bibig ko habang nilalakbay ng sasakyan ang distansya patungong bulwagan.

Sumagi na naman sa isip ko ang lalaking may malamlam at berdeng mga mata.

Tiyak magkikita na naman kami.

Ang lalaking 'yon. Ang lalaking nang-torture kay Pea at may kakayahang paramihin ang sarili. Malakas ang resistance niya sa ability ko o sadyang mahina lang talaga ako para makontrol ko ang katawan niya. Paano niya nagawang balewalain ang chain samantalang si Levi na malayong mas malakas saakin ay nakokontrol ng aking kakayahan? Dapat ko ba siyang katakutan?

"Ali?" putol sa pagmumuni-muni ko ng isang boses lalaki. Ang nagmamaneho ng karwahe ang tumawag saakin na nakalahad pa ang kamay habang nakahawi ang isa pang kamay nito sa telang tumatakip sa looban ng sasakyan. "Nandito na po tayo."

Agad akong bumaba. Ni hindi ko inabot ang kamay ng mama para magpaalalay. Hindi kasi ako sanay na tinatratong parang mahinang babae na kailangang alalayan pati sa napakasimpleng bagay. "Salamat po." Tipid kong sabi bago tuluyang naglakad patungong bulwagan.

Malakas ang tugtugin sa loob ng gusali. Halos mabingi ako sa magkahalong ingay ng tutugin at ng mga tao. Nakailaw ang higanteng chandelier sa loob ng gusali at maayos na nakapwesto ang mga napalamutiang lamesa at upuan na nakareserba marahil sa kinauukulan.

Halos lahat ay nakasuot ng disente at naayon sa okasyon. May nagkukwentuhan, nag-iinuman, at nagsasayawan na parang gawain din ng mga mamamayan sa Alpha. Ayokong mapansin ng mga nandoon. Hinanap ko si Pea pero hindi ko ito mahagilap. Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala parin akong makita ni anino niya.

Naupo ako sa isang sulok at mabilis na hinagilap ang heartbeat ng babae. Ilang segundo lang ay nahanap ko na ito. Nasa likod siya ng stage.

Agad ko itong pinuntahan. Umakyat ako sa entablado at mabilis na pumuslit patungong likuran nito. Ni hindi ko namalayang nakabungguan ko ang lalaking may cloning ability na palabas naman ng stage.

Nagkatitigan kami. Halos mabato ako sa lamig ng mga titig niya. Hindi iyon lumagpas ng dalawang segundo dahil mabilis din niyang binawi ang mga titig niya at napalitan ng nagtatanong na mukha.

"Where the hell have you been?" May diin sa salitang 'hell'. Halatang nakalagok na ito ng alak dahil sa amoy ng kanyang hininga.

"I just arrived." Tipid kong sabi saka bumawi ng nanlilisik na titig. Hindi ako matitinag sa mga berdeng matang yan.

"Natapos ko nang kausapin ang mga bagong recruit kasama ang kaibigan mong reklamadora. Bukas na kita kakausapin pagkatapos nito." Ang selebrasyon at pagpapakilala ang ibig nitong sabihin. Tumalikod na ito nang di napansin ang pagtiim ng mga bagang ko. "Nasa likod si Pea. Diyan lang kayo at magsisimula na ang pagpapakilala."

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Where stories live. Discover now