Nasa mga Kiosk sila ngayon. Free time kasi.

"Namiss ko kayoooo! pakiss nga cassy!" sabi naman ni kian.

Hinarangan ni cassy sa kamay ang mukha ni kian na papalit sa cheeks niya.

"Subukan mo lang. Hindi kana masisikatan ng araw!"

"Nagbibiro lang eh!"

"eh ikaw nalang pam! pakiss nga panget!" pang-aasar ni kian.

Sige sige! gusto ko yan!

"lumayas ka nga sa harapan ko!" paghahampas ko sakanya.

"HAHAHAHAHAHA! pano ba naman kasi dude, Lagi ka nandoon kay yoona sumasama kaya iyang dalawa ang sungit sa iyo."

"Oo nga. wala ka ng time samin." reklamo ni cassy

"Oo nga ehh! wala ka ng time. Lagi nalang si Yoona! Yoona! Si yoona! pwede bang kami naman?" reklamo ko naman.

Napatingin naman si kian sakin.

"uhhh.....i mean.."

"Miss mo na ako pam?" seryosong sabi ni kian.

"uh.... ha?.. eh.. Hindi ahhh.! ahh. oo eh! " sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Hala , sinabi ko talaga yun? Nakakahiya!

"Miss na rin kita ehh." bulong ni kian sakin at umalis na. Whoo! Bumilos ang tibok ng puso ko! Grabe!

Panaginip lang ba iyon? totoo ba yun?

"kilig na iyan!" siko ni cassy sakin.

"eh ikaw cassy hindi ka ba kinikilig sakin?" tanong naman ni owy kay cassy.

"tumahimik ka nga Owyy! korni mo ehh!"

Magkakatuluyan rin yang dalawa eh!

Nag bell na rin kaya pumasok na kami sa classroom naming.Napapangiti nanaman ako. Naalala ko kasi iyong kanina. Hindi naman siguro nagbibiro si kian.

"Okay class , i have a big announcement. Nextweek na ang Grand fair niyo. Kayo na bahala kung ano ang booths na iprepare niyo basta maka earn tayo ng 2000 for 3days . So bukas wear your civilian attire fo preparations. Mag isip na kayo today for your plans. Class president and vice president kayo in-charge for this." Paliwanag ng adviser namin.

Yes! Grand fair nanamin. Makakasakay na ulit ako sa rides! Ito yung event na laging inaabangan ng mga taga St.Peter Academy!

"oy!"

"ay! pusaaaa! kian?!"

"Ano? tara?"

"ha? anong tara?"

"cutting tayo?"

Wengya!

"abnormal ka ba?"

"bakit?"

"ayoko mag cutting. "

"Pumayag ka na!" pagpupumilit nito sa akin.

Napalakas tuloy ang boses ni kian. Biglang napatingin samin yung mga kaklase namin. Si owy at cassy naman tumingin rito sa gawi ko, pangiti ngiti lang sila.

"uyyyyyyy! ano iyan?" sabi ng isa namin na kaklase na si bernice.

"Si pam kasi ayaw mag cutting class." sabi ni kian. wengyang kian nato! Dinadamay pa ako sa mga kalokohan niya!

"ah. ehehehe. Wala iyon. may topak lang siya!" sabi ko naman.

"mag cutting class na kayong dalawa!" sabi ng secretary of the class na si Jasmine.

"ha? seryoso? wag na!" sabi ko.

----

"ano ba kian! umayos ka nga! upakan kita eh!" sabi ko. kinukulit pa rin niya kasi ako hanggang ngayon.Sumama siya sakin pauwi sa bahay. Doon daw siya magdidinner. Pagbigyan nga! Gusto ko rin siya kasi makasama eh! hehe

Sa bahay.........

"Tita! im here!" sigaw ni kian habang nag ga-garden si Mommy.

"Kian! It's nice to see you again." Masayang bati ni mommy sabay hug kay kian.

"Me too tita , Ininvite po pala ako ni Pammy dito na magdidinner."

ha?

wala akong sinabing ganun!kahit kelan talaga kian!kinurot ko siya sa tagiliran niya.

"Awwww!! ah. hehe!"

"are you okay kian?"

"Yes tita. May makati lang po sa tagiliran ko.!"

"Siya nga pala baby, mag half day ka bukas. Your dentist call me that your braces will be took off na. "

"Talaga Mom?! Great!" masayang sabi ko. Haay salamat para naman mawala na yung sagabal na bakod sa ngipin ko.

"Tara na! Doon tayo sa kwarto mo. palaro sa laptop!" bulong ni kian sakin.

"Mom! kwarto lang kami." paalam ko.

"okay baby. go to your room na!"

Tumakbo na kami ni kian papasok sa room ko. Nang makapasok na kami sa kwarto ko kumuha ako agad ng damit at nagbihis sa CR.

Feel at home si kian eh!

Nang matapos na ako magbihis agad ako sumampa sa kama ko at binuksan ang tv. Inayos ko naman tong salamin ko.Si kian naman biglang tumabi sakin. Dinala pa ang laptop ko.Great!

"Hoy! umuwi ka agad pagkatapos mong mag dinner! " sabi ko.

"aye aye captain!" sabi niiya naman na nag hand salute pa.

Nang medyo nabored na si kian sa laptop kakalaro. Bigla niya lang ako kiniliti!Takte!Anong trip nito!

"HAHAHAHAHHAHAHA. lecheeeeeeeeeee ka kian! tama na! hahahahaha" tawang tawa kong saad.

" hahahhahahahahaha" tawa niya naman.

"ano ba mahuhulog ako! pag ako nahulo........."

*BOINK*

*TSUP*

O_____________________________O ako

O________O -kian

Bigla kong tinulak si kian. Napatayo ako sa sobrang gulat. Hindi ko inaasahan iyon.

First kiss ko si kian kahit aksidente ang nangyari.

Biglang ako tumakbo sa loob ng CR. kinapa yung dibdib ko.

SYET! ANG LAKAS! KAILANGAN KO NA MAGPA KONSULTA SA DOKTOR! SASABOG NA ATA!

Napahawak ako sa labi ko. Pakiramdam ko . Namumula ako.

Hindi rin nagtagal at lumabas na ako ng CR at...

ANG AWKWARD!

"ahhh! kian/ Pam". ayshhhhhhh! boshet! sabay pa kami nagsalita.... Wag ka na magsalita please!

"M--auuna na pala ko.Nagtext si ben eh. Nasa bahay siya. Sige, salamat!" sabi ni kian .

"ahh. S--iigeee."

Palabas na sana si kian sa kwarto ko ng bigla siya uli nagsalita.

"First kiss?" then he showed his evil grin at me.

Nakakahiya!

"Abnui! alis na! alis na!" pagtataboy ko sakanya. agad kong nilock yung kwarto ko at tumakbo sa kama ko.

"AHHH! ANG HEAVEN!" kinikikilig na saad ko sa aking sarili sabay talon talon sa kama ko.

Book 1(Part 1):The Nerdy Princess REVENGE!!! (Completed)Where stories live. Discover now