Chapter 25: Oh no!

152 1 1
                                    

NOBODY'S POV

Nagkakagulo ang lahat sa harap ng Emergency room, lahat hinihintay lumabas ang doctor, ang iba naman ay nasa Curch at nagdadasal. Nagdadasal para sa kaligtasan ni Aicee.

"Ano ba kasi ang nangyari kay Aicee? sa huli kong pagkakatanda ang kasama niya ay ikaw Tjeerd? pano nangyari na nagka ganito ang kaibigan namin. Akala ko ba proprotektahan mo siya? Akala ko ba ikaw ang prinsipe niya?" sabi ni Aya habang umiiyak. Pinatatahan naman siya ni Honey.

"Hindi.. hindi ko rin alama. Oo nga't magkasama kami nung una, pero bigla na lang siya nawala, hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Kasalanan ko to, kung pinigilan ko agad siya sa pagtakbo palayo sakin, kung nahanap ko lang agad siya, wala sana siya jan sa emergency room, wala siya sana sa hospital na to. Ako ang may kasalanan." sagot naman ni Tjeerd, halata mo sa boses niya na nagpipigil lang siya ng iyak.

Sasagot na sana si Honey,para sabihin ang totoo, pero hindi na niya nagawa.

"Binilisan ko na agad ang pagpunta dito ng mabasa ko ang text mo Tjeerd. How's Aicee?" tanong nung isang lalakeng dumating. Asa mid forties na ito. Tumingin ang lahat sa kanya, nagtataka ang lahat kung sino to.

"Dad"sagot ni Tjeerd

"Huwag ka masyado mag alala anak, magiging okey rin siya. I know she's a strong girl kaya huwag tayo mag alala.."sagot nito.

Tumahimik naman ang lahat ng lumabas ang doctor mula sa Emergency room

"Sino ang kamag anak ng biktima rito?" tanong nito

"Wala pa po ang Mama niya, pero ako po ang Father ng boyfriend niya" sagot ng daddy ni Tjeerd.

"Ok since ikaw ang pinaka matanda dito. MAraming dugo ang nawala sa kanya. She needs blood, sino sa inyo ang Type A?" tanong nito.

"Type O ako" sagot ni Honey

"Ako rin"sagot ni Aya

"Ako rin type O"sagot naman ni Tjeerd.

"Ako Doc, Type A ako, malusog rin anaman at walang sakit, makakapag donate ako" sagot ng dady ni Tjeerd.

"Okey sige, sumunod ka na alang sa nurse at kukuhanan ka niya ng dugo. Nurse please assist this gentleman" sabi ng doc at agad siyang bumalik sa E.R

"Thanks Dad" sagot ni Tjeerd

"Anything for you son" sagot nito at sumunod na sa nurse.

Pagkalipas ng ilang sandali dumating naman ang mama ni Aicee.

Agad itong lumapit kay Tjeerd.

"How's my daughter Tjeerd?"tanong nito.

Hindi makatingin ng maayos si Tjeerd sa mommy ni Aicee, dahil sa sinisisi nito ang sarili.

"I'm sorry Tita, i failed you. hindi ko nagawang protektahan ang anak niyo,. Kasalanan ko po ito" sagot ni Tjeerd at tuluyan ng umiyak.

Niyakap ng Mommy ni Aicee si Tjeerd tyaka ng wika:

"it's not your fault Tjeerd. Alam ko na ang lahat ng nangyari at alam kong hindi ikaw ang may kakagawan nito. Buti wala ang lalakeng yun dito.Hindi ko pinapayagan na dumalaw si Shaine dito, kaya wala sinuman sa  inyo ang pwedeng magpapasok dito sa lalakeng yun. Wala siyang ibang alam kung hindi nsaktan ang anak ko, at ito na ang huling pagkakataon na masasaktan niya ang anak ko." may bahid ng galit ang tono nito.

My EX BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon