Chapter 16 "Pag-uwi sa Pilipinas"

17 3 0
                                    

A/N: Kahit na may midterm kami bukas, naisingit ko pa sa schedule ko ang pag-update nito, hahaha... anyway... Please Vote. Comment. Share... Thank you and God bless... *^▁^*
~~~~~
Alyssa's POV
(March 31, 20**, Monday, 4:00pm)
(Mendoza-Odejar Residence, Laguna, Philippines)
(Living room)
Natapos na ang Recognition at Graduation Day, kaya ngayon ay nagce-celebrate kami dahil Salutatorian si Ate Nadine ng batch nila, at dahil graduate na si Ate, kinukumusta naman nya sina Kuya James sa America at bukas ang uwi nila dito...

Excited sina Kuya Geryanne at Kuya Kervy dahil uuwi na sa Pilipinas sina Ate Cristine at Ate Trixia...

"Mga Kuya, wag naman kayong malikot, hindi halata na excited kayo ehh..."

Sabi ko, ang likot kasi, lalakad pakanan, tapos lalakad naman pakaliwa, at paulit-ulit nilang ginagawa yun, hinihintay kasi namin na sagutin ni Kuya James yung tawag ni Ate Nadine...

"Miss na miss na kasi namin sila.."

Sabay naman na sagot nila Kuya Geryanne na patuloy parin sa ginagawa na nakakahilo, tsk...

"Guys, guys... tahimik, sinagot na ni James..."

Sabi naman ni Ate Nadine na excited din, pero 'di masyadong halata...

(Cellphone conversation)

"Hello..."

"Hello? Who is this?"

Sagot nung sa kabilang linya, boses babae, parang si Ate Cristine at Ate Trixia...

"Uhm, can I talk to James? This is Nadine, his.. friend..."

"Ohh!!! Ate Nadine?! Sorry I did not recognize your voice, by the way, this is Trixia and I'm going to call Kuya James, he's in his room kasi at nakalimutan nya siguro yung phone nya dito sa kwarto ko while we're talking, he is getting ready na ata para sa pag-alis namin papunta sa airport..."

Sagot nung nasa kabilang linya, and she is Ate Trixia pala, I knew it...

At naghahanda na sila sa pag-alis papunta sa airport, ibig sabihin, bukas ang uwi nila dito ng umaga...

"Ohh, it's okay, kumusta na pala ang physical therapy mo?"

"It's already done Ate, it went very well, kahit na mahirap nakaya ko naman po and 2 years ago na siguro ang nakalipas nung natapos na ang physical therapy ko, ... anyway, heto na po si Kuya James..."

Sabi ni Ate Trixia kay Ate Nadine, tapos may nagsalita na ulit sa kabilang linya at si Kuya James na nga yun...

"Hello, Nadine? Bakit ka napatawag? Sorry ahh, naiwan ko nga sa kwarto ni Trixia yung phone ko, pero it's good na narinig nyo ang boses nya na maayos ang pakiramdam nya... and I know that all of you hear her voice, especially the twins.. am I right? Nakaloud speaker yan noh?"

Hahahaha, galing manghula ni Kuya James, nakaloud speaker nga yung phone ni Ate...

"Yeah, you're right, you can blame the twins for that, tsk... sino nga pala ang susundo sa inyo? Nangungulit kasi itong dalawa na isama daw sila kina Tita Maria sa pagsundo sa inyo ehh..."

"Pasensya na, pero... sina Tita Maria lang ang susundo sa amin at may kasama pa kaming iba ehh... anyway, aalis na kami, see you guys na lang... bye..."

"Okay, bye.. ingat kayo sa pag-uwi nyo ahh... God bless..."

(*toot toot toot*)

Aww, kawawa sina Kuya Geryanne at Kuya Kervy, hindi sila makakasama sa pagsundo kina Ate Cristine, hahahaha...

At kilala talaga ni Ate Trixia kaming dalawa ni Ate Nadine, yung kambal lang talaga ang hindi maalala...

Lagi kasing magkatext, magkachat at lagi din magkaskype sina Ate Nadine at Kuya James, ehh naaabutan ni Ate Trixia at Ate Cristine yung dalawa, pati ako, naabutan ko kaya in that way nagkakilala kami...

"Hindi daw kayo pwedeng sumama sa pagsundo nina Tita Maria kina James kasi may kasama daw silang iba, sina Boom ata yun..."

Sabi naman bigla ni Ate Nadine na nakaharap kina Kuya Geryanne...

Nalungkot naman yung dalawa, hayy, kawawa naman sina Kuya Geryanne, ahh! Alam ko na!

"Mga Kuya, 'wag na kayong malungkot dyan, makikita nyo naman sila Ate Cristine at Ate Trixia ehh, bukas naman ng hapon ay magkakaroon sila ng Welcome Home party..."

Sabi ko, para naman ma-encourage sila, napatayo naman si Kuya Geryanne at nagsalita, hahahaha...

"Oo nga noh!! Galing mo talaga bunso!!"

"Hahahaha, Sana naman maging maayos ang pag-uwi sa Pilipinas nung mga yun..."

Sabi naman ni Kuya Kervy...

Nabuhayan sila sa sinabi ko, hahahaha...

Ano kaya mangyayari bukas ng hapon kapag nagkita na yung apat?

-----

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon